Hindi na Tinantanan ng Panghuhusga at Masasakit na Salita ang Dalaga Dahil Nabuntis ng Maaga, ang Hindi Alam ng Marami ay May Madilim Siyang Nakaraan

Laman nang usap usapan si Lulu sa kanilang barangay dahil sa edad na 17 ay buntis na siya. Kabuwanan na niya ngayon at tuwing lalabas siya ay halatang halata ang mga matang nakamasid na alam niyang hinuhusgahan siya, minsan nga ay hindi pa nakakatiis ang mga ito at harap harapang sinasabing “Malandi yan, kabata bata eh.”

Tahimik lang naman ang dalagita at ang mga magulang niya. Kahit kailan ay hindi siya sumagot sa mga nanghuhusga sa kanya, hihimasin niya lang ang tiyan at kapag sumipa ang laman niyon ay mapapanatag na ang loob niya, ngingiti siya na may kasamang lungkot.

“Anak, handa ka naba?” tanong ng kanyang ama, nasa tabi nito ang kanyang ina na halatang nag aalala rin.

“Oo naman po. Ginusto ko naman to eh. Tsaka hindi nyo naman ako iiwan diba?” sabi niya sa mga magulang.

“Oo naman! Tandaan mo na mahal ka namin. Mahirap maging nanay pero hanga kami sayo.” sabi naman ng kanyang ina.

Marami rin ang naiinis sa mga magulang niya, kinukunsinti raw kasi siya sa kalandian. Hindi man lang pinarusahan ang dalagita.

“Kung ako yan ay pinalayas ko na!” sabi ng isang tsimosa minsang mapadaan ang kanyang ina.

“Paano papalayasin eh baka nagmana sa kanya, ang kakati.” sagot naman ng isa. Tahimik lang naman ang kanyang ina at tuluy tuloy na naglakad pauwi.

Advertisement

Ngayon ay narito sa ospital si Lulu, masakit na ang tyan at manganganak na. Maya maya pa ay ipinasok na siya sa delivery room at doon ay isinilang niya ang isang healthy baby boy.

Pagkagising ni Lulu sa kanyang kwarto sa ospital ay agad niyang hinanap ang anak, naroon sa tabi niya ang kanyang ama at ina.

Maya maya ay pumasok ang nurse bitbit ang baby.I niabot iyon sa kanya, binuhat ni Lulu ang sanggol na may luha ng tuwa at lungkot sa kanyang mukha.

“Anak, mahal kita..”bulong niya rito.

“Lu, bilib kami sayo anak. Napakatapang mo, binuhay mo ang sanggol sa kabila ng lahat.” sabi ng kanyang ina.

“Wala siyang kasalanan ma. At anak ko siya kahit anong mangyari. Ang mahalaga ay nakakulong na ang lalaking iyon…

Ang lalaking nanggahasa sa akin.” halos pabulong niyang sabi.

Pinagsamantalahan pala ng isang kaklase si Lulu at ang sanggol ang bunga niyon. Sa kabila ng kahihiyan at trauma ay pinili niyang buhayin ang bata. Ito ay isa sa mga halimbawa na dapat ay huwag magpadalus dalos sa panghuhusga sa kapwa dahil bawat tao ay may kani kaniyang pinagdadaanan, na hindi natin alam.

Advertisement

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.