Ang Bawat Hampas Ay Para Sa’yo

“Huling puntos na lang bago manalo si Abueva. Kapag napasok na niya ang bola ay panalo na siya at magiging bagong kampyonato!” wika ng commentator sa larong badminton.

“At ayun! Nanalo dahil sa back-hand smash! Abueva wins the tournament!”

Nagpalakpakan ang mga nanood ng laro. Tumutulo ang pawis ni Michael at halatang pagod ang atleta. Nagkamay ang dalawang manlalaro matapos ng laban. Maraming taga-suporta ni Michael Abueva ang dumalo ng kanyang sinalihang paligsahan. Tuwang-tuwa ang ama ni Michael sa tagumpay na nakamit ng anak.

“Ang galing mo anak! Ito inom ka, tubig.” sinabi ng ama kay Michael.

Agad namang kinuha ni Michael ang bote at ininom lahat ng tubig. Bakas ang tuwa at ngiti sa manlalaro dahil na rin nagbunga ang lahat ng pagsasanay niya. Tuwang-tuwa rin ang kanyang ama na tila hindi matago ang ngiti dahil sa pagkapanalo ng anak. Napagpasya ng ama ni Michael na kumain sila sa labas.

“Anong tipo mo ngayong kainin?” tanong ng ama sa kanyang anak.

“Gusto ko ng taba ng baboy.” maligalig na sinabi ng anak.

“Baboy? Sira training mo niyan anak.”

Advertisement

“Okay lang dad, panalo naman ako kanina. So okay lang ‘yan!” sabay tawa ni Michael.

“Hay nako, sige kahit ngayon lang.”

Habang kumakain ay nagkwentuhan ang mag-ama. Sinabi ni Michael ‘yung mga tirang nahirapan siya habang naglalaro kanina. Nagpalitan sila ng mga abiso sa paglaro marahil dating manlalaro ng badminton ang ama ni Michael. Kaya labis na lang ang tuwa ni Michael na may idolo siyang tinitingala.

“Dad naisip ko na sumali naman doon sa pa-contest ni sir Vic. Sa Cubao naman gaganapin at malaki ang premyo.”

“Ayaw mo ba munang magpahinga Michael?”

“Hindi pwede Dad, kailangan kong habulin gastusin sa ospital.”

“Anak, hindi mo naman kailangan na–

–basta Dad, gagawin ko ang makakaya ko para makuha natin ang kinakailangan mong gamot.” pinutol ni Michael ng sinasabi ng kanyang ama.

Advertisement

Kasalukuyang may iniindang malubhang sakit ang ama ni Michael at kinakailangan siyang dalhin madalas sa ospital. Nagtatrabaho bilang coach ng badminton ang kanyang ama at tutor ng mathematics sa libre nitong oras. Dito sila kumikita ng kanilang pang-araw-araw.

“‘Di bale anak, makakaraos tayo dito. Tiwala lang at panalangin sa Diyos.”

“Oo Dad, nananalangin ako, araw-araw.”

Nagtapos bilang IT graduate si Michael at siya’y nagtatrabaho bilang repairman ng isang sikat na brand ng mga gamit gaya laptop at cell phone. Simula Lunes hanggang Sabado ay siya’y nasa repair store at nagkukumpuni ng mga sirang kagamitan. Habang tuwing Linggo naman ay nasa laruan siya upang magsanay sa mga paligsahang lagi niyang sinasalihan.

Matapos kumain ay pauwi na ang mag-ama, motorsiklo lamang ang kanilang masasakyan at si Michael ang magmamaneho. Nasa kalagitnaan sila ng kalsada noong biglang sumakit ng dibdib ng ama ni Michael.

“Michael…itabi mo muna, nahihirapan akong huminga. Sumasakit dibdib ko!” pasigaw na sinabi ng ama marahil maingay ang motor.

“Dad sandali, huwag kang mahulog!” at hindi na nakakapit ang ama sa anak. Biglaang niliko ang Motorsiklo para masuportahan ang bagsak ng ama, ngunit parehas silang tumilapon sa kalsada. Nagulungan si Michael sa ulo ng kanyang sariling motor at tumama ang ulo ng kanyang ama sa kalye.

Nawalan na ng malay ang manlalaro at nagising na lamang siya sa loob ng silid ng isang ospital. Nakapagtamo siya ng matinding sugat sa kanang braso, kanang hita at ilang gasgas sa mukha. Unang hinanap ni Michael kung nasaan ang kanyang ama.

Advertisement

“Nars…nars!”

“Michael huwag ka munang tatayo, kailangan mo pang magpahinga.” sabay pinapahiga ng nurse si Michael.

“Wala akong pake! Nasaan si Mikhail Abueva, ama ko? Nasaan siya nakasilid?” kinakabahan ang anak sa kalagayan ng ama.

“Michael, sandali lang! Buhay pa ang ama mo, pero hindi maganda kalagayan niya. Comatosed ang ama mo, Michael.”

Matapos marinig ni Michael iyon ay tila nawalan ng lakas ang manlalaro. Nagsisisi si Michael marahil sa kapabayaan niya’y nasa ganitong kalagayan ang kanyang ama. Hindi na mapinta kung anong nararamdaman ng manlalaro, nang biglang may pumasok bigla na isang babae.

“Michael, narinig ko ‘yung balita na–

–Bakit ka nandito?” na nanlilisik ang mga mata ni Michael.

“Michael, pakinggan mo muna ako. Binayaran ko na ang hospitalization fee ni Mikhail. Hindi mo na kailangan alalahanin ‘yung gastusin.” wika ng babae kay Michael.

Advertisement

“Galing ba ‘yan sa bago mong asawa, ha, Nay?”

“Ayaw kong nangyari sa inyo ito, Michael. Alam mo naman na ginawa ko ang lahat para sa inyo noon…”

“Lumipat ka lang ng bahay noong walang-wala si Dad na para bang hindi kayo mag-asawa. Tapos malalaman naming may kalaguyo ka pala sa labas.”

“Hindi ko kailangan ng pera mo, mas lalo nang hindi niya kailangan ng tulong mo. Ibabalik ko sa’yo lahat ng perang binayad, at huwag ka nang magpakita sa akin kahit kailan,” at pina-alis niya sa nurse ang kanyang ina.

Wala nang nagawa ang babae kung hindi ang umalis. Humiga muli si Michael at hindi na niya napigilan ang luha, doon sa sinapit nila, at sa ala-ala ng kanyang ina. Marami na ang bumabagabag sa isipan ni Michael, dumagdag pa ang kalagayan ngayon ng kanyang ama. Pero, imbes na panghinaan ng loob si Michael ay tuluyan pa nitong tinatagan ang loob.

“Maghahanap pa ako, Dad, pangako. Maghahanap pa ako ng pera pantustos sa atin. Mairaraos ko ang ating kalagayan…”

Noong maka-uwi si Michael ay diretso siya sa phone niya at panay ang kanyang pagtawag sa mga kaibigan at kakilala. Nais niyang kumuha pa ng ilang sideline na trabaho at kung may mga paligsahan sa badminton na pwede niyang masalihan. Nakahanap si Michael na kanyang tuturuan sa basic mathematics bilang isa sa mga sideline niya at dalawang masasalihang paligsahan na, kapag siya’y nanalo, sapat ang premyo para matustos ang binayad ng kanyang ina sa ospital.

Dumaan ang mga araw, hindi pa rin nagigising ang kanyang ama, at lalo lang lumalaki ang bayarin sa ospital. Ngayon ay naglalaro si Michael para sa ikabubuti ng kanyang ama.

Advertisement

“Abueva moving up to the second round! Abueva with the beautiful drop shot! Abueva moving in for the semi-finals! Abueva with the impossible shot-block from National Player Saguindang! Moving into the finals, Michael Abueva, against the pride of NCR, Ronan Asura!”

“Kailangan kong manalo…kailangan kong manalo…”

Sa unang limang minuto ay dikit ang mga iskor ng dalawang manlalaro. Palitan lamang sila ng puntos dahil sa sobrang talentado na rin ng kalaban ni Michael. Habang naglalaro ay natapilok si Michael upang maipasok ang kanyang drop shot, ngunit nagawa niya sa isang malaking presyo.

“Aaaa!…Paa ko!…” napatid ang Achilles’ Tendon niya habang nasa gitna ng laro.

“Michael Abueva, I suggest you forfeit the match. You can’t do anything with that conditon. Magpahinga ka na,” ika ng first-aid team kay Michael.

“Hindi! Maglalaro ako! Kailangan ko ito…” at pilit tumayo si Michael.

Namamangha ang mga nanonood marahil kahit pilay si Michael ay nagawa pa niyang tumayo at harapin si Ronan. Ngunit hindi makalaro nang maayos si Michael at ang unang set ay napunta kay Ronan. Maikling pahinga ang binigay ng umpire at ilang mga judge. Nilapitan nila si Michael at pinipilit nilang magforfeit siya dahil kung hindi ay magiging malala lang ang kondisyon ni Michael.

“Hindi! Kailangan na kailangan ko itong larong ito! Hindi ako pwedeng bumitaw!” galit na sagot Michael.

Advertisement

“Pero kapag tinuloy mo pa ito ay baka habang buhay ka nang pilay, Michael. Naiintindihan mo ba iyon?” sagot ng isang judge.

“Wala akong paki-alam, mapilay na ako habang buhay! Basta mairaos ko ang ama ko, tatanggapin ko na lahat ng sakit!”

Hindi na napigilan ng mga judge ang desisyon ng manlalaro at tumuloy pa rin ang laban. Laking gulat ng iba marahil naglalaro si Michael nang iisang paa lang ang gamit. Iniisip nilang matatalo na si Michael. Ngunit, taliwasa sa inaasahan ng nakakarami, lumalaban pa si Michael. Madalas siyang nadadapa ngunit nasasalo ang mga tira ng kalaban at nauutakan pa sa pwesto ng bola. Dikit pa rin ang iskor ng dalawa hanggang sa huling puntos.

“This is the deciding point, after a long and painful match. Who will win, the injured warrior, Michael, or the genius player, Ronan?” ika ng commentator.

“Isa na lang..” bulong ni Michael sa sarili.

Masasaksihang matindi ang palitan ng bola. Pagod na pagod na si Michael at Ronan. Sa isang pagkakamaling tira ay nabigay ni Michael ang chansa ng smash kay Ronan at hindi na niya ito pinalagpas pa. Lumusong na sa sahig si Michael, at pilit inabot ang smash. Natamaan ng raketa ang bola, ngunit mahina ang talbog. Tumakbo agad si Ronan si net ngunit, pumasok! Hindi na niya naabot ang bola at ang huling puntos ay napunta kay Michael!

Humilata na lang ang bagong kampyon sa court habang siya’y pinapalakpakan ng mga tao. Pati na rin kapwa nilang mga kalaban noong una ay napasigaw sa hirap at pagpupursige ng dalawa. Iniangat ni Ronan ang kanyang karibal at tinulungan itong makatayo at makalakad papunta sa kanilang upuan.

“Ganda! Ang ganda ng laban! Sumusuko na ako, ikaw ang pinakamagaling na nakalaban ko, Michael!” papuri ni Ronan kay Michael.

Advertisement

“Kinailangan ko ito…binigyan ako ng lakas…ng taong pinakamahalaga sa akin…Panalo niya ito…panalo ito ng ama ko…” at hindi na nakapagsalita ang manlalaro at siya’y umupo na lamang sa bench. Ginawaran ng Hall of Fame si Michael mula sa administrasyong nangangasiwa sa court na kanilang pinaglaruan.

“Sa wakas Dad, nakuha ko na…uwi na tayo Dad, gagaling ka na muli…”

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!