Sikat at Kinaiinggitan Sila sa Internet Dahil Perpekto Raw ang Kanilang Pamilya, Ngunit Palabas Lamang Pala Ito at Gigisingin Sila ng Kanilang Anak

Sikat na sikat ang mag-asawang sina Jeff at Katrina, bukod kasi sa perpekto at mala-artista nitong mga itsura ay kinaiingitan din ang relasyon ng mga ito na sumikat na sa Youtube at Facebook.

Image courtesy of www.google.com

Nagsimula ang lahat noong kolehiyo ang dalawa, minsang nag-away ito ng matindi dahil sa pambababae ni Jeff kaya naman nakipaghiwalay na si Katrina sa kaniya ngunit gumawa ng isang pasabog ang lalaki.

Simula sa gate ng eskwelahan ay may mga lobong ini-aabot kay Katrina na nagtuturo sa direkyon papunta sa harapan ng pinakamataas na building sa lugar.

Image courtesy of www.google.com

Sa gitna ay mga mga rosas na nagkalat at nakorteng puso saka pinatapak ang babae sa loob nito. Alam na ng dalaga na si Jeff ang may pakana noon at hindi niya parin ito papatawarin ngunit nagulat ang dalaga ng biglang may bumagsak na tao tela at nakasulat ang mga katagang “Patawarin mo ako baby ko, please. Huwag mo akong iwan” at naghiyawan ang mga tao.

Image courtesy of www.google.com

Napalibutan siya nga mga estudyanteng humihiyaw at nakatitig sa kaniyang kinatatayuan, sabay labas ni Jeff na may suot na lapel at gitara sabay tugtog ng lalaki sa kantang SORRY NA by PAROKYA NI EDGAR at saka ito lumuhod sa harap ng maraming tao.

Image courtesy of www.google.com

Na-upload ito kaagad sa Youtube na labis na tinangkilik ng mga manunuod, kaya simula noon ay palagi na silang nagrerecord ng mga sweet na pangyayari sa kanilang buhay dahil bukod sa kasikatang natatamo ay kumikita rin ang dalawa sa ginagawang iyon.

Pagkatapos rin ng kolehiyo ay agad silang nagpakasal at ngayon ay mag dalawa ng anak, maayos at masayang ang pagsasama ng dalawa kaya nga marami ang nagtatanong kung ano ang sikreto ng kanilang pagsasama.

“Itabi mo sa akin si Jerry dito tapos sayo si Jasmin sa kabila. Lapit mo pa ng kaunti yun mukha mo sa akin Katrina,” wika ni Jeff habang sila ay nagseselfie.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

“Hindi pa ba natin ititigil ito?” tanong ni Katrina sa asawa.

“E ‘di wala na tayong extra income kapag itinigil natin itong pagpopost, kung ako naman kasi sayo kalimutan mo na lang katulad ng dati! Tsaka nagbago naman na ako ha? Gusto mo ba gumawa ulit ako ng sorpresang paghingi ng sorry sa’yo para lang maka move-on tayong pareho?” galit na saad ni Jeff sa babae. Hindi sumagot si Katrina dahil ayaw niyang nakikita ng mga bata ang kanilang pag-aaway.

“Oh ayan na! Na-upload ko na, ilagay mo sa comment mo, perfect husband, perfect family,” utos ng lalaki sa kaniyang misis.

“Mga anak, lumabas na muna kayo doon, maglaro muna kayo,” saad ni Katrina sa dalawang bata.

“Teka lang mommy, ishashare ko lang pong itong post ni daddy kasi sikat na rin kami katulad niyo e,” saad ni Jerry sabay suot ng shades, ang panganay nilang anak.

Image courtesy of www.google.com

“Kita mo na, pati bata oh ayan ang sinasabi, kaya kalimutan mo na iyon!” bulong ni Jeff kay Katrina.

“Sige na anak, mamaya mo na lang i-share ha? Mag-uusap lang ang mommy at daddy. Isama mo ang kapatid mo at huwag kayong makikipag-away sa labas, okay?” pahayag ng babae sa mga bata at saka ito inihatid sa labas ng kanilang bahay.

“Hangang kailan tayo magsisinungaling diyan sa mga followers mo?” wika ni Katrina sa mister.

Advertisement

“Patawarin mo na kasi ako! Pangako hindi ko na uulitin pa,” sagot ni Jeff sa asawa.

Nahuli nanaman kasi ni Katrina na may ibang babae ang mister at hindi lamang iyon ang unang pagkakataon, napakaraming beses na at nahihirapan na rin siyang magpanggap na okay silang dalawa dahil hindi naman nagsisisi ang kaniyang asawa sa mga pagkakamaling ginawa nito. Kinakausap o di kaya naman nilalambing lamang siya nito kapag kailangan nilang magpost ng bagong video.

“Pagod na ako sa kalokohan natin Jeff, hindi ka na nagbago. Madami ka ngang followers pero sira naman ang pagsasama natin, ‘yan nalang ba talaga ang mahalaga sa’yo? Yung para tayong artista na maayos sa harap ng camera pero isang malaking failure naman sa totoong buhay?” tanong ni misis.

“Kung hindi rin naman tayo magiging okay, kung hindi mo rin naman pagsisisihan ang mga kasalanan mo at patuloy mo parin akong niloloko mas mabuting linawin natin para ibibigay ko sa’yo kung anong gusto mo!” dagdag pa ni Katrina ngunit wala siyang natangap na sagot mula sa asawa.

Kaya naman pinatulan niya ang trip nito, itinigil na niya ang pakikipag-away at nakikipag-usap na lamang kapag kailangan nilang magpost.

Hangang sa isang araw, umattend ang dalawa sa family day ng kanilang lang panganay, tumayo sila at kinuhanan ang pangyayari. Ia-upload kasi nila ito mamaya,

Image courtesy of www.google.com

“Jerry! Sikat na pala talaga kayo kasi kahit yung momy ko palagi kayong pinapanuod! Perfect family daw kasi kayo kaya nga lagi niyang sinasabi na ikaw daw dapat ang bestfriend ko!” saad ng batang lalaking kalaro ni Jeffrey. Napatigil ang dalawa at itinutok ang camera sa dalawang bata.

“Naku hindi naman totoo yun e! Mga artista lang ang mommy at daddy ko. Hindi naman talaga kami ganun sa bahay, hindi nga sila nag-uusap tapos lagi pa sila nag-aaway! Pero sabi kasi ng daddy ko marami raw pera sa pag aartista nila kaya sila sikat,” saad ni Jerry sa batang kalaro. Agad na nagtinginan ang dalawa at napaluha si Katrina, nilapitan nila ang anak at agad itong niyakap.

Advertisement

“Anak, hindi totoo yan, patawarin mo si papa!” saad ni Jeff na kaagad kinarga ang kaniyang panganay. Simula noon, doon nahimasmasan ang lalaki na dahil sa sobrang abala niyang gawing perpekto ang kanilang pamilya sa mata ng ibang tao ay napabayaan na niya ang tunay niyang pamilya at ang mga anak nito.

Kaya simula noon ay nag-ayos ang dalawang mag-asawa at pinakita ito sa kanilang mga anak, nais ni Jeff na maging perpekto ang kanilang pamilya hindi na sa social media kundi sa puso ng kaniyang mga anak. Gusto rin niyang ito ang baunin ng bata sa kaniyang paglaki na mayroon siyang mapagmahal na mga magulang at hindi pagpapanggap lamang.