Nagkasakit ang Babae Ilang Buwan Bago ang Kanyang Kasal; Napaiyak na Lamang Siya sa Ginawa ng Kanyang Nobyo Pagkatapos Niyang Mabaldado

Nasa kolehiyo sina Lance at Clarisse nang sila ay magkakilala. Naging matalik na magkaibigan muna ang dalawa bago nauwi sa mas malalim pa na pagtitinginan. Makalipas lamang ang ilang buwan ay naging opisyal na rin silang magkasintahan.

Sa pagpapatuloy na kanilang matatag na relasyon ay isa-isa na nilang inilalatag ang mga plano para sa hinaharap. Inuumpisahan na ni Lance na pag-ipunan ang singsing na ibibigay para sa minamahal.

Labis ang kanilang kasabikan sa panibagong yugto ng kanilang pagsasama, subalit ang kanilang mga plano ay unti-unting lumabo nang bumayo ang isang malaking pagsubok sa kanilang relasyon.

“Hello, Lance?” pagbati ng isang babae sa telepono.

“Opo, sino po sila?” tanong naman ng lalaki.

“Mommy ito ni Clarisse. Maari ka bang magtungo ngayon dito sa ospital?” pakiusap pa ng ginang.

“Bakit po? Ano po ang nangyari?” nag-aalalang tanong naman ng lalaki.

“Naaksidente si Clarisse. Malubha ang kanyang kalagayan. Kaya kung maaari ay magtungo ka dito ngayon upang makita siya.”

Advertisement

“Opo, tita. Pupunta na po ako ngayon,” tugon naman ni Lance.

Agad siyang umalis ng bahay at nagtungo sa ospital. Naaksidente si Clarisse sa pagmamaneho na lumikha ng matinding pinasala sa kanyang utak. Tila huminto naman ang mundo ni Lance nang makita niya ang kaawa-awang kalagayan ng kanyang kasintahan.

“Doc, ano na po ang magiging kalagayan ng nobya ko?” tanong ni Lance sa doktor.

“Sa ngayon ay hindi natin masasabi. Masyadong malakas ang impact ng aksidente sa kanyang utak. Hindi siya makakilos at hindi rin makapagsalita. Malaki ang posibilidad na mawala pa ang kanyang alaala,” malungkot na tugon ng doktor.

Labis ang kalungkutan na naramdaman ng binata. Para bang hinipan ng isang malakas na hangin ang kanilang mga pangarap. Ang dating malakas at napakagandang kasintahan ay nakaratay na lamang ngayon sa isang masaklap na karamdaman.

Tanging Diyos at dasal na lamang ang naging sandigan ni Lance. Isang matinding panagalangin ang ibinuhos ng binata para pag galing ng nobya. Handa siyang gawin at lahat gumaling lamang ang pinakamamahal na babae.

Nang magising si Clarisse at nakalabas sa ospital ay napagdesisyunan ni Lance na tumira muna sa tahanan ng kasintahan, kasama ang pamilya nito upang makatulong at umalalay sa pag-aalaga sa dalaga.

Bagama’t nanghihina ay si Lance ang nagsisilbing puwersa ni Clarisse upang ituloy ang laban at pag galing sa karamdaman. Buong puso niyang ibinuhos ang lakas, panahon at ang oras para sa babaeng minamahal.

Advertisement

“Lance, kung napapagod ka na sa pag-aalaga sa anak ko, maaari ka naman magpahinga na muna. Maiintindihan namin. Alam mo naman na din ang sitwasyon ni Clarisse, wala tayong kasiguraduhan sa tuloy-tuloy niyang pag galing,” mahinahong wika ng ina ng dalaga.

“Ayos lamang po ako, tita. Handa akong manatili at gawin ang lahat para sa ikabubuti ni Clarisse, pero hinding-hindi ko po magagawang iwan siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ako,” naluluhang tugon naman ng binata.

“Napakaswerte ng anak ko at nakilala ka niya. Salamat Lance, anak. Napakabuti ng puso mo,” naiiyak na sagot naman din ng ginang.

“Kakayanin ko po ang lahat para kay Clarisse. Wala na po akong ibang babaeng mamahalin bukod sa kanya. Siya lamang po ang nag-iisa sa puso ko. Kaya lahat ng hirap at pagod ay kakayanin ko, makita ko lamang na maayos siya,” lumuluha nang tugon ni Lance.

Ang binata ang nag-aalaga, nagluluto ng pagkain, at ang kasama ni Clarisse tuwing may physical therpy session ito. Siya ang tumayong lakas at ilaw ng dalaga sa matinding pagsubok na ito sa kanyang buhay.

Makalipas ang dalawang taon ay nagbunga ang pagsasakripisyo ni Lance. Unti-unti ay nanumbalik ang kakayanan ni Clarisse na makapagsalita. Labis ang pasasalamat ng binata sa magandang senyales na ito na ipinakita ng nobya.

Nalaman pa niya ng buo pa ang memorya ng dalaga tungkol sa kanya. Natatandaan pa nito ang bawat minuto na iginugugol ng binata sa kanya habang siya ay nagpapagaling at hinding-hindi nito nakakalimutan ang magagandang plano nila, bago mangyari ang trahedya.

“S-salamat. H-hindi mo ako iniwan. Mahal na mahal k-kita Lance,” nauutal na sabi ng dalaga.

Advertisement

“Lahat ay kakayanin ko para sayo, Clarisse. Kaunting panahon na lamang at nararamdaman kong babalik ka rin sa dati. Mahal na mahal kita,” nakangiting tugon naman ng binata.

Sa kabila ng pagiging baldado ni Clarisse, ay muling pa rin binuhay ng dalawa ang naudlot nilang pangarap para sa isa’t isa. Muli nilang pinag-usapan ang planong pagpapakasal. Tanggap naman ni Lance ang kahihinatnan ng kanilang magiging desisyon.

Makalipas ang dalawang taon ay natuloy din ang plano ng dalawa. Sa malamig na simoy ng Setyembre ay pinilit na tumayo mula sa wheelchair ng babae upang lumakad sa altar at sumumpa ng kanilang pagmamahal.

Maaring hindi na sila magkaanak, ngunit hindi ito sapat na dahilan para talikuran ng binata ang babaeng minahal niya noong malakas pa ito at walang karamdaman. Handa siyang sumugal at magsakripisyo para kay Clarisse, dahil hindi kailanman kayang sirain ng karamdaman ang kanilang pagmamahal.

Lahat ay napaluha habang minamasdan ang magandang babae na lumalakad ng nakangiti habang papalapit sa lalaki na labis at totoong nagmamahal sa kanya. Pinatunayan ni Lance na posible ang inaakala ng iba na imposible, ang pag-ibig ay kayang magpagalaw at magpalipat ng bundok. Kaya suungin ng kahit ano pag tunay ang pag-ibig na nararamdaman.

Sa ngayon ay nagsasama ng matiwasay at masaya ang mag-asawa. Nagtuloy-tuloy ang pag galing ni Clarisse at hindi naman sila nawawalan ng pag-asa na isang araw ay magkakaroon din sila ng sarili nilang anak.

Sa isang iglap ay pupwedeng magbago ang lahat sa ating buhay, ngunit hindi magbabago ang pag-ibig ng isang tao na tunay na nagmamahal. Mabago man ang kalagayan o hitsura ng taong minamahal natin, pero ang pusong umiibig ay kailanman hindi magbabago.