Ang Multo ni Inay

Isang linggo na ang nakakaraan nang mawala ang nanay ni Lorna na si Aling Ising. Sumakabilang buhay na kasi ito dahil sa biglaang atake sa puso. Hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin ang naiwan na pamilya ni Aling Ising, ngunit higit na nagdadalamahati ang anak nitong si Lorna.

Sa kanila kasing lahat, siya lamang ang wala sa bahay nila nang atakihin ang kanilang ina. Siya lang ang wala noong huling sandali ng kanyang ina. Ni hindi man lang nga nito nasulyapan na gising pa ang kanyang ina nang pumasok ito papunta sa trabaho.

Idagdag pa ang lahat ng sakit ng ulo na naidulot niya sa kanilang pamilya, lalong-lalo na sa kanyang ina. Siya nga ang maituturing na ‘black sheep’ ng pamilya. Madalas ay hindi niya sinusunod ang kanyang mga magulang, mahilig magbisyo at kasalukuyan ay tumutugtog siya sa isang resto bar sa Ortigas dahil mas hilig niya ito. Hindi ito suportado ng kanyang pamilya dahil si Lorna ay nakapagtapos ng kursong medisina ngunit hindi na niya itinuloy ang pagdodoktor.

Sa pagkawalang bigla ng kanyang ina ay labis itong nagdulot ng kalungkutan kay Lorna. Ilang gabi na rin nilang nakikita si Lorna na mag-isang nagsasalita at tila ba nakikipag-usap sa hangin.

“Nay, magdodoktor na po ako. Itutuloy ko na po ang pangarap niyo para sa’kin basta wag niyo lang akong iiwan,” wika ni Lorna na para bang may yakap-yakap itong hangin.

Noong una na ay pinagwawalang bahala lang nila ito, hanggang sa unti-unti na itong nagdala ng takot sa kanilang lahat.

“Ate Tess, tingnan mo sa inang oh! Linalabas ang mga bagong plato,” masyang turo nito sa sa kabinet sa may kusina na para bang tinuturo nito ang kanyang ina.

Kahit kinikilabutan sa takot ay hinahayaan na lang nila si Lorna, dahil baka ito lang ang paraan nito para malagpasan ang pagdadalamhati.

Advertisement

“Tay, umakyat ka na daw sa ka kwarto niyo sabi ni nanay,” sigaw nito mula sa taas ng kanilang bahay.

“Nak, wala na si nanay mo. pero sige paakyat na ako,” sagot naman ng kanyang ama na palaging pinapaalala sa kanya na lumisan na ang kanyang nanay.

“Nandito si nanay sa taas ‘tay, hinihintay ka,” sagot naman ni Lorna.

Hindi na alam ng mga kapatid nito kung anong nangyayari kay Lorna, siguro baka nga nagpaparamdam sa kanya ang kaluluwa ng kanilang ina. O baka naman iyon nililikha lang ng imahinasyon ni Lorna dala ng labis na pangungulila.

Hanggang sa unti-unti na din nilang nararamdaman ang ibang presensiya sa kanilang bahay, att isa-isa nilang napapanaginip si Aling Ising.

Sa huling sandali sa kanilang panaginip ay nagpaalam si Aling sa bawat isa sa kanila. Humingi rin ito ng paumanhin dahil pinagamba niya ang mga ito, dahil tunay nga siyang nagpaparamdam sa anak niyang si Lorna. Ipinaliwanag nito na baka makatulong iyon, para kahit papaano ay hindi malungkot at magsisi ang anak na wala siya ng mga sandaling iyon.

At sa huling pagkakataon, muling nakipag-usap si Aling Ising sa kanyang anak na si Lorna sa kanyang panginip.

“Nay, ‘wag ka nang aalis ha? Magdodoktor na po ako. Magpapakabait na ako at hindi na ako magbubulakbol. ‘Wag mo lang ako iiwan ha,” pagda-drama ni Lorna sa kanyang ina.

Advertisement

Sa tuwing magpaparamdam siya sa anak at magpapakita, lagi niyang sinasabi ang mga ito na para bang nagsisisi siya na hindi niya ginawa ang panagarap ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito.

“Anak, wag mo nang alalahanin pa ang nakaraan. Ang hindi ko man sinasabi sa’yo, pero anak ko, higit kitang pinagmamalaki sa lahat. Dahil ikaw, naging matapang ka na gawin ang bagay na gusto mo talaga, alam mo kung ano yung gusto mo at gumagawa ka ng paraan para maabot mo ang mga pangarap mo,” panimulang wika ng ina.

“‘Nak, wala na si nanay. Pero hindi ibig sabihin noon ay tapos na ang lahat. Mawawala man ako sa paningin mo, ngunit hindi ako mawawala sa tabi mo at nila tatay mo,” sabay yakap ni Aling Ising sa kanyang anak.

“Ipagpatuloy mo lang ang sinimulan mo, pinagmamalalaki kitang tunay anak. At kahit nasa man ako ay patuloy kitang ipagmamalaki kayalumaban ka lang. Panunuorin kita mula sa taas,” wika ni Aling Ising hbaang unti unti ng naglalaho ang anino nito.

Pagkagising ni Lorna, walang tigil na tumutulo ang mga luha nito. At sa unang pagkakataon ay unti-unti niya nang natatanggap ang biglang paglisan ng kanyang ina.

Agad naman siyang nalapitan ng kanyang ama at sinabing…

“Anak, sa buhay darating talaga ang hangganan. May aalis at may maiiwan, ngunit lagi mong tatandaan anak. Hindi lahat ng umaalis ay mag-iiwan lang ng sakit. Tulad ng pag-alis ng iyong ina, nag-iwan naman ito ng pagmamahal na tunay na lagi natin daldalhin habang nagpapatuloy sa buhay.”

Mula noon ay nawala na ang mga kakaibigang nakikita ni Lorna sa kanilang bahay. Hindi na rin nagpaparamdam si Aling Ising sa kanila. Alam niya sa kaniyang puso na tuluyan na itong umakyat sa langit at namahinga. Sa paglisan ng ina, baon-baon lahat nila ang pagmamahal nitong hindi nagmamaliw.

Advertisement

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.