Mabuti ang Puso ng Dentista Pero Isang Lihim Pala ang Kanyang Itinatago

“Doc Ian, tumawag po si Elisa, yung nag-inquire kahapon, pwede daw mag pabunot mamayang 1:00 pm?” tanong ng sekretarya.

“Sige,” maiksing sagot ni Doc Ian.

Image courtesy of www.google.com

Si Doktor Ian Valdez, isang mabait at magaling na dentista. May apat siyang anak na sina Jared, Jessica, Jerwin at Jonie. Ang kanyang butihing asawa na si Jasmin Valdez, ay nagtatrabaho sa bahay bilang isang Online English Teacher.

Maayos ang katayuan sa buhay ng pamilyang Valdez, hindi man ganoon kayaman ngunit wala naman itong mga pinagkak- utangan at sapat na iyon sa konsepto ng maayos na buhay para sa Doktor.

Lahat din ng mga anak niya ay nasa kolehiyo na ngayon, at si Jessica, ang nag-iisang babae niyang anak ay kumukuha ng Dentistry sa isang kilalang unidersidad at malapit na ring magtapos.

Sobrang bilib si Doc Ian sa kanyang mga anak ngunit paborito niya itong si Jessica sapagkat ito ang pinakamalambing at tinuturing niyang Prinsesa sa pamilya. Ito rin ang sinasabi niyang nagmana sa gaan ng kanyang mga kamay at talento sa pagpapaganda ng ngiti ng mga tao.

“Jessica, kamusta nga pala yung pasyente mo na kailangang bunutan ng bagang? Okay naba? No need for my help?” tanong ng ama kay Jessica.

“Okay na po Dad. Naayos napo namin. Alam mo namang mana ako sayo at idol kita.” sagot ni Jessica.

Advertisement

Apat na buwan na lamang at kukuha na ng Licensure exam si Jessica upang maging ganap nang Dentista ito.

Lingid sa kaalaman ni Doc Ian, matagal nang alam ni Jessica na peke ang lisensyang ginagamit niya. Hindi kasi nakapasa sa exam noon ang lalaki.

Kaya naman nagsumikap ang dalaga sa pag-aaral para ibigay ang minimithing pangarap ng Ama at para narin sa kaligtasan nito. Alam din niyang gawa ng takot na mahuli, ayaw ng ama niyang magtayo ng sariling clinic.

Ramdam din ni Jessica na sa tuwing malalaking personalidad ang pasyente sa clinic ay hindi ito kinukuha ng kanyang ama bagkus lahat ng simpleng kaso lamang ang mga hinahawakan nito.

Katulad ng bunot, pasta, braces at cleaning. Araw-araw, iniisip ni Jessica ang hirap at takot na pinagdadaanan ng ama mabuhay lamang sila. At kahit ganoon ang sitwasyon ng lalaki, kailanman ay hindi niya ito nakitaan ng pagkalungkot o panghihina, hindi ito nagkulang kahit kailan.

Lumipas ang apat na buwan at naipasa ni Jessica ang pagsusulit at ganap na siyang Dentista.

Image courtesy of www.google.com

Umuwi siya sa kanilang bahay at niyakap ang ama nang ubod ng higpit.

Image courtesy of www.google.com

“Dad, Para sayo lahat ito. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo,” wika ng dalaga sa kanyang ama.

Advertisement

“Masayang masaya ako at natupad mo ang pangarap ko. I mean..ang pangarap kong may sumunod sa yapak ko,” sagot ng ama.

Image courtesy of www.google.com

Niyaya ni Jessica ang kanyang ama papunta sa kanilang balkonahe. Umupo ito habang nakatanaw silang dalawa sa labas.

Hinawakan ni Jessica ang kamay ng ama at sinabing, “Dad, hindi pa naman huli ang lahat. Pwede ka pang kumuha ng refresher course at mag exam ulit. Alam ko kaya mo yun Dad.” wika ni Jessica.

Image courtesy of www.google.com

Laking gulat ni Doc Ian sa sinabi ng kanyang anak. Namula ito at naiyak. Punong-puno ito ng kahihiyan sa sarili sa mga sandaling iyon.

“Anak, pano mo nalaman? Kelan pa? Paano? Patawarin mo ako. Patawarin mo ako anak kung hindi ko sinabi ang totoo. Patawarin mo ako na sa ganitong paraan ko kayo binuhay. Pero anak, wala man akong lisensya hindi ako kailanman nanglamang sa kapwa,” mabilis na depensa ng ama.

“Dad, ano ka ba. Hindi mo kailangang mag-sorry sa akin.” wika ng anak sa kanyang ama at niyakap ito.

Image courtesy of www.google.com

“Dad, matagal ko nang alam, nasa elementarya pa lamang ako noon nung nalaman ko ito. One time, pumunta ako sa clinic at nakalimutan mong i-lock yung drawer mo.

Nakita ko po yung itim na notebook,

Advertisement Image courtesy of www.google.com

akala ko po kasi libro lang, pag bukas ko, sakto namang nabasa ko yun. ” nakayukong paliwanag ni Jessica sa ama.

Hindi sumasagot ang lalaki kaya nagtuloy ang dalaga sa pagsasalita, “Sabi mo noon gusto mong kumuha ng refresher course pero di mo na magawa dahil nahihiya kang malaman namin at noong time na yun ay gipit tayo sa pera. Lahat kami nag-aaral, si mama naman walang trabaho at nagkasakit sa dugo. Ikaw lang ang inaasahan namin. Kaya Dad, naiintindihan ko po ang lahat, at maraming salamat dahil ikaw ang Dad namin. Salamat sa sakripisyo mo. Ikaw ang pinaka the best na Dad sa buong mundo at alam kong magiging the best ka ring Dentista Daddy.”

Niyakap ng mahigpit ni Doc Ian ang kanyang anak. Lumuluha ang kanilang mga mata, parang pinupunit ang puso niya sa narinig sa anak ngunit nagpapasalamat ito sa Panginoon na lumaki ang dalaga na maayos kahit ba alam na nito na pekeng Dentista ang kanyang ama.

Di pa man natatapos ng taon, kumuha ng refresher course si Doc Ian at awa ng Diyos ito ay nakapasa na. Inamin niya ang paglilihim niyang iyon sa kanyang buong pamilya na buong puso parin naman siyang tinanggap.

Image courtesy of www.google.com

Sa kabilang banda naman, nagtatayo na si Jessica ng sarili nilang Clinic. Ang ‘Smile Valdez Clinic’.