Naisuko ng Dalaga ang Pagka-Birhen sa Dating Nobyo Kahit Break na Sila, May Lihim Palang Intensyon ang Gwapong Binata

Lumuluhang tinakpan ni Arishka ng kumot ang sarili. Gusto niyang iuntog ang ulo sa pader dahil heto na naman siya sa ka-gagahan niya. Hindi na siya nadala.

Dalawang buwan na ang nakalipas nang mabuking niya ang nobyo, si Kent na may ibang babae. Nakilala niya sa isang coffee shop ang lalaki, kung saan isa siyang waitress. Kahit na marami nang nagbabala sa kanyang babaero ang binata ay hindi pa rin siya nagpatinag, pinatibok niya pa rin ang puso rito.

Ayun, wasak ang dibdib niya nang mapaamin ito. Wala namang nangyari sa kanila at isang buwan lang ang kanilang relasyon pero ewan niya ba, hirap na hirap siyang kalimutan ito sa loob ng dalawang buwan.

“Gaga, gaga ka!” impit na bulong niya. Paano kasi, kanina ay bumalik si Kent sa coffee shop at parang gumuho ang lahat ng galit na inipon niya. Natibag ang pader na matagal niyang pinaghandaang itayo para sana depensa sa muli nilang pagkikita. Heto siya ngayon, nasa kama ng binata at walang saplot. Katatapos niya lang isuko ang pagka-birhen rito.

Pinahid niya ang luha at matapang na bumangon. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit sa sahig.

“Saan ka pupunta?” tanong ng binata, nakita niya mula sa gilid ng kanyang mga mata na nakatitig ito.

Itinago niya ang panginginig ng boses at pinilit magmukhang matatag, “Babalik sa trabaho, saan pa ba?” nakangising sabi niya. Diyos ko, salamat po at hindi siya pumiyok.

Bago siya lumabas ng kwarto ay tinawag siyang muli ni Kent, “Arishka.”

Advertisement

Humarap ang dalaga, ano ba itong puso niya, bakit umaasa na pipigilan siya ng lalaki?

May dumaang alinlangan sa mata ni Kent bago nagsalita, “Dito kana kaya tumira? Malapit lang sa trabaho mo, I mean..para hindi kana nahihirapang bumyahe araw-araw?” sabi nito.

Nabigla si Arishka sa hinihiling ng lalaki, talaga namang napaka-g*go. Gustong-gusto niyang sapakin ito pero may isang tangang bahagi ng puso niya ang nagsasabing pumayag siya, at dahil gaga siya, iyon nga ang kanyang ginawa.

“Sige.”

Mula noon, doon na siya tumigil sa condo unit ni Kent. Mayaman ang lalaki dahil isa itong manager sa sikat na kumpanya sa tapat ng coffee shop. Ewan nga rin ni Arishka kung bakit nagpakaloka siya, bakit ba mai-inlove ang isang manager sa hamak na waitress na tulad niya?

Ni minsan ay hindi nila napag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kapwa sila umiiwas sa topic na iyon, hindi rin sila nagsasabihan ng ‘mahal kita’. Basta ang sabi ni Kent, nag-eenjoy raw itong kasama siya.

Ayos na iyon. Bukod doon,nararamdaman niya namang mahal siya ng lalaki..sa kama. Masakit man ay tanggap na ni Arishka na ganoon sila, Exes with benefits ‘ika nga. Siping lang, walang pag-ibig.

Isang hapon ay nagulat siya nang maaga siyang sunduin ng lalaki sa coffee shop. Ipinaalam na raw siya nito sa boss niya kaya pwede siyang umalis ng maaga.

Advertisement

Dinala siya nito sa isang sinehan at nanood sila ng palabas, kumain rin sila ng popcorn. Pag-uwi sa bahay ay ipinagluto pa siya ni Kent.

“Marunong ka palang magluto,” nakangiting sabi niya habang minamasdan ang gwapong binata na naggagayat ng sibuyas.

Kinindatan siya nito, “Ano’ng akala mo sakin? Gwapo lang?”

Napangisi naman si Arishka,”Wow! Ang hangin!” pero nawala ang ngiti niya at napalitan ng kaba nang mapansin unti-unting lumalapit si Kent.

“Bakit, hindi ba?” sabi nito, may nakakalokong ngiti sa mga labi.

Hindi na nakasagot pa ang dalaga dahil hinalikan na siya nito. Anak ng patola, hindi na sila nakapag-hapunan! Gumising na lamang sila ng hatinggabi para kumain.

Sobra ang ligaya ni Arishka, unti-unting nagkakaroon ng pag asa ang puso niya na sa wakas ay nabighani niya na rin ang salawahang binata.

Kinaumagahan ay wala si Kent sa tabi ng dalaga nang imulat niya ang mga mata. Inikot niya na ang buong bahay pero wala talaga ito, napalingon pa siya nang marinig na nagri-ring ang cellphone nitong naiwan pala sa ibabaw ng mesa.

Advertisement

Ayaw niya sanang makialam pero ayaw tumigil ng tawag, isa pa ay na-intriga siya sa pangalang naka-save.

Darlene.

Dahil doon ay sinagot niya ang cellphone pero hindi siya nagsasalita, gumuhit ang kirot sa puso niya nang marinig ang malambing na boses ng isang babae sa kabilang linya.

“Kent, baby?”

Tinakpan ni Arishka ang bibig, ayaw niyang marinig nito na humihikbi siya.

“Oh come on, now you’re ignoring me? Don’t tell me nakipagbalikan ka sa cheap na waitress? Alam naman nating pareho na hindi mo siya type, nacha-challenge ka lang. Had I known na gusto mo pala ng mga ganyan, sana ay ipinagamit ko nalang sayo ang katulong namin! Wait- Kent, you’re here! So who’s using your phone-”

Hindi na pinatapos ni Arishka ang sinasabi ng babae sa kabilang linya. Mas nasaktan siya nang marinig na pinuntahan ng binata si Darlene matapos siyang angkinin nito kagabi. Matapos ang lahat.

Ganoon ba ito ka-excited na makita ang babae, at naiwan pa ang cellphone?

Advertisement

Hindi na siya nag-abala pang mag-empake, basta umalis na lang siya sa condo unit na iyon. Tigib ng luha ang mga mata niya, gaga!

Hindi na nadala. Ginamit lang siya ni Kent. Parausan, kumbaga.

Buti na lang ay may tiyahin siya sa Bicol, iyon na lang ang natitira niyang kamag-anak dahil ulila na siya sa magulang. Doon muna siya nakitira hanggang maayos niya ang buhay niya.

Ikaapat na araw niya na roon nang makaramdam siya ng pagkahilo.

“Diyos ko po, wag naman sana.” taimtim na dasal niya, sana mali siya. Ilang linggo na rin kasing hindi siya dinadatnan ng regla.

Nabitawan niya ang hawak na pregnancy test nang makitang dalawa ang linyang naroon. Buntis siya.

Nanginginig na lumabas siya sa CR ng fast food chain. Namalengke lamang kasi siya ng uulamin nila ng hapunan, nang maisipan niyang bumili sa botika at dito na rin i-test ang sarili.

Lupaypay at tulala siyang nakasakay sa tricycle. Hanggang makarating siya sa bahay ay wala pa rin siyang imik, paano niya pa makakalimutan si Kent kung nagbunga ang pag ibig nila- mali, ang pag ibig niya rito?

Advertisement

Kasalukuyan siyang nagbibihis nang nagmamadali siyang hinila ng tiya niya palabas ng kwarto. Kurtina lang naman ang harang noon sa salas.

“Tiyang, bakit ho-”

Hindi na naituloy ni Arishka ang sasabihin nang makilala ang lalaking nakaluhod sa salas nila.

Si Kent.

Nangayayat ang lalaki at nangingitim ang paligid ng mata. May mga patubong balbas rin ito at bigote, halatang hindi naaayusan ang sarili.

Hindi ka na tanga Arishka, nanay kana kaya manindigan ka. Iligtas mo naman ang dignidad mo! sigaw ng utak niya.

Tinigasan niya ang ekspresyon at nagsalita, “Ano ang ginagawa mo rito? Hindi na ako sasama sayo, ayoko na ng laro-“

“Ayoko na rin ng laro Arishka.” nagsusumamong sabi nito, kaya natigilan siya at napakunot ang noo.

Advertisement

Paluhod itong naglakad palapit sa kanya at niyakap ang bewang ng dalaga, “Noong una, aaminin ko na gago ako. Niloko kita, natakot kasi ako noon sa nararamdaman ko sayo. Hindi ako sanay na hinahanap-hanap ko ang babae kaya sinubukan kong lumingon sa iba. Ayaw kong aminin na tinamaan na ako sayo.

Pero nung nabuking mo ako at nakipaghiwalay ka, sabi ko, kaya ko ‘to. Babae lang yan. Pero Arishka halos mabaliw ako sa dalawang buwan kaya binalikan kita sa coffee shop. Dahil sa kagaguhan ko..hindi ko alam na hahantong tayo sa kama. Gusto ko talagang humingi ng tawad noon at..amining mahal kita. Mahal pala kita.”

“Ang galing mong gumawa ng kwento,” taas ang kilay na sabi ni Arishka pero ang totoo ay nagsisimula na namang matunaw ang puso niya.

“M-Maniwala ka sa akin please. Hindi ko alam kung, bakit tayo nahantong sa kama pero sabi ko sa sarili ko okay na iyon basta sure akong kasama kita. T*ngina, gusto kong putulin ang dila ko nung umaga dahil imbes na aminin ko ang nararamdaman ko ay niyaya pa kitang makipaglive-in. Pagdating sayo ay uutal-utal ako.

Si Darlene, wala iyon. Ex ko siya oo, pero wala na talaga. Pinuntahan ko siya noong umaga dahil gusto kong linawin na wala na talaga sa amin ang lahat dahil mahal na kita. Pero nawala ka naman ulit, at mas masakit pa sa una dahil halos masiraan ako ng ulo kahahanap sa’yo.”

Hindi makapaniwala si Arishka sa naririnig, umiiyak ang binata.

“M-Maiintindihan ko kung ayaw mo na, basta pumunta ako para sabihin ang nararamdaman ko-“

“Sabi nila, kapag niloko ka ng dalawang beses at binalikan mo, ang tawag doon ay tanga.” sabi ni Arishka.

Advertisement

Bigong tumayo ang binata at aalis na sana pero muling nagsalita ang babae, “At isa ako sa mga tangang iyon,”

Napalingon si Kent, patakbong niyakap ang dalaga, pagkahigpit-higpit.

“S-Salamat mahal ko, hindi ka magsisisi.”

Pinanindigan ng lalaki ang pangako niyang iyon, araw araw niyang niligawan ang misis. Oo misis, dahil nagpakasal rin sila kaagad matapos ang isang buwan.

Walang oras na hindi pinatunayan ni Kent na mahal niya si Arishka at ito lang ang nagmamay-ari ng puso niya. Halos magtatalon sa tuwa ang lalaki nang malamang magkakaroon na sila ng anak.

Nagsimula silang muli at this time, siniguro nilang sa tama na mag-uumpisa ang kanilang pag-iibigan. Hindi na sila Exes with Benefits, may siping na, may pag-ibig pa!