Dahil Isang Tomboy ay Ilang Beses Hindi Natanggap sa Trabaho ang Babaeng Ito, Sa Huli’y Pinatunayan Niyang Hindi Hadlang ang Kasarian sa Pagkamit ng Tagumpay

“I’m sorry Miss Valencia, you’re not fitted for the job. Mas prefer namin ang lalaki sa trabahong ito.”

“Lalaki kasi ang hanap namin sa job position eh.”

“You’re rejected, sorry.”

Hindi lang ‘ata iilang beses narinig ni Lesley ang mga rejections niya sa trabaho. Hindi niya lubos maisip na halos lahat ng dahilan sa hindi niya pagkatanggap sa trabaho ay dahil lamang babae siya.

“Ganito na ba talaga ka-unfair ang mundo?”

Hindi lamang iyon. Natanggal rin siya sa trabaho dahil mas kinampihan ng team leader niya ang kasamahan niyang lalaki na nanuntok sa kanya.

Hindi naman pinagkakaila ni Lesley na isa siyang tomboy. At high school graduate lang ang natapos niya kaya naman kung hindi factory worker ay mabibigat na trabaho tulad ng construction o driver ang pinapasukan niyang trabaho.

Dahil rin sa kasarian niya kaya siya nakatatanggap ng iba’t ibang diskriminasyon sa buhay. Ngunit sa kabila niyon ay tanggap niya ang sarili at kung sino talaga siya.

Advertisement

Isang araw dahil napagod nang maghanap ng trabaho ay nagdesisyon siyang kumain muna ng tusok-tusok sa tabing kalsada. Doon ay nakita niya ang matandang ale na malakas na binubuhat ang basket. Nilapitan niya ito upang tulungan, “Nay ako na po.”

“Ay hindi ako na. Okay lang ako. Malakas pa ako at kayang-kaya ko pa ‘to.”

Nagulat pa siya nang sabay nitong buhatin ang dalawang basket na puno ng mga prutas. Doon ay nakaisip siya ng paraan. Kung hindi man siya suwertihin sa trabaho ay isang larangan ang nais niyang pasukin. Larangan kung saan hindi hadlang kung babae ka man o lalaki. Hindi hadlang ang kasarian at katayuan sa buhay.

Agad siyang nagtungo sa dating gym na madalas niyang puntahan noon. Doon ay nag-ensayo siya nang nag-ensayo.

“Lesley, anong ginagawa mo dito?”

Napangiti siya. Alam niyang dadating ito, “Coach…”

“Nagbalik-loob ka na ba sa pagbubuhat?” tanong nito sa kanya.

“Itrain mo ako, coach. Gusto ko nang magfocus dito.”

Advertisement

Ganun na nga ang ginawa nila. Labis na oras at effort ang inilaan niya para lamang gumaling sa pagwe-weighlifting.

“Magaling ka, gusto mo bang sumali sa kumpetisyon sa bayan?”

Hindi tulad noon, ay hindi na niya tinanggihan ang challenge sa kanya ng trainer. Agad niyang tinanggap iyon. Ilang linggo ang lumipas at oras na ng “weightlifting competition for women”.

Pangalawa siya sa nanalo at umabot siya ng National Division. Doon ay nagtuloy-tuloy ang kanyang pagkawagi at nang tanungin siya ng announcer ukol sa kanyang inspirasyon ay ito ang kanyang sinagot, “Gusto ko pong mainspire ang lahat, lalo na ang mga kababaihan, na hindi hadlang ang kasarian o katayuan sa buhay upang magtagumpay tayo sa ating laban.

Tunay nga namang napatunayan ni Lesley na hindi hadlang ang kanyang kasarian upang magtagumpay sa buhay. Pinatunayan niyang hindi tama na tingnan ng ibang tao ang kasarian bilang basehan ng kapasidad ng isang tao.

Isang aral ang naibahagi ni Lesley sa mga taong nag-aakalang ang pagiging isang babae ay kahinaan. Sa katunayan, napatunayan niyang mas malakas pa siya sa iilang lalaki sa larangang kanyang pinili at napagtagumpayan.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

Advertisement

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.