Pinagmukhang Tanga ng Babaeng Ito ang Tapat na Manliligaw at Ipinagpalit sa Mayamang Lalaki, Makalipas ang Ilang Taon ay Pinagsisihan Niya ang Kanyang Desisyon

Inayos na ni Chynna ang kanyang mga gamit, limang minuto na lang kasi ay alas singko na, tapos na ang office hours at makakauwi na siya. Pagkalabas niya ng elevator ay natanaw niya na agad si Edgar na nag aabang, nang makita siya ay agad nagliwanag ang mukha nito at lumapit.

“Hi!” nakangiting bati nito,mabait naman ang lalaki. Kaya lang, mayroong isang bagay na wala ito, pera.

“Hello,” matabang na sabi niya. Mag iisang taon nang nanliligaw si Edgar sa kanya pero hindi niya ito magawang sagutin. Sa katunayan ay ilang beses na niya itong pinatigil pero sadyang mapilit ang lalaki at itinutuloy ang panliligaw.

Hindi naman daw ito nagmamadali, maghihintay daw ito hanggang handa na siya. Hindi niya masabing kailanma’y hindi siya magiging handa sa tulad nitong mahirap. Inihatid siya ng lalaki hanggang makauwi siya sa kanilang bahay. Kahit na hindi niya ito masyadong kinikibo ay patuloy ito sa kwento at pag alalay sa kanya.

Pagpasok ni Chynna sa opisina kinabukasan ay naabutan niyang nagbubulung bulungan ang mga tao, lalo na ang mga babae.

“Ang gwapo niya, swerte naman ng makakatabi niya.” sabi ng mga ito na tila nangangarap pa.

“Excuse me,”

Napalingon si Chynna sa may ari ng baritonong boses at nalaglag ang panga niya. Ubod ng gwapo! Ito siguro ang pinag uusapan ng mga kaopisina.

Advertisement

“Ay sorry,” sabi niya.

“No. Hindi ako dadaan. I was just going to ask your name?” pag ngiti nito ay lumabas ang mapuputing ngipin.

“Chynna Ortega,” walang arteng sagot niya, umugong naman ang bulungan ng mga kababaihang kanina pa pala nakikinig. Pakiramdam ni Chynna, ang ganda ganda niya. Mula noon ay sabay na sila palaging maglunch ng lalaki na ang pangalan ay Jake.

May sariling kotse ang lalaki, at kaya lang pumapasok sa opisina ay para malibang. Mayaman naman kasi ito.

Alam ni Chynna na nagsisimula nang mahulog ang loob niya rito, kaya naman nang magtapat ng pag ibig ang lalaki, kahit dalawang buwan palang silang magkakilala ay agad niyang sinagot ito.

Dahil boyfriend niya na si Jake, pumayag na siyang ihatid siya nito sa kanilang bahay. As usual, paglabas nila ng elevator ay naroon si Edgar, nakatingin sa mga kamay nila ni Jake na magkahawak. Iniwasan ni Chynna ang lalaki, hindi naman ito umimik at talagang nakatitig lang hanggang makasakay sila sa kotse ni Jake.

Kinabukasan, kinailangang mag overtime si Jake kaya hindi na ito nahintay pa ni Chynna, nauna na siyang umuwi. Sinabayan niya na lang ang ka-opisina niyang si Clang.

“Wala na yata yung dati mong manliligaw?” tanong nito na tumatanaw tanaw pa sa labas.

Advertisement

“Nakita niya kami kahapon eh, holding hands kami ni Jake. Okay na yun Diyos ko, para magising na siya sa pangangarap niya. Kahit kailan di ko pipiliin yun, e inuuto-uto ko lang sya para may taga bitbit akong bag no. Mahirap na nga ako mahirap pa ang jojowain ko,” mahabang litanya niya. Hindi niya napansin na naroon si Edgar at narinig lahat ng sinabi niya, tahimik na naglakad palayo ang nasaktang lalaki.

Makalipas ang isang taon.

Pinahid ni Chynna ang kanyang mga luha, iniwan na kasi siya ni Jake. Ipinagpalit siya nito sa isang mas magandang ka-opisina. Pinagmumukha pa siyang tanga araw araw na ibinabalandra nito ang babae sa harapan niya.

Si Edgar naman ay nakatagpo na ng babaeng mamahalin siya sa kabila ng estado niya sa buhay, dahil sa suporta ng babae ay ginalingan ni Edgar sa trabaho at ngayon ay malapit nang ma-promote.

Ang kwentong ito ay isang patunay na walang taong perpekto, sa tulong ng pagmamahal ay doon magiging perpekto ang taong piniling mahalin. Kung ano raw ang estado ng lalaki sa buhay, malaking parte doon ang suporta at pagmamahal ng kanyang kabiyak.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

Ano ang maipapayo mo kay Chynna? Tama ba ang desisyon niyang pakawalan si Edgar? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.