Hindi Inakala ng Matanda na ang Aso ng Kapitbahay na Kanyang Sinaktan ang Magsasalba sa Kanyang Buhay

Mag-isa na sa buhay ang matandang lalaki na kapitbahay ni Rico. Tuwing umaga ay nakikita niya itong nagwawalis sa harap ng bahay. Gusto niya sanang batiin at ngitian ito ngunit parang ilap sa kaniya ang matanda. Alam din niya na ayaw ng matanda sa kaniyang alagang aso dahil ilang reklamo na ang kaniyang narinig mula rito.

Image courtesy of www.google.com

Hindi galit kay Rico si Lolo Emong kundi sa aso nito. Lagi kasi itong maingay lalo sa hapon kapag nagpapahinga ang matanda. Minsan pa nang nakawala ito ay nagdumi at ihi ito sa harap ng bahay niya. Galit na galit ang matanda dahil ayaw nito ng maruming bakuran. Nangyari na rin na nasira ng aso ni Rico ang isang halaman ng matanda dahil sa paghabol nito sa tumatakbong daga. Sa inis ni Lolo Emong ay nagawa niyang batuhin ang aso. Sa pagbato niya ay tinamaan ang aso sa ulo.

Kahit na nagalit si Rico sa matanda ay inintindi niya ito. Inisip na lamang niya na hindi talaga gusto ng matanda ang kaniyang aso.

Isang umaga ay nakita ni Rico ang matanda na nakatingin sa kaniya. Nakita niya na parang may nais itong sabihin kaya’t nilapitan niya ito.

Image courtesy of www.google.com 

“Kung ako sa’yo hindi ako mag-aalaga ng aso. Papakainin mo na lilinisan mo pa. Isa pa, baka puwedeng ipasok mo sa loob ng bahay yan para hindi mag-ingay lalo kung tanghali.” sabi ni Lolo Emong.

Image courtesy of www.google.com

“Magandang araw ho Lolo Emong. Hindi ko lang po siya basta alaga. Kaibigan ko rin siya at alam kong may tulong din po siya sa akin. Pero ang pagkahol ho ay mahirap pigilan.” magalang na sagot ni Rico.

Itinuloy na ng matanda ang pagwawalis. Hindi alam ni Rico kung narinig ba ng matanda ang kaniyang sagot o sadyang hindi lamang siya nito inintindi. Naglakad na palayo si Rico. Inisip na lamang niya na kailangan lang niyang intindihin ang gusto ng matanda.

Isang tanghali ay narinig na naman ni Lolo Emong ang kahol ng aso. Kahit na mahina ang kaniyang pandinig ay abot na abot sa kaniyang pahingahan ang kahol ng aso. Hindi niya ito pinansin at gumawa ng paraan para makatulog.

Advertisement

Habang lumalalim ang tulog ng matanda ay nakarinig ito ng kaluskos sa may harapan ng bahay. Hindi niya na ito pinansin dahil sa antok. Akala niya ay guni-guni lamang ito. Ang hindi niya alam ay may nakapasok na palang magnanakaw sa kaniyang bahay. Nagising ang matanda dahil sa ingay ng kahol ng aso ni Rico. Sa isip isip niya ay nais na niyang batuhin ang aso hanggang sa ito ay matahimik na. “Lintek na aso ito. Napakaingay talaga!” wika ni Lolo Emong.

Dahan dahan na bumangon ang matanda habang kinakapa ang kaniyang salamin.

Image courtesy of www.google.com

Naririnig niya na parang papalapit ng papalapit ang ingay ng aso na parang may susunggaban sa kaniyang bahay. Doon nakita ng matanda ang isang lalaki na may bitbit na gamit. Nakapagnakaw na pala ito sa loob ng kaniyang bahay. Agad na sumigaw ang matanda at humingi ng saklolo sa kalsada. Habang ang aso naman ay sinunggaban at kinagat-kagat ang magnanakaw.

Agad na sumaklolo ang mga kapitbahay at nahuli ang magnanakaw. Nakapa pa nila sa bulsa ng magnanakaw ang isang patalim. Kung nagkataon pa ay malalagay sa peligro ang buhay ng matanda.

Naantig ang puso ng matanda sa kabayanihang ipinakita ng aso para sa kaniya. Sa kabila ng galit niya rito at pananakit ay nagawa pa rin siyang iligtas nito.

Dinatnan ni Rico ang kaguluhan sa harap ng kanilang bahay. Nakita niya ang kaniyang aso na nasa bakuran ng matanda. “Naku, anong nangyari Lolo Emong? Nakawala pala ang aso ko.” paumanhin ni Rico.

“Rico, salamat. Dapat akong magpasalamat dahil kung hindi dahil sa aso mo ay baka napahamak na ako. Maraming salamat sa kaniya. Nahihiya ako sa mga nasabi ko sa’yo at sa aso mo. Binabantayan niya pala ako palagi. Maswerte ka sa alaga mo.” wika ni Lolo Emong.

Image courtesy of www.google.com

At kinuwento ng matanda ang nangyari kay Rico. Mula noon ay lagi nang binabati ng matanda si Rico. Kapag aalis si Rico ay kinukuha ng matanda ang aso para doon pakainin sa kaniyang bahay. Nakita ng matanda ang importansya at tulong ng asong dati niyang kinaiinisan. Ito palang dati niyang sinaktan ang magliligtas sa kaniya sa kapahamakan.

Advertisement

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!