Niyabangan ng Babae ang Kaibigan na Kaya Niyang Magbayad ng Buo sa Malaking Bahay, Napakasakit Pala ng Magiging Kapalit Noon

Bago lumabas ng bahay ay sinipat muna ni Maricel ang sarili sa salamin. Kumpleto ang suot niyang alahas at isinuot niya ang mamahaling damit na binili niya pa sa mall kahapon. Napag-usapan kasi nila ng mga kaibigan niya na magkita-kita matapos ang 15 years na gumraduate sila sa kolehiyo. Syempre, kailangan maipakita niya sa mga ito na mayaman na siya ngayon.

Ang mister niya ay isa nang manager sa isang kumpanya sa Makati, habang siya naman ay home-based teacher. Nagtuturo siya ng ingles sa mga Taiwanese na nais matuto. Ang totoo, hindi naman talaga siya excited dahil na-miss niya ang mga kaibigan. Excited siya dahil gustong-gusto niya nang magyabang. Tiyak niya namang sa kanilang apat, siya itong pinakamataas na ang narating sa buhay.

“O akala ko aalis kana?” tanong ng asawa niyang si Rodel.

“Teka nagbu-book ako ng grab,” sabi niya na nakaupo sa sofa at tumitipa sa cellphone. Naghihintay ng taxi drover na tatanggap sa booking niya sa internet.

“Grab ka dyan, diba at sa malapit lang kayo magkikita?” nagtatakang tanong ulit ng lalaki.

Inirapan niya ito, “Ano ka ba, parang timang ‘to. Ano na lang ang iisipin nila sa akin kapag dumating ako doon na naka-tricycle? How cheap,” inis na wika niya.

Hindi na nakasagot pa ang lalaki dahil tumayo na siya, sa wakas ay may nakuha na siyang taxi. Ilang sandali pa ang nakalipas ay nasa tapat na siya ng restaurant, malayo palang ay tanaw na niyang kumpleto na ang mga kaibigan. Sinadya niya talagang magpa-late para agaw eksena.

Palihim niyang minasdan ang mga ito habang papalapit siya, kinikilatis niya ang suot na damit, alahas at bag kung may kasing bongga ba niya.

Advertisement

“Hi girls!” plastic na sabi niya nang makalapit sa mga ito.

Nagsitayuan naman sina Jenny, Airene at Mara upang halikan siya sa pisngi, “Ang ganda naman ng kaibigan nating ito! Donya!”

Napakibit-balikat si Maricel, “Well, manager na kasi si Rodel. So alam nyo na,” hindi man lang nagpa-humble na sagot niya. “Um-order na ba kayo? dagdagan nyo pa yan, my treat!” mayabang pa niyang dagdag.

“Wow, thank you Acheng ha,” sabi ni Mara. Nginitian niya ito ng plastic, medyo napataas ang kilay niya nang makita ang gintong hikaw na suot nito. Aba, mas malaki ang dyamante kaysa sa kanya!

Sa totoo lang, college palang sila ay inggit na siya kay Mara. Palagi kasi itong bida sa eskwela habang siya, pangalawa lang palagi. Ang pagkakaiba nilang dalawa, likas itong mabait at siya ay plastic lang.

“Kumusta naman kayo girls? Ngayon lang tayo nakapagkita ulit ano? How long has it been? 10..15 years? My God,” panimula niya.

“Oo nga eh, don’t worry sis. Magkikita naman tayo ulit next week eh. Blessing ng bagong bahay nina Mara, punta ka ha?” sabi ni Jenny.

Lalong palihim na tumaas ang kilay ni Maricel, aba, habang sila ni Rodel ay nakikitira sa biyenan niya.

Advertisement

“Wow. Good for you, ano yun, fully paid na?” pasimpleng usisa niya kay Mara.

“Naku hindi, hulugan iyon sa bangko. Down payment lang ang binayaran namin. Tapos unti-unti, 15 years.”

“Ah, akala ko pa naman fully paid. Alam mo kasi kami ni Rodel, ayaw kong kumukuha ng ganyan na hulugan. Imagine, matanda kana nagbabayad ka pa rin. Ang gusto namin kapag bumili ng bahay ay fully paid na para wala nang iisipin diba,” sabi niya.

“Gusto kasi ni Mara sis na habang bata sila may naipupundar diba,” sabi ni Airene.

“Oo nga pero pwede lang yun sa mga gipit at nagtitipid, yung hulugan diba. Tulad naman samin ni Rodel na may pera, ifu-fully paid na namin. Saglit lang naman makaipon ng nasa 3 million eh,” nakangising sabi niya.

Hindi na naman umimik ang mga kaibigan niya.

Makalipas ang isang linggo ay dumalo sa blessing ng bahay ni Mara si Maricel, pero syempre, nagpunta lang siya para magyabang at ipamukha sa kaibigan na mas mayaman siya dito. Na kaya niyang bayaran nang buo ang bahay at hindi tulad nitong hulugan.

Sa tuwing nagpo-post si Mara ng mga picture ng bahay nito sa Facebook ay nagngingitngit si Maricel. Kailangang mapatunayan niyang daig niya ito kaya naman dinoble niya ang pagtatrabaho para makaipon agad.

Advertisement

Pinwersa niya rin ang mister na mag-overtime palagi, kailangan sa loob ng 3 years ay may bahay na sila.

“Bakit ang aga mong umuwi?” asik ni Maricel kay Rodel isang gabi, alas siyete na at naghahain siya ng hapunan.

“Sobra ang pagod ko hon. 3 hours ang OT ko straight noong nakaraang Linggo, baka naman pwedeng pumalya kahit ngayon lang.” sabi ng lalaki na hinihimas ang dalawang sentido.

“My God, sana iniglip mo nalang saglit sa opisina para atleast andun ka pa rin. Bayad ka diba? Kaysa uuwi ka agad, di ka nag iisip.” iritang sagot niya, mas naisip pa ang pera kaysa sa kalagayan ng mister.

Hindi na umimik pa si Rodel dahil alam naman ng lalaki na sarado ang isip ng misis niya. Isang lang ang laman ng utak ng babae, ang magkaroon ng bahay.

Sa ngayon ay nasa 400,000 palang ang ipon nila sa bangko at tig-5 million ang napiling bahay ng misis niya.

“Ma, ma gising na. Mamaya pong 10am darating na ang pari,” nabungaran ni Maricel ang maamong mukha ng anak niyang si Casey.

Bumangon na ang babae, naligo at nagbihis. Ilang sandali pa ay nagdatingan na ang mga bisita. Ngayon kasi ang blessing ng bagong bahay nila. Sa wakas ay natupad rin ang matagal na niyang pinapangarap.

Advertisement

“Wow, ang ganda ng bahay nyo!” sabi ng tatlong kaibigan niya. Sa halip na matuwa ay malungkot na napangiti si Maricel.

Pasimple niyang pang pinahid ang luhang tumulo nang makita ang kaibigang si Mara, kasama nito ang mister at bitbit ang dalawang taong gulang na apo.

Oo, apo. Dahil ang target niyang 3 years para magkabahay ay nagtagal nang nagtagal hanggang 25 years na rin ang lumipas.

Pinwersa niyang mabuti si Rodel upang makaipon, na nangyari naman pero makalipas ang ilang taon ay nagkasakit ng leukemia ang lalaki at lagpas kalahati ng ipon nila ang nagastos mapagaling lang ang mister niya.

Mag-isa niyang itinaguyod ang anak niya at sa wakas ay nakapagtabi na rin siya ng pera para mabili itong bahay. Pero parang wala ring silbi ang lahat, dahil matanda na rin siya ngayon at may taning na ang buhay. Mayroon siyang tumor sa utak.

“Siguro ang saya-saya mo no,” sabi ni Mara sa kanya.

“Hindi Mara. Mas masaya ka, inggit na inggit ako sayo sa totoo lang. Maniwala kayo, sa ating apat, kayong tatlo ang pinakamayaman. Umikot ang buhay ko sa inggit at sa kagustuhang maungusan ang iba, wala palang silbi ang lahat.”

Walang masamang mangarap, pero kung kasama sa iyong hangarin ang makatapak ng iba ay hindi ka talaga magiging masaya.

Advertisement

Maiksi lang ang buhay natin sa mundo, huwag matakot sumugal- basta huwag itataya ang buhay at kalusugan ng iyong minamahal.