Binilhan ng Bata ng Kabaong ang Aso Niyang May Taning na sa Buhay, Siya Pala ang Gagamit Nito sa Huli

Bata palang ay madalas nang mag-isa si Noah. Ito ay dahil madalas na parehong nasa trabaho ang kanyang mga magulang. Kung kaya naman ang palagi niya lamang kasama ay ang kalaro’t alaga niyang aso na si Finn.

Halos hindi sila mapaghiwalay ng aso niya. Simula ‘ata nang mag-isang taon siya ay tila na-love at first sight siya dito at pinagpilitan niya umano sa mga magulang na ampunin ang noo’y asong kalye na alaga.

Hanggang ngayon na limang taong gulang na siya ay si Finn pa rin ang natatanging kalaro’t kausap niya sa bahay sa tuwing nag-iisa siya.

“Finn laro tayo! Habulan tayo sa labas ng bahay!” yaya niya sa kanyang alaga.

Agad naman itong kumahol na tila nakakaintindi. Tuwang-tuwa silang naglaro sa labas ng kanilang bahay. Habulan dito at tawanan doon. Masayang-masaya ang bata. Hindi niya akalaing sa anyo ng isang aso niya makikita ang tunay na kaibigan.

Hanggang sa isang trahedya ang mabalitaan ng pamilya ukol sa kanilang aso. Nagkasakit kasi ito at kinailangang dahil sa beterinaryo.

“May tumor ang alaga niyo. Siguro’y bibilang nalang tayo ng isang taon para makasama niyo siya.”

Iyak nang iyak ang batang si Noah. Sa murang edad niya ay naintindihan niya na ang ibig sabihin ng doktor. Hindi niya alam kung paano mabubuhay kung wala ang best friend niyang si Finn.

Advertisement

“Kaya mo ‘yan anak, ibibili ka nalang namin ng bagong dog mo kapag nawala si Finn,” ika pa ng nanay niya.

Ngunit hindi siya makapapayag na ganun-ganon nalang mawawala ang kanyang alaga. May isang taon pa siya para bigyan ito ng napakagandang regalo. Nag-ipon siya sa loob ng ilang buwan at bumili ng cute na kabaong para sa aso.

“Regalo ko sayo ‘to Finn para sa pag-alis mo maganda ang sasakyan mo,” ika niya sa alagang aso nang madeliver ito sa bahay nila.

Wala ulit ang mga magulang niya noon kaya itinago niya muna iyon sa kanyang kwarto. Ngunit sa paglabas niya mula sa kwarto ay naabutan niya ang mga magulang na nagtatalo. Narinig niyang pinapalayas ng kanyang ina ang papa niya.

Hindi naman ito nagpatumpik-tumpik at nag-empake, maya-maya’y agad na lumabas ng bahay. Nasaktan siya sa nakitang senaryo.

Masakit na para sa kanya ang kaalamang iiwan siya ng kanyang aso, hindi na siya makapapayag na iwan rin siya pati ng sariling ama. Kaya naman hinabol niya ang papa niya sa labas. Kahit umuulan ay tumakbo pa rin siya palapit dito.

Ngunit isang malakas na busina ang sumalubong sa kanya sa kalsada. Naging mabilis ang pangyayari at nasagaan ang musmos na si Noah.

Labis ang pagsisisi ng kanyang mga magulang sa pagkawala niya. Nakita pa ng mga ito ang kabaong na binili niya para sana sa kanyang aso na mukhang siya na ang gagamit.

Advertisement

Iyak nang iyak ang parehong magulang ng bata. Ngunit mas naiyak sila nang makita kung gaano kalungkot ang aso na naiwan ng anak nila.

Palagi itong nakatingin sa labas at kapag binubuksan nila ang pintuan ay palagi itong nakatayo sa lugar kung saan nilang madalas paglaruan ng batang amo. Tila mas nagluluksa ito sa pagkawala ni Noah.

Tunay ngang kahit hayop ay may damdamin para sa mga taong nagmahal sa kanila.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.