Pinagtsitsismisan ang Babaeng Drayber ng Traysikel, May Lihim Pala Itong Itinatago

Alas singko pa lang ng umaga ay gising na si Annabelle para ihanda ang pampasada niyang traysikel.

(photo for illustration purposes only.)

Tampulan siya ng tukso sa kanilang lugar dahil ke babae niyang tao ay pumapasada siya ng traysikel. Sabi pa ng mga matatanda ay dapat ang babaeng kagaya niya ay pumipirmi sa bahay.

“Ale, sakay po kayo?” tanong niya sa isang babae na may dalang pinamili.

“Teka, ikaw ang magmamaneho nitong traysikel?” tanong ng kausap.

“Opo, ako ang drayber,” aniya.

Pinagmasdan muna siya ng babae mula ulo hanggang paa bago sumakay ng traysikel.

Hindi kasi makapaniwala ang babae na isa ring babae ang magmamaneho.

Nang maihatid ni Annabelle ang pasahero sa sinabi nitong destinasyon ay agad siyang bumalik sa pinanggalingan para mag-abang pa ng ibang pasahero.

Advertisement

Sa umpukan ng mga tsismoso at tsismosa ay usap-usapan ang ginagawa ni Anabelle.

“Kay gandang babae pero namamasada ng traysikel? Isang malaking kalokohan!” wika ni Mang Godo.

“Ano ba kasi ang naisipan niyang si Annabelle at ginagawa ang trabaho lang na para sa lalaki?” sabad ni Aling Mameng.

(photo for illustration purposes only.)

“Kursunada pa naman siya ng panganay kong anak, pero nung malamang namamasada ng traysikel ay nawalan ng gana ang anak ko sa kanya,” sabi ni Mang Rene.

“E, baka naman tomboy ang babaeng iyan?” gatong ni Aling Uding.

Sa samo’t saring tsismis na ibinabato sa babae ay mayroon isang humahanga rito, at iyon ay si Franzen. Kapwa niya traysikel drayber na may lihim din na pagtingin kay Annabelle.

Isang umaga habang nakapila sa paradahan ng traysikel ay kinausap niya ang babae.

“O, Annabelle, naka-ilang ikot ka na ba?” tanong niya rito.

Advertisement

“Naku, dalawa pa lang mukhang matumal ang mga pasahero ngayon,” anito.

“Alam mo bilib ako sa iyo, kasi babae ka tapos nakakaya mong pumasada ng traysikel? Hindi rin biro ang trabahong ito.”

“Bakit, kayong mga lalaki lang ba ang kayang maging traysikel drayber? Iba na ang panahon ngayon, kaya na ring gawin ng mga babae at kayang gawin ng mga lalaki.”

“Kaya nga saludo ako sa iyo, e!” puri niya rito.

Maya-maya ay may matabang lalaking pasahero na lumapit kay Annabelle.

“Miss, puwede bang sumakay sa iyo?” anito na nakangisngis.

“Saan po kayo, sir?”

“Sa langit, miss kaya ihatid mo na ko dun!” sabay tawa ng malakas.

Advertisement

Nagpantig ang tainga ni Annabelle sa sinabi ng matabang lalaki.

(photo for illustration purposes only.)

“Kung hindi po kayo sasakay ay maaaring huwag niyo akong istorbohin!” sabi niya sa mahinahon pa ring boses.

“Ang taray mo naman, miss! Magkano ba at magbabayad ako kahit magkano?” sarkastikong tanong nito.

“Hindi po ako katulad ng iniisip niyo. Matino akong babae kaya lubayan niyo na ako! Bastos!”

Lingid sa kaalaman ni Annabelle ay kanina pa sila pinagmamasdan ni Franzen. Hindi na nakatiis ang lalaki at sumabad na usapan ng dalawa.

“Bakit, anong nangyayari dito, Annabelle?” tanong ng lalaki.

Nang biglang nagsilapitan na rin ang iba pang traysikel drayber na naroon.

“W-wala, s-sige diyan na kayo!” takot na sabi ng lalaki at nagmamadaling lumayo sa puwesto nila.

Advertisement

“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang wika ni Franzen.

“Okay lang ako, salamat Franzen!”

“Iyan na nga ba ang sinasabi ko, e. May makakatagpo kang pasahero gaya ng lalaking iyon na babastusin ka, kaya nag-aalala ako sa iyo!”

“Hindi mo ako kailangan alalahanin, kaya ko ang sarili ko. Kung hindi ka nga humarang sa amin ay nasuntok ko na ang mukha ng manyak na iyon!”

“Basta, kapag may nambastos sa iyo dito, sabihin mo lang sa akin o sa mga kasama natin, ha?”

“Oo na po!” aniya na may halong kilig ang tono.

Habang nakikilala nina Annabelle at Franzen ay isat’ isa ay di sinasadyang magkaroon din ng pagitngin ang babae sa lalaki. Bukod sa mabait at responsable, ay mapagmahal din si Franzen sa pamilya na isa sa gusto ni Annabelle sa isang lalaki.

“Matagal na tayong magkakilala, at alam mo rin ang nararamdaman ko sa iyo, Annabelle. May pag-asa ba ako sa puso mo?” tanong ng lalaki.

Advertisement

“Aaminin kong may nararamdaman na rin ako sa iyo, Franzen pero may gusto muna akong ipagtapat sa iyo.”

“Ano iyon, Annabelle?”

“Sumama ka akin!” yaya nito sa kanya.

(photo for illustration purposes only.)

Dinala siya ni Annabelle sa bahay nito. Nang kumatok ito sa pinto ay nagulat siya kung sino ang nagbukas niyon.

“Ma, buti po dumating na kayo!” nakangiting bati ng batang lalaki na nasa edad pito hanggang walong taong gulang at nagmano kay Annabelle.

“M-may anak ka na?” gulat na tanong ni Franzen.

“Oo, si Luigie, anak ko sa dati kong nobyo na iniwan ako matapos akong mabuntis. Namamasada ako ng traysikel para may panggastos kaming mag-ina sa araw-araw. Buti na lang at tinuruan ako ng yumao kong ama na magmanaeho kaya nagagamit ko ngayon para pagkakitaan,” bunyag nito.

Sa nalaman ni Franzen ay mas lalo siyang humanga kay Annabelle Ipinakita nito ang katatagan bilang babae at bilang ina sa kabila ng mga pinagdaanan nito sa buhay. Kaya mas lalo siyang napamahal rito.

Advertisement

“Isang kang dakilang babae at ina, Annabelle. Ipinagmamalaki kita, mahal!” aniya sa malambing na tono.

“Ay ‘sus, binola mo pa ako! Mahal ka riyan, ‘di mo pa nga nakikilala itong future son mo, e! Luigie, meet Tito Franzen!”

“Hi po! Ma siya po ba ang bago kong daddy?” tanong ng bata.

(photo for illustration purposes only.)

Napakamot sa ulo si Franzen, ‘di pa nga siya sinasagot ni Annabelle ay may instant anak na agad siya.

‘Di nagtagal ay naging opisyal silang magkasintahan at kalaunan ay ikinasal para magsama sa hirap at ginhawa. Hindi na pinayagan ni Franzen ang asawa na mamasada ng traysikel sa halip ay siya na ang nagtatrabaho para sa kanyang mag-ina.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!