Kinamumuhian at Ikinakahiya ng Binatilyong Ito ang Kanyang Ama, Nagbago ang Pakikitungo Niya Dito nang Malaman ang Sikreto Nito

Inis na inis si Randy sa tatay niya, hindi kasi ito katulad ng iba. Hindi siya nito maibili ng computer, kahit ng mga damit na maayos. High school na siya pero ang cellphone niya ay lumang modelo na nakakahiyang ipakita sa mga classmate niya.

Lalo pa siyang naasar dito dahil sa dinami dami ng pwedeng pwestuhan, doon pa ito talaga nagtinda ng ice scramble sa tapat ng school niya.

“Tay, doon ka na lang kasi sa palengke bat ba dito pa kayo,” mahina ang pagkasabi niya pero madiin iyon.

“Maganda ang pwesto rito, mga estudyante ang mahilig sa ice scramble ‘nak, nagmeryenda ka naba?” tanong nito sa kanya.

“Oo kumain na ako! Basta kapag nandyan ang tropa ko wag nyo kong tatawag tawagin.” sabi niya rito, harap harapang pinamumukha sa ama na ikinahihiya niya ito.

Bumalik na siya ulit sa loob ng eskwela, malungkot namang nakatanaw ang kanyang ama. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa pagod at marahil sa lamig na rin ng ice scramble. May edad na ang ama ni Randy, siguro ay malapit nang mag- 60. Ang alam ni Randy ay late itong nag asawa ngunit iniwan sila ng nanay niya kaya mag isa siyang binubuhay nito ngayon.

Isang hapon ay dumating ang binatilyo at inabutang may bisita ang kanyang ama, hindi pa nakikita ng mga ito na naroon na siya.

“Kuya, kumusta ang bata?” tanong ng babae na sa tantya ni Randy at nasa 45 taong gulang, mapapansin ding kamukha ito ng tatay niya. Nagtaka si Randy, hindi niya alam na may kapatid pala ang tatay niya.

Advertisement

“Malaki na si Randy, nagmamakaawa ako sayo Rowena, wag mo syang kukunin sa akin. Pagkatapos mong magpabuntis noon sa may asawa ay bigla mong iniwan si Randy sa akin, at ngayong napamahal na siya sakin ay kukunin mo?”

Napaiyak naman si Randy ng lihim, hindi pala siya tunay na anak ng lalaki pero minahal siya nito na parang sarili sa kabila ng katigasan ng ulo at pananakit niya sa matanda. Kinausap niya ang babae, sinabi ritong hindi siya sasama dahil gusto niyang manatili sa piling ng kinilalang ama. Simula noon ay nagbago na siya at naging mabuting anak na.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.