Nagtaka ang Lalaki sa Nipis ng Lubid na Gamit Pantali sa mga Elepante, Hindi Niya Inasahan ang Aral na Makukuha Mula Dito

Ngayon ay ang araw na ipapasyal ni Sam sa zoo ang nag iisang anak. Hiwalay na siya at ang nanay nito 2 years ago pero hindi nakakalimot si Sam sa responsibilidad niya sa bata. Tuwing Linggo ay sa kanya ito, dahil iyon lamang ang tangi niyang day off. Nauna na siya sa zoo at hinihintay na ihatid ng dating nobya ang kanilang anak nang mapadaan siya sa mga elepante.

Naguluhan siya nang makita, na ang dambuhalang mga elepanteng ito ay nakatali lamang sa paa gamit ang pagkanipis nipis na tali. Isang padyak lamang ng mga ito ay tiyak na mapuputol iyon at makakatakas sila, pero sa hindi malamang dahilan, walang nagtatangkang gawin iyon.

Hindi na siya nakatiis nang makita ang caretaker na nagwawalis sa isang gilid.

“Mabuti at hindi sila tumatakas?” usisa niya sabay turo sa mga elepante.

“Maliit pa lang sila noon at ginamit namin ang parehong size ng tali para sa kanila, sapat lang naman ang sukat noon sa kanila para hindi sila tumakas. Habang lumalaki sila, nakatatak na sa isip nila na hindi sila makakatakas. Naniniwala silang kaya parin silang hawakan ng mga taling iyan kaya walang nagtatangka.” paliwanag naman nito sa kanya.

Namangha si Sam sa narinig. Kayang kayang tumakas ng mga hayop na ito kung gugustuhin nila pero dahil naniniwala silang hindi nila kaya, nagtitiis sila roon.

Katulad ng mga elepante, ilan sa atin ang nabubuhay sa paniniwalang hindi natin kaya dahil minsan na tayong nabigo?

Advertisement

Ang pagkabigo, ay parte ng pagkatuto. Hindi tayo dapat sumuko.

Ano ang masasabi ninyo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.