Nagalit ang Tiyahin nang Malamang Pinagtataguan Siya ng Pagkain ng Pamangkin, Nakakaiyak Pala ang Dahilan Niya

“Ano ba yung mabaho!? Isang linggo ko nang naamoy yun dito sa kwarto natin! Amoy bulok!” sigaw ni Nerriza.

“Alam mo dito yun nanggagaling sa aparador ni Andeng e! Sirain na kaya natin itong lock?” tanong naman ni Jelay.

Agad naman na kumuha ng martilyo ang dalawa para wasakin ang padlock sa aparador kung saan nanggagaling ang matinding amoy.

“P*tangina! Bakit may hilaw na manok sa damitan niya?!” sigaw ni Nerriza sa nakita sabay takip ng ilong. Halos inaamag na ito at kulay berde na rin; sobrang masakit na sa ulo ang mabahong amoy ng karne.

Agad itong itinapon ng dalawa. Inilabas rin nila ang mga damit ng babae at ibinabad para malabhan kapag umuwi na si Andeng.

Ngunit hindi lang karne ang nakita nila roon dahil pagkaalis nila sa mga damit ng dalaga ay tumambad ang napakaraming pagkain at ibat-ibang gamit naka-imbak. Katulad ng shampoo, conditioner at kung anu-ano pa.

“Grabe! Ano ba ang akala niya sa atin? PG?! Ang kapal naman niya para itago itong mga ito! Napakadamot! Walang utang na loob! Isusumbong ko yan kay mama!” sigaw ni Jelay at tumakbo pababa sa kanilang bahay.

” Ma! Akyat ka rito! May ipapakita ako sayo! Mabu-bwisit ka kay Andeng!” malakas na sigaw ng dalawang magkapatid.

Advertisement

Halos maglilimang taon nang naninirahan si Andeng sa bahay ng kanyang tiyahin sa side ng kaniyang ama. Hindi naman talaga malapit ang loob niya roon ngunit kailangan niyang makisama dahil gusto niyang sa Maynila magtrabaho.

Magkakasama silang tatlo sa kwarto at aminado ang babae na labis- labis na ang pakikisama niyang ginagawa sa pagtira roon.

“Aba nga naman! Kita mo may ganyan pala siya diyan sa aparador niya? Pinatira ko na dito ay ganyan pa karamot! Ilabas niyo yan at gamitin natin! Pati yung mga pagkain ay lapangin natin! Ang kapal ng mukha!” saad naman ni Aling Karing ang nanay ng dalawang babae.

“Kita mo may stock pala siya ng napkin dito, e nung nakaraan na humihingi ako sa kaniya sabi niya sa akin wala daw! Napakadamot na! Napakasinungaling pa!” saad ni Nerizza at saka nila pinaghatiang magkapatid ang isang malaking balot.

Nilimas rin nila ang laman ng aparador ng kanilang pinsan na si Andeng at kinain ang lahat ng pwedeng makain. Halos tatlong araw nang wala ang dalaga dahil sumama ito sa company outing at mamaya pa ang uwi nito.

Gulat na gulat si Andeng ng maabutan niya ang mag-iina na kumakain sa salas at sa unang tingin pa lamang ay alam na niya kaagad na iyon ang mga pagkaing itinago niya.

“Hi pinsan! Lagot ka kay mama!” saad ni Nerizza sabay irap sa babae.

“O nandito na pala itong pinatira ko e! Buti naman nakauwi kana Andeng at kailangan nating mag-usap tungkol sa karamutan mo!” wika ni Aling Karing sa babae na yumuko na lamang.

Advertisement

“Balak mo yatang gawing imburnal sa baho yung kwarto ng mga anak ko e! Nagtago ka ng hilaw na manok!? Ano yun ha!? Kaya nilabas ko na lahat ng damit mo at binabad sa banyo para labhan mo na ngayon, wag mong kalimutang isama ang mga labahan namin!” dagdag pa ng ale.

“Sige ho tiyang, maglalaba na ho ako. Pasensya na ho kayo,” pahayag ni Andeng.

“O teka teka. Pinaalis na ba kita?” tanong ng ale sabay hawak sa braso ng dalaga.

“Dito ka lang at mag-uusap tayo bakit ang dami mong nakatagong pagkain sa damitan mo at kung anu-ano pa? Ano yun ayaw mo mamigay? E kung palayasin kaya kita?! Ha!?” madiing tanong ng ale kay Andeng at humihigpit ang hawak nito sa kaniyang braso.

“Aray ko ho! masakit!” sigaw ng dalaga sabay tanggal sa braso ng ale at tumaas na rin ang kaniyang boses.

“Aba! Lumalaban kana!?” sigaw naman ni Aling Karing sabay bitaw at hinanap nito ang sinturon para ihampas sa babae.

“Sige ho tiyang, saktan niyo ho ulit ako. Pero sa pagkakataong ito, lalaban na ho ako at kapag yang sinturon niyo ay umabot nanaman sa akin ay isusumbong ko na kayo sa barangay. Gusto niyo ho ba talaga malaman kung bakit ako nagtatago ng pagkain?”

“Dahil ho sa inyong tatlo!” sigaw ni Andeng at tumayo ang dalawa niyang pinsan at pumunta sa likuran ng kanilang ina.

Advertisement

“Alam ko naman hong nakikitira lang ako sa inyo. Pero hindi naman ho ako palamunin diba. Nag-aabot ho ako ng pangkain, pang-upa sa bahay, panglaba, pang- grocery at pang- kuryente. hindi ho libre ang pagtira ko dito at naiintindihan ko iyon. Sa loob ng limang taon ay wala ho kayong naririnig sa akin kahit pa nga lagi niyo akong sinasaktan kapag nabu-bwisit kayo o nahuhuli ang bigay ko ng pera,” namumula na ang mata ng dalaga at pilit parin niyang pinipigilan ang pagluha.

“Ginagalang ko kayo tiyang pati narin mga pinsan ko, pero hindi ko ho masabi sa inyo na nabibigatan na ako dahil sumosobra na ho kayo.”

“Noong una naman ay ayos lang ho na ginagamit ng mga anak niyo ang lahat ng gamit ko sa banyo, katulad ng shampoo, conditioner at pati nga simpleng sabon at napkin. Pero habang tumatagal ay ako at ako na lang ang bumibili ng mga iyon kahit pa nga nag aambag naman ho ako sa pang grocery dito sa bahay at pare-parehas kaming may trabaho. Pinipilit kong tipirin yung pera ko dahil halos kalahati ng sweldo ko ay dito ho napupunta sa bahay, kulang na nga lang sabihin ko po sa inyo na halos ako nalang ang gumagastos sa kailangan ng anak niyo sa banyo. Wala silang pagkukusa.” nanginginig ang dalaga dahil ang tagal niyang kinimkim ang hinanaing iyon.

“Yung sa mga pagkain naman ho ay hindi ako kelan man naging madamot sa inyo, pero sa tuwing ilalabas ko ang pagkaing gusto ko ay wala pang isang minuto at naubos niyo ng lahat iyon. Kaya minsan gusto ko magtabi ng para sa akin lang dahil alam ko namang kaya niyo rin bilhin iyon. Ano ba yung bente pesos? Kulang na lang rin ho e ipabili niyo sa akin lahat ng gusto niyong kainin,” saad ni Andeng at tuluyan ng tumulo ang mga luha nito.

“Hindi ko ho ginustong maging maramot, pero kailangan para naman ho maging responsable ang mga pinsan ko sa pagbili ng pang sarili nilang pangangailangan. Alam niyo hong hindi ako madamot at kelan man hindi ako nagreklamo sa hirap ng pagtira ko dito sa inyo. Kaya naman lalabhan ko lang ho ang mga damit ko at aalis na rin ho ako, pasensya na ho kayo tiyang, sa inyo ring dalawa, Nerizza at Jelay,” dagdag pa ni Andeng.

Natameme ang mag-ina at yumuko na lamang ito, hinampas ni Aling Kc ang mga anak dahil totoo naman ang sinasabi ng babae, humingi sila ng despensa kay Andeng at pinilit na huwag na lang umalis ngunit kailangan na rin talagang umalis ni Andeng sa poder ng tiyahin dahil na destino ito sa ibang lugar.

“Andeng, pasensya kana talaga ha. Kung naging masama ang pagtira mo dito sa bahay ko. Pero salamat na rin at dahil doon ay nagising ang mga anak ko sa buhay at tinuruan mo rin ako ng leksyon na hindi ibig sabihin na may nakikitira sa akin ay siya na ang sasagot sa lahat. Andeng, patawarin mo sana ako diyan sa puso mo,” wika ni Aling Kc at niyakap ang pamangkin.

“Hindi ho ako galit tiyang, malaki parin ho ang pagpapasalamat ko na pinatira niyo ako sa inyo. Pasensya na rin ho kung umabot tayo sa ganoon, salamat po ulit,” baling naman ni Andeng at nagmano na ito saka umalis.

Advertisement

Ugaliin sana nating lahat ang maging responsable sa ating mga gastusin lalo na kung nakikisama tayo sa bahay ng may bahay. Walang masama sa panghihingi ngunit lahat ng sobra ay mali.