“For Better or For Worse” Mga Katagang Pinanindigan ng Lalaking Ito sa Kabila ng Pagtataksil ng Kaniyang Asawa

Image courtesy of www.google.com

” Ako’y sayo, Ikaw ay akin.

Ganda mo sa paningin.

Ako ngayon ay nag iisa.

Sana ay tabihin na. “

Tumutugtog ang pinaka-trending na kanta habang nagsisiping sina Faith at Joshua isang gabi ng Pebrero, araw ng mga puso. Nakikisabay sa indayog ng musika, init ng damdamin, dahan-dahan ang bawat paggalaw, unti-unti, dinadama, ninanamnam.

“Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw ng buwan...”

At napapapikit ang kanilang mga mata, sa bawat pagbigkas at hampas ng musika sa JBL bluetooth speaker na binili ni Joshua, talaga namang ramdam na ramdam nila ang gabi.

Image courtesy of www.google.com

At tinitigan ni Joshua si Faith ng buong puso habang ito ay nakapikit ngunit sa gitna ng mga oras na iyon, bigla na lang binitiwan ni Faith ang mga katagang “Ohh… Mahal na mahal kita Jervin…”.

Advertisement

Pagkatapos ng insidenting iyon, napaupo sa salas si Joshua at inalalang muli kung paano sila nag umpisa ng kanyang asawa, ng kanyang asawang nabisto niyang pinagtataksilan siya sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalik.

Pinilit niyang alisin sa isip ang kawalanghiyaan ng misis. Binuksan niya ang TV at nagbukas ng de latang papapakin, itinuon dito ang atensiyon ngunit tila langaw na nakadapo sa isang bandehadong kanin ang sakit na nakabaon sa kaniyang dibdib.

Image courtesy of www.google.com

Si Faith Monteverde ay 3rd year psychology major, student council president at dean’s lister of the year.

Si Faith na almost perfect, si Faith na crush ng bayan, si Faith na idol ng mga freshmen, si Faith na dalawang taon ko nang nililigawan.

Image courtesy of www.google.com

Yes, sya si Faith Monteverde na Faith Monteverde-Dinalintulad na ngayon.

Yes, si Faith na pangarap ko noon, asawa ko na ngayon.

Yes, siya si Faith na mahal ko, mahal na mahal.

At siya si Faith na tinatarando ako ngayon.

Advertisement

Sh*t. Sobrang sakit.

Akala ko pag masaya kayo, pag nabibigay mo ang lahat ng gusto ng taong mahal mo. You can definitely say “tayo hangang dulo” but I am wrong.

Faith and I got married at the age of 24, nakapagtapos, may magandang trabaho at maayos na katauyan sa buhay.

Image courtesy of www.google.com

Lagi nilang sinasabi na isa kami sa mga perfect couple, anak na nga lang ang kulang sa amin. Pero ginagalang ko si Faith sa kagustuhan niyang magkaroon ng supling sa edad na bente otso kaya naman masasabi ko na lagi pa rin kaming nasa honeymoon stage.

Tampo here, tampo there, lambing here, lambing there and a hot satisfying love making after. Kung pagtatalik lang ang pag-uusapan, baka kumita pa ako sa pagbebenta ng mga malalaswang palabas kung nagvivideo lang kami, alam mo yun? Walang kulang sa relasyon namin. Wala..

Hangang sa dumating ang araw na pumasok sa eksena si Jervin.

Image courtesy of www.google.com

Si Jervin na kumpare ko, inaanak namin ni Faith ang anak niyang si Roselle.

Si Jervin na katrabaho ni Faith.

Advertisement

Si Jervin na laging naikukuwento ni Faith na isang mabuting ama, anak at katrabaho.

Oo, siya si Jervin. Si Jervin na tinikman, tinitikman at titikman pa ang asawa ko.

Image courtesy of www.google.com

Oo, siya si Jervin na sinigaw na pangalan ng asawa ko noong huling araw ng mga puso.

At oo, siya si Jervin na kabit ng asawa ko. “

Matapos ang huling pagtatalik nila ni Faith ay hindi na umuwi doon si Joshua, nagpalamig ito at nagisip-isip ng maraming bagay.

Isang gabi ay naisipang umuwi ni Joshua kay Faith. Umupo ito sa sofa kung saan naroon rin ang asawa. Walang nagsasalita sa kanila, kaya naman si Joshua na ang bumasag sa katahimikan.

“T*ngina Faith, ikaw lang minahal ko at nagpakatanga ‘ko sa ginagawa kong ito. Pero sige, utang na loob. Magpaliwanag ka. Anong nagyari sa atin?” Umiiyak na tanong ni Joshua sa kanyang asawa.

Tumayo si Faith sa bintana at sinilip ang tanawin sa labas mula sa 32nd floor condomium unit nila.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

“ It’s not you, it’s me. Bullshit diba? Pero yun ang totoo. Naboring ako sa relasyon natin, Joshua. Nasakal ako na sa ‘kin umiikot ang mundo mo, na ako lang ang mundo mo. Hindi ka na makagalaw ng wala ako. Wala ka nang ibang ginagawa na hindi para sa akin. Kinalimutan mo na ang sarili mo. Wala na ‘yong independent Joshua na nakilala ko. I am sorry for ruining this marriage and I deserve the right penalties. Kung gusto mong mag-file ng annulment, pipirma ako. Papakawalan kita, Joshua. Patawarin mo ako.” Lumuluhang pahayag ni Faith sa asawa.

“ For better or For worse. Hindi kita bibitawan, Faith. Ipaglalaban ko ang ipinundar kong pagmamahal. Alam ko mahal mo ako pero napagod ka lang, nagsawa ka lang pero hindi ka bibitaw. Aalis ako. Pupunta akong abroad for 3 months. Para makapagsarili tayo, makapag-isip… Pagbalik ko tsaka tayo mag-uusap ulit. Mahal kita, asawa kita, at ipinangako kita sa altar kaya naman ipaglalaban kita.” Sabay alis ni Joshua.

Lumipas ang tatlong buwan, bumalik na si Joshua na buo pa rin ang pagmamahal sa kanyang asawa. Sa kabilang banda naman, napagtanto ni Faith na si Joshua nga ang mahal niya at nagkamali siya.

Kaya sinalubong niya ang asawa sa airport na may tangay na banner.

“ Please don’t give up on me…..”