Masayang Nanloloko ang Babaeng Kabit ni Mister, Pero Isang Pangyayari ang Magpapabago sa Isip Niya at Mag-uudyok na Tapusin na ang Bawal na Relasyon

Maganda, sexy, makinis, maputi at talaga namang kahit na sinong lalaki ay mapapalingon sa kanya. Matinis at malandi ang kanyang mga tawa na nagbibigay init sa mga kalalakihang makakarinig. Siya si Malena, 25 taong gulang, isang kabit. Noong simula ay pera lang ang habol niya kay George, mayaman kasi ang lalaki, maraming business at hindi naman ganoon katanda, sa totoo lang, si George ay 39 taong gulang pa lamang. Pero nang tumagal ay unti unti nang nahulog ang loob ni Malena sa lalaki, maginoo kasi ito.

At talaga namang gwapo.

“Babe, kailan mo ba kasi sasabihin kay Margaret? Iwanan mo na siya, hindi ka ba masaya sakin? Kulang pa ba?” pagmamaktol niya rito habang magkatabi sila sa kama. Katatapos lang nilang pagsaluhan ang init ng kataksilan.

“Dadating tayo dyan Len, wag kang magmadali.” sabi naman ni George.

Napasimangot naman si Malena, iyon na lang kasi ang laging sinasabi nito sa kanya. Malinaw naman din sa kanya na hindi nito iiwan ang asawa at pinapangakuan lang siya para manahimik na. Pero masama bang umasa ang babaeng nagmamahal?

May isang anak si George, hindi niya pa nakikita ang bata pero ang misis nito ay nakasalubong niya na sa isang event.

Kawawang babae, walang kaalam alam na tutuklawin na siya ng ahas. Nakangisi si Malena habang iniisip iyon.

Isang araw ay napagkasunduan ni George at Malena na magkita sa mall, 8pm ang kanilang call time para malapit nang magsarado at wala nang masyadong tao. Namuti na ang mata ni Malena kahihintay pero walang George na dumating. Nagsarado na ang mall at walang choice ang babae kung hindi ang maghintay sa labas, biglang nag ring ang cellphone niya, si George.

Advertisement

“Sorry, something came up. Di ako makakapunta.” sabi lang nito.

“Ano?! Bakit di mo sinabi ng mas maaga? G*go ka pala eh, pinaghin-” at binabaan na siya nito ng telepono. Napamura pa muli si Malena at ibinalik na ang cellphone sa bag. Akmang papara na siya ng taxi nang isang lalaki ang tumatakbo at hinablot ang bag niya.

Nanakawan siya!

“Anak naman ng Pu-” napahinga ng malalim si Malena, bakit ba siya minamalas ng ganito?!

Habang ang ibang tao ay masayang nag uuwian ay naroon siya sa isang gilid, nakatayo at parang basang sisiw. Wala siyang pera, cellphone, at kahit na ano. Malayo sa mall ang condo na ibinili ni George sa kanya.

“Miss are you okay?” napalingon na lang siya nang marinig ang boses na iyon ng isang babae. Pagtitig niya ay nagulat siya nang makita si Margaret sa loob ng kotse, nasa driver’s seat ito at nasa passenger’s seat naman ang anak nito.

“Tara na, ihahatid ka na namin.” sabi nito ulit sa kanya. Ayaw sana ni Malena pero wala siyang choice, tutal, hindi rin naman siya kilala ni Margaret kaya ayos lang yun. Tanga! Sa isip isip niya.

Habang byahe ay tinanong siya ng mag ina kung ano ang pangalan niya, at kung masama ba ang pakiramdam nya dahil naulanan siya. Noong una ay naiirita pa si Malena pero gumaan ang loob niya dahil sa kabaitan ng babae.

Advertisement

“Alam mo tita, may condo rin ang dad ko dyan sa tinitirahan mo po. Madalas nga andyan lang siya eh, nasa-sad po ako kasi wala na time si daddy sa amin.” kwento ng bata bago bumaba ng kotse si Malena.

Pagpasok niya sa loob ng condo ay tulala ang babae, ano ba itong nangyayari sa kanya? Maya maya ay tumunog ang pinto niya, tiyak niyang si George iyon dahil ito lang naman ang may duplicate na susi.

At tama siya, naroon ang lalaki. Biglang pumangit ang tingin niya rito, maging sa sarili niya.

“Sorry kanina babe, nagtext kasi sa akin si Margaret na nandun sila sa mall kaya hindi na ako nagpunta. Alam mo naman kahit tanga yun mahirap na baka mahuli tayo,” sabi nito na hinihimas himas pa ang balikat niya.

Pero nakapagdesisyon na si Malena, pinalis niya ang kamay ng lalaki.

“Ayoko na, ayusin mo ang buhay mo, at ang pamilya mo.” Sabi niya at tinalikuran na ito para mag empake.

Inusig siya ng kunsensya at hindi niya pala kayang makasira ng pamilya. Kahit hindi siya sigurado kung magtitino na si George, maligaya siya na nakawala na siya sa bisig nito at hindi na siya instrumento para makasakit ng ibang tao.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.