Nasira ang Pangarap na Kasal ng Mag-asawang Ito nang Dahil sa Isang Pekeng Wedding Coordinator

Anim na taon nang nagsasama sina Gail at Lorenzo bilang mag-asawa. Wala pa mang basbas ito ng simbahan ay naging tapat na sila sa isat-isa. Nagkakilala ang dalawa noong sila’y pawang nasa kolehiyo, parehas silang kumukuha ng Business Management at magkaklase rin ang dalawa.

Image courtesy of www.google.com

Masugid na niligawan ni Lorenzo noon ang dalaga dahil unang araw pa lamang ng eskwela ay tinamaan na ito sa kanya.

Dinaan niya ito sa harana, mga tula at sulat. Hindi niya binigyan ng kahit anong materyal na bagay ang dalaga noon, dahilan niya’y kailangang mahulog at mahalin siya nito sa pamamagitan ng kanyang sipag at tyaga sa pag-aaral at diskarte sa buhay.

Image courtesy of www.google.com

Hindi pa nagkakanobyo ang dalaga simula’t sapul ngunit hindi na niya napigilan pa na mahulog ang loob at umibig kay Lorenzo at sa mga panunuyo nito sa kanya.

Lumipas ng anim na buwang ligawan at ang dalawa ay opisyal nang magkasintahan.

Parehas na hirap sa buhay ang dalawa. Ang mga magulang ni Lorenzo ay magsasaka samantalang ang kay Gail naman ay pag-aalaga ng baboy ang siyang ikinabubuhay. Kaya alam ng dalawa na kinakailangan nilang magsumikap hindi lamang para sa mga magulang kundi para sa kani-kanilang kinabukasan.

“Gail, aalis lang ako saglit, pag may nagtanong kung nasaan ako, ano ang isasagot mo?” Tanong ni Lorenzo sa dalaga.

“Mmm, sasabihin ko hindi ko alam.” Simpleng sagot ng dalaga habang nagsusulat ito sa kanyang notebook.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

“Mali, pag may nag tanong kung nasan ako, sabihin mo nasa sa ‘yo na. BOOM.” Bulong ng binata.

Image courtesy of www.google.com

Halos ganoon ang buhay nila araw-araw kahit na sinagot na ni Gail si Lorenzo ay hindi ito nagbago, bagkus ay mas lalo pa nitong pinatunayan na mahal niya ang dalaga.

Pagkatapos nila ng kolehiyo ay umupa sila ng maliit na apartment. Noong una’y lima silang magbabarkda na nakatira doon. Sabay-sabay na naghanap ng mga trabaho at di kalaunay nagsipagalisan na ang iba. At doon nagsimula ang pagsasama ng dalawa sa iisang bubong.

Image courtesy of www.google.com

Lumipas ang anim na taon at maayos at matatag pa rin ang relasyon ng mga ito. Nagtratrabaho na silang parehas bilang sales agent na nagbebenta ng mga mamahaling condominium units.

Image courtesy of www.google.com

“Babe, kelan tayo ikakasal?” Malambing na tanong ng dalaga habang nakapulupot ang mga kamay nito sa braso ng nobyo.

“Malapit na babe. Pero bago iyon, ito muna.” Biglang lumuhod si Lorenzo sa dalaga at inilabas ang singsing.

Image courtesy of www.google.com

“Babe, alam kong simple lang tong proposal ko. Walang ibang nakakakita kundi tayo, walang camera na pwede magpatrending katulad ng uso ngayon. Simple man ang buhay na maibibigay ko sayo, mamahalin naman kita ng buong puso.” Pahayag ng lalake sa nobya.

“Yes, yes, yes.” Sagot ni Gail sa kanya at isinuot ang singsing at nagyakap ang dalawa.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

Kaya naman nagplano na sila kaagad ng kasal. 100,000 lang ang budget nila. Hindi naman engrande, ang gusto lang nila ay simpleng Christian wedding at iilan na mga bisita.

Image courtesy of www.google.com

“Babe oh, check this. Maganda ang mga feedback sa kanya kahit mura lang. Humingi na rin ako ng quotation.” Wika ni Gail sa kanyang nobyo.

Nagtitingin kasi ito ng mga wedding planner packages. At nagustuhan ng dalawa si Joy Halig.

Image courtesy of www.google.com

“80,000-all In na po yan ma’am. Kami na po bahala sa venue, food, giveaways at host. Bale damit na lang po ang aasikasuhin niyo ni hubby.” Chat sa kanya ni Joy.

Lagi silang nag-uusap ni Joy sa telepono para sa mga updates nito. Pinag-down rin siya ng 50,000 para sa paunang bayad at nang makagalaw din sila sa paghahanda ng kasal.

Image courtesy of www.google.com

Sa kabilang banda naman ay abala ang mag-nobyo sa paghahanap ng kanilang maisusuot para sa kanilang kasal. Goddess ang theme na napili ni Gail at sinang-ayunan naman ito ng binata.

Image courtesy of www.google.com

“Girls, yellow ang suot niyong lahat dapat ha? Kasi ako lang ang nakaputi na parang si Athena.” Kinikilig na sinabi ng dalaga sa kanyang mga abay na sina Elizabeth, Lorena, KC at Dianne habang nagkakape ang mga ito.

Image courtesy of www.google.com

“E kamusta yung ibang detalye ng kasal mo? Pagkain? Venue?” Tanong ni Elizabeth ang kanyang maid of honor.

Advertisement

“Okay na lahat, ang galing nga ni Joy e. Nagsesend siya ng mga updates halos araw-araw. Tiwala ako, tsaka sabi niya, sino ba naman daw ang babaeng ayaw ikasal ‘di ba? Kaya naman aayusin daw niya kahit na sa murang halaga.” Sagot ni Gail sa kaibigan.

“Oh sya basta maayos at hindi ka nganga diyan, keribels na kami.” Wika ng iba pa nitong kaibigan.

Dalawang buwan na lamang at ikakasal na sina Gail at Lorenzo.

“Ma’am, pwede po ba kayong magdeposit ulit ng 15,000 para naman po ito dun sa mga props at host ng event.” Chat ni Joy kay Gail.

“Sige, sige. Papadala ako mamaya. Kailan nga pala tayo magkikita?” Tanong ng dalaga.

“Mga one week po before the wedding. May inaasikaso lang po akong kasal ngayon.” Reply ni Joy na may kasamang smiling face.

Isang buwan na lang ang hinihintay, ayos na rin ang isusuot nilang mag kasintahan at ang sa mga abay nito. Natawagan na rin nila ang kani-kanilang mga pamilya para maghanda sa darating na kasal.

Naisipan ni Gail na puntahan ang venue ng kanilang kasal. Isang restaurant na may garden sa labas. Medyo may kalayuan kasi ito kaya hindi niya mapuntahan at may trabaho siya araw-araw.

Advertisement

“Hello po, Good morning. Mag tatanong lang po sana ako kung sino yung kausap ni Ms. Joy Halig dito for Mr&Mrs. Liwanag Nuptial?” Tanong ni Gail sa receptionist.

“Ay ma’am kelan po yung wedding para macheck po natin sa records namin?” Sagot naman nito.

“This coming May 25 po at 2pm.” Nakangiting sagot ng dalaga.

“Ma’am sure po kayong dito po napabook? Tsaka kelan po kaya nakipag-usap yung tao niyo? Wala po kasi sa record namin.” Sagot ng dalaga habang pinapakita nito ang records nila.

Image courtesy of www.google.com

“Hala talaga ba? Baka naman di lang narecord, teka ha tawagan ko yung coordinator ko.” Nag-aalalang sagot ni Gail sa babae at kinuha ang cellphone nito para tawagan si Joy.

Image courtesy of www.google.com

* The number you have dialed is out of coverage area, please try your call later*

Agad agad niyang chinat ito sa messenger ngunit naka block at naka deactivated na ang account nito.

Nanginginig si Gail sa galit at inis na inis ng mga oras na iyon. Kinalma niya ang kanyang sarili at umuwi ng bahay.

Advertisement

“Think positive Gail, baka may emergency lang. Try mo ulit mamaya.” Paulit-ulit na binibigkas ng dalaga habang nakacross fingers ito.

Image courtesy of www.google.com

Pag-uwi niya’y sinubukan niya itong tawagan ulit ngunit wala na talagang sumasagot. Hindi machat o mahagilap ang dalaga.

“Babe, naloko tayo. Di ako makapaniwala. Paano na yung kasal natin, paano na?!” Umiiyak na sabi ni Gail kay Lorenzo.

“Hayaan mo na babe, masakit man pero may ganyan siguro talagang tao. Mapanglinlang ng kapwa. Malas natin nabiktima tayo. Pero ipagpasa Diyos nalang natin siya. Kasal lang naman ang nawala sa ‘tin. Hindi ang isat-isa.” Wika ni Lorenzo sa kanyang nobya sabay halik nito sa noo.

Nag post ang dalaga sa mga social media account niya tungkol sa hindi magandang karanasan nito. Pinakalat niya ito upang maging babala sa nakararami. Nag file na rin sila ng police report at nagpaskil ng mukha ng coordinator.

Hindi man natuloy ang kasal ng dalawa, nanatili pa ring matibay at mainit ang kanilang pagsasama. Mag-iipon na lang ulit sila para sa kanilang dream wedding at sisiguraduhin nilang hindi na mauulit ang nangyari.

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.