Dahil sa Kahirapan ng Buhay ay Naisip na Tumigil ng Dalaga sa Pag-aaral, Ngunit May Munting Sorpresang Hinanda ang mga Guro Niya Para sa Kanya

Pumanaw ang ama ni Alicia dahil sa sama ng loob, naloko kasi ito ng kasosyo sa negosyo na itinuring na ring kaibigan.Pagkatapos non ay naghirap na ang kanilang pamilya, muntik pa nga syang hindi makapasok ng kolehiyo.

Mabuti na lang na mabait ang dati nilang kasambahay at sinabi nitong kailangan ng tindera sa isang tindahan ng dati nitong amo sa Ermita. Masakit man sa pride ay nilunok iyon ni Alicia para kahit paano ay makatulong sa nanay niya, at para na rin makapag aral. Nag aaral siya sa umaga, tindera at katulong naman sa gabi. Pero hindi siya sinuwerte sa amo, late itong magbigay ng kakarampot na sahod at ang pangakong libre pakain ay madalas hindi natutupad.

Dumating sa puntong toyo ang inuulam niya sa kanin lamig na hiningi niya lang sa karinderya.

Naranasan niya na ring mag 1 2 3 sa jeep o iyong magpapanggap na nagbayad na kahit hindi naman talaga. Alam niyang masama iyon pero walang wala siya talaga at gusto niyang pumasok.

Isang araw kasasahod lang ni Alicia nang pagkapa niya sa bulsa ay wala ang kanyang pitaka. Nanlumo siya nang maalala ang lalaking gitgit nang gitgit sa kanya, nanakawan siya!!!

Advertisement

Ano ba ang ginawa niyang masama para anihin ang ganito? Diyos ko po ano ho bang nangyayari sa buhay ko, hirap na hirap na po ako.

Maghapong tulala si Alicia sa eskwela dahil sa nangyari. Siya ang pinakamatalinong estudyante sa klase kaya nabahala si Ma’am Velez sa inaasal nito ngayon.

“Miss Olivo, may problema ba?” hindi napigilang tanong nito habang naka-break ang mga kaklase, si Alicia naman ay nasa klase lang dahil wala naman siyang pambili ng pagkain.

“Ma’am di na ako papasok.” maluha luhang sagot nito.

“Bakit?!” gulat na tanong ng guro.

“Pagod na ako ma’am. Pagod na akong magutom.. Pagod na akong mag 1 2 3. Pagod na akong ipaglaban itong pag aaral ko. Magtatrabaho na lang ako para makatulong talaga sa nanay ko.” iyon lang at lumabas ng klase ang dalaga habang umiiyak.

Kinabukasan ay bumalik si Alicia sa eskwelahan para isoli na ang mga libro, pinatawag siya ng guro sa Faculty ng mga ito.Akala niya ay papagalitan siya, pagdating niya roon ay nakatingin lahat ng guro at may di maipaliwanag na ekspresyon sa mukha.

Advertisement

Nakatungo lang siya nang lumapit si Ma’am Velez, inabot nito sa kanya ang isang sobre. Pagbukas ni Alicia ay pera ang laman.

“Ma’am ano h-ho ito?” gulat na tanong niya.

“Baon mo. Nag ambagan kami para sa iyo Alicia. Wag mong sukuan ang edukasyon. Matalino ka.. Mag aambagan kami linggu linggo para maitawid na sana wag kang panghinaan.”

Naluha sa sobrang saya si Alicia, lumakas ang loob niyang magpatuloy sa buhay. Ginalingan niya lalo sa pag aaral at ngayon ay isa na siyang successful na Principal sa isang magandang eskwelahan, habang buhay niyang tatanawing utang na loob iyon sa mga gurong hindi siya sinukuan.

Ano ang napulot mong aral sa kwento ni Alicia? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.