Dibdib na nga Lang Daw ang Kulang sa Babaeng Ito, Kaya Naman Sumubok Siya ng Ilang Pampalaki, Ano Kaya ang Naging Epekto?

Tuwing umaga bago sumikat ang araw ay nauuna nang tumakbo si Alissa sa kaniyang pamilya. Maaga pa lamang ay nagjo-jogging na ang dalaga, dumadayo pa ito sa malapit na subdivision sa kanilang lugar para doon mag-ehersisyo.

“Lumaki ka! Lumaki ka! Lalaki ka!” saad ng dalaga habang buhat ang dalawang dumbbell, pampalaki daw ito ng hinaharap.

“Pag lumaki ka, promise! Perfect na ang katawan ko kaya utang na loob lumaki ka na!” bulong muli ng babae sa sarili.

Napakaganda ng dalaga, maliit ang mukha nito at seksi ang pangangatawan. Yun nga lang wala daw talagang masyadong pinagpala sa mundo dahil kung anong inilaki ng kaniyang balakang ay siya namang niliit ng kanyang dibdib. Halos pasas lang ang meron siya sa edad na 18 anyos. Kaya labis siyang nalulungkot dahil halos magkasing katulad lamang ang likod at kaniyang harapan.

Bukod sa tampulan ito ng tukso ay nahihirapan na rin ang dalaga sa kakabili ng bra na makapal ang foam at kahit pa nga push up bra ang binili niya wala namang na ipupush sa kaniyang dibdib. Ayaw naman ng dalaga na uminom ng mga pills dahil natatakot siyang maapektuhan ang kaniyang matres.

Pagkatapos ng isang oras ay babalik na ito sa kanilang bahay at saka siya magluluto ng almusal. Panganay si Alissa at ngayon ay malapit na ring magtapos.

“Ma, bakit ba kasi wala akong hinaharap?” tanong ng dalaga sa inang kakagising lang.

“Diyos ko namang bata ka! Halos araw-araw mo ng tinatanong sa akin yan! Hindi ko rin alam! Tigilan mo na nga yang tanong na yan at kaunti na lang e tatabasin ko na pati yang pasas mo!” saad ni Aling Tess ang nanay ng dalaga. Halatang rinding-rindi na ito sa tanong ni Alissa.

Advertisement

“Si mama naman! Naglalambing lang e! Malapit na kasi ako magtapos ng kolehiyo at balak ko magtrabaho sa mga car show malaki raw kasi ang bayad sa ganon at bagay ang beauty ko, kaso wala akong dibdib!” baling naman ng dalaga sa ina.

“E ‘di mag push up bra ka na lang ulit. Oh ‘di kaya naman mag-opisina ka na lang, anak. Hindi naman kailangan laging magpakita ng katawan para umasenso agad!” sagot ni Aling Tess.

“E ma! Ang beauty ko ay pang modelo! Hindi pang opisina! Kaya nga dibdib na lang ang kulang sa akin! At isa pa bakit ako lang ang walang dibdib sa aming magkakapatid?” sagot ng dalaga sabay pose.

“Pumasok ka na ngang bata ka!” sigaw naman ng ale.

Parating iniisip ni Alissa kung bakit ganoon ang hinaharap niya, dahil talagang walang umombok dito at kung titignan naman niya ang sa kaniyang ina ay malaki iyon at wala naman daw silang lahi na maliit ang hinaharap kaya minsan iniisip ng babae na may deperensya siya.

Isang araw, habang nagfa-Facebook ang dalaga ay nakita niya ang sumisikat na sabong pangpalaki raw ng hinaharap at dahil inindorso ng kilalang personalidad ay agad niya namang sinubukan.

“Ma! Ito na ang kasagutan sa problema ko! Ang asul na sabon!” sigaw ng dalaga sabay taas sa sabong inorder online.

“Kung ano-ano nalang sinubukan mo Alissa! Bakit ba hindi ka makontento kung anong binigay sa’yo ng panginoon! Huwag mo akong masisisi kapag may nangyari sa iyong masama diyan sa mga sinusubukan mo!” sigaw ng ina.

Advertisement

Agad na naligo si Alissa at paikot-ikot na sinabon ang kanyang dibdib, kumakanta pa ito sa banyo at napakasigla. Pagkatapos ay naramdaman niyang agad na kumati ang paligid ng kaniyang hinaharap.

“Sh*t! epektib pala talaga! Kumati na siya agad!” isip-isip ng dalaga.

Hangang sa tinatlong beses niya itong gamitin sa isang araw at kapag wala siyang pasok ay binababad pa niya ang mga dibdib. Lumipas ang tatlong araw at napansin niyang namumula na ang balat niya, maputi kasi ang babae kaya naman halatang halata ito.

“Oh ano na yang nangyari diyan? Mukha ka ng may galis sa dibdib!” sigaw ni Aling Tess.

“Ma, pakiramdam ko hindi hiyang yung balat ko!” saad ng dalaga sa ina.

“Ihinto mo na yan! Kung ayaw mong magkaproblema ka ng mas malaki!” baling ng ina. Ngunit hindi nakinig ang dalaga at itinuloy pa rin niya ang pag gamit sa naturang sabon hangang sa hindi na niya natiis dahil nagsugat na ang dating mapupulang balat lamang at nagkakanana na ang pasas ng babae. Agad siyang pinatingnan sa espesyalista sa ospital.

“Rashes lang ito, mabuti yun lang ang dinanas mo. ‘Wag mo munang gamitin yung sabon na yun at hindi ka hiyang, baka totoo yun sa iba pero sa iyo, so far ay hindi effective, ” saad ng pinsang doktor.

“Nafrufrustrate na kasi ako pinsan, bakit ang liit ng dibdib ko? Ano kayang pwedeng explanation nito? Mamaya kapag nag-anak ako walang makuhang gatas sa akin,” saad ng dalaga at tumayo na siya sa higaan ng ospital.

Advertisement

“Ano ka ba naman Alissa! Ang ganda-ganda mo at hindi napapansin ngayon kung maliit ang dibdib. Ang daming sikat na artista ngayon na halos pasas lang rin ang meron sila pero nakapagaganda tignan. Sadyang ganyan lang ang body structure mo at hindi ibig sabihin na maliit ang dibdib ay walang magiging gatas!” tumatawang sagot ng doktor.

Mula noon ay tinigilan na rin ng dalaga ang paggamit ng sabon at nakuntento na lamang sa makakapal na bra at laking gulat na lamang niya dahil noong nagbuntis siya ay totoo nga ang sinabi ng kaniyang pinsan dahil nagkaroon siya ng gatas at napadede pa niya ang anak hangang sa ikalawang taong gulang nito. Medyo lumaki rin ang kaniyang dibdib at natuto na siyang makuntento sa kung anong meron siya ngayon.