Walang Takot Magmaneho Kahit Lasing ang Lalaking Ito Dahil Mayaman ang Pamilya Niya, Sa Huli ay Mahihimasmasan ang Binata sa Kaniyang mga Ginagawa

Namulat si Jervy sa gintong kutsara na ginagamit ng kanilang pamilya, parehas na mayaman ang kaniyang ama’t ina kaya halos lahat ng gusto ng binata ay nakukuha niya ng walang kahirap-hirap.

“Anak, ngayong malapit ka na mag 18 anyos, ano bang gusto mong regalo ko sa’yo?” tanong ni Mang Gabriel, isang retiradong militar.

Image courtesy of www.google.com

“Pa, gusto ko sana ng sasakyan,” saad ni Jervy sa ama.

Image courtesy of www.google.com

“Yung sports car sana pa,” dagdag pa nito.

“Kumuha ka na ng lisensya mo ngayon pa lang kung gusto mo talagang magmaneho,” sagot naman ni Mang Gabriel.

Katulad nga ng inaasahan ay nakuha ni Jervy ang isang magarang sports car at minaneho niya ito kaagad kahit pa nga student license lang ang meron siya.

Image courtesy of www.google.com

Sa unang subok nito ay kasama niya ang kaniyang ama at kaagad silang nahuli dahil nagkamali ng liko si Jervy. Binuksan naman kaagad ng lalaki ang kaniyang bintana at inilabas ang kaniyang siko, hinintay niyang sumilip ang MMDA sa kaniya.

“Inner lane violation ho tayo, patingin ng lisensya niyo,” saan ng MMDA.

Advertisement

Inabot ni Jervy ang ID ng kaniyang ama at noong makita ito ng lalaki ay agad niyang sinilip ang katabi at doon mabilis na sumaludo kay Mang Gabriel.

“Pasensya ka na boss, bago lang itong anak ko sa pagmamaneho. Hayaan mo pagsasabihan ko,” wika ni Mang Gabriel.

“No problem sir, sige ho pwede na ho kayong dumiretso. Pasensya na ho sa naging abala,” sagot naman ng lalaki at mabilis na isinarado ni Jervy ang bintana ng sasakyan saka ito pinaharurot.

“Pa, pwede bang hiramin ko muna iyang ID niyo itatabi ko lang dito sa lisensya ko para naman sa susunod na mahuli ako ay isang tingin pa lang nila sila ang aatras,” tumatawang pahayag ni Jervy sa anak.

“Anak, pinalusot lang kita sa ngayon pero pag-aralan mong mabuti ang daan dahil maraming napapahamak dito. Tandaan mong may pangalan pa rin tayong pinoprotektahan kaya huwag mo sanang abusuhin,” baling naman sa kaniya ng ama.

Lumipas pa ang ilang araw at buwan ay paulit-ulit na nahuhuli si Jervy, “’Di mo ba nakikita diyan kung sino ang tatay ko?” mayabang na wika nito ng minsan siya ay ng dahil sa coding.

“Sir, coding ho kasi kayo,” saad ng lalaki.

“Pauwi na nga ako, galing ako sa eskwelahan kagabi kaya kailangan ko nang umuwi ngayon. Teka ano bang pangalan mo at ipapaka-usap kita sa daddy ko,” sagot pa nito.

Advertisement

“Hindi na ho, sige na. Pwede na ho kayong umalis, ingat ho sir,” baling naman ng lalaki sa kaniya at hindi na naman siya nahuli o natikitan man lang.

Pinaandar nang muli ni Jervy ang sasakyan at dumiretso siya sa kaniyang kaklase upang mag-inum na naman.

“Hanep si Jervy kahit coding e naigagala ang sasakyan!” saad sa kaniya ng kaibigan si William.

Image courtesy of www.google.com

“Ganun talaga pag mayaman at sikat ang mga magulang,” sagot naman ni Jervy sabay taas sa baso ng alak at nagpakalunod ang mga ito sa kakainom.

Image courtesy of www.google.com

“Pare, sigurado ka bang kaya mong magdrive pauwi?” tanong ni William na lasing na rin.

“Pare, kahit pa nga lasing akong magdrive at makabanga ako ay hindi nila ako huhulihin dahil sa apelyido ko,” saad naman ni Jervy na pagewang-gewang na ang lakad papunta sa sasakyan. Nagtawanan ang mga kaibigan niya at nagpustahan pa ang mga ito kung makakauwi ba ng maayos si Jervy.

“Oh sige, pag ako hindi nakauwi e sa inyo na itong sasakyan ko,” sambit pang muli ng lalaki at minaneho na nga ang kaniyang magarang sasakyan. Alas tres na ng umaga at binuksan ni Jervy ang kaniyang sasakyan upang lalong marinig ang malakas nitong rock music. Papikit-pikit pa ang binata habang dinadama ang tugtog nang biglang naramdaman niyang may tinamaan ang kanyang sasakyan.

Mabilis ang pangayayari at nagising na lang siyang duguan ang kaniyang ulo at nakita niyang isang kotse ang nabanga niya. Agad-agad siyang bumaba sa kaniyang sasakyan kahit pa nga pinipigilan siya ng mga pulis at nurse upang gamutin ang kaniyang mga sugat.

Advertisement

“Sh*t! Ako ba ang may gawa niyan?” tanong niya sa sarili habang hawak ang kaniyang ulo at gulat na gulat. Nakita niyang nakasuot pangkasal ang babae at ganun din ang lalaki, walang malay ang mga ito at basag ang salamin sa harapan ng kotse kung saan tumilapon ang kalahating katawan ng babae.

Image courtesy of www.google.com

Nagising si Jervy sa kaniyang kayabangan at nanginginig sa takot, hindi dahil sa kaniyang nagawa kundi takot na baka wala nang buhay ang dalawang nabangga niya. Pagdating niya sa ospital ay agad siyang dumiretso sa dalawang pasyente, laking pagpapasalamat niya sa Diyos dahil buhay pa ang mga ito. Sinagot naman ng kaniyang pamilya ang lahat ng nagastos at gamot ng dalawa, doon napag-alamang kakatapos lang ikasal ng mga ito at pauwi na rin sila.

Nakita sa imbestigasyon na si Jervy ang nagkamali ng linya at kahit na nakapula na ang ilaw ay patuloy pa rin ang lalaki sa pagmamaneho. Sa pagkakataong ito, pinanindigan ni Jervy ang kaniyang nagawang kasalanan at nagtanda na hindi sapat ang pagkakaroon ng isang sikat na pamilya upang sayangin ang buhay ng iba.

Nawa’y maging paalala sa lahat na huwag magmaneho ng may impluwensya ng alak.