Nanlalaki si Misis dahil Di Siya Mabigyan ng Anak ni Mister, Sa Huli ay Nasira ang Buhay Niya

Anim na taon nang nagsasama sina Lorna at Marlon, pero hindi pa rin sila binibiyayaan ng supling. Dahil doon kaya nagsisimula nang manlamig si Lorna sa mister niya. Aba, tiyak niyang wala sa kanya ang diperensya. Palagi niya na ring pinaghahanapan ito, kahit pa dalawa lamang sila ay hinahanapan niya ito ng malaking kita sa pagta-tricycle.

“Eto ba? Eto ba ang pinangako mong bibigyan mo ako ng maginhawang buhay? Ano na? Asan na? Nag abroad ka nga, wala rin namang nahita!” padabog na pagbubunganga niya isang umaga.

“Pasensya kana, dami na rin kasing namamasada rito sa lugar natin,” nakatungong sabi ng lalaki habang kumakain. Araw araw ay tinitiis niya ang masasakit na salitang pinapakain sa kanya ng babae dahil mahal na mahal niya ito.

Hindi rin totoong walang nahita ang pag aabroad niya, dahil kung tutuusin, nabilhan niya ito ng lupa at sariling bahay.

“Asus, pasensya pasensya, mas marami pa ang kinakain mo kaysa sa kinikita mo! Alam mo pag di ako nakatiis, lalayasan na kita,” sabi ni Lorna. Hindi alintana na ang mister niya ang nagpapasok ng pera sa bahay nila, kaya pati kinakain nito ay sinisilip niya.

Laglag ang balikat na umalis ang lalaki sa bahay, “Ayan, mabuti yan pumasada ka at nang makarami ka. Nagsasawa na ako sa adobo, patikimin mo naman ako ng masarap na ulam galing sa restaurant!” sigaw ng ambisyosang si Lorna.

Paglabas na paglabas ng mister niya ay itinext niya si Pedring, ang kumpare nila.

Wla na si shunga, pnta kn

Advertisement

Wala pang isang oras ay kumatok na ang lalaki sa pintuan nila. Saktong kaliligo niya lang, parang gutom na tigre itong agad siyang sinunggaban. Nalaglag naman ang tapi niyang twalya.

“G*go, baka makita tayo ng kapitbahay, dito tayo sa loob,” malanding sabi niya.

Napapangisi naman ang lalaki na binuhat siya patungo sa kwarto, at doon ay pinagsaluhan nila ang init ng panloloko.

“Sa loob mo ba nilagay?” tanong ni Lorna habang hinihimas ang dibdib ni Pedring, nasa kama sila ngayon na pinaghirapang bilhin ni Marlon.

“Oo naman, gusto mong buntisin kita diba? Di mo natatanong, 3 pointer ako. Siguradong sigurado, shoot yan,” sabi nito at hinalikan siya ulit.

“Pag nabuntis ako, alis na tayo dito ha? Bumuo tayo ng pamilya kasama ang anak natin,” puno ng pag asa na sabi niya. Di na sumagot ang lalaki at kinubabawan na siyang muli.

Di nagtagal, nabuntis nga si Lorna. Tuwang tuwa si Marlon sa pag aakalang kanya ang bata. Triple kayod siya upang maibigay ang pangangailangan ng mag ina, mapa-check up, vitamins, gamit ng bata ay kumpleto. Di baleng magkautang utang.

Si Lorna naman ay masayang masaya, pero agad napawi ang ngiti niya nang bigla na lamang hindi na magparamdam si Pedring, niloko lang siya nito.

Advertisement

Isinilang niya ang bata pero wala siyang gana sa sariling anak, tanging si Marlon lamang ang tutok rito.

“Lintik, ang hirap na nga ng buhay ay nadagdagan pa!” asik niya, hinehele ng kanyang mister ang sanggol na lalaki.

Isang gabi ay di na natiis pa ni Lorna, lumayas na siya sa kanila. Wala na siyang pakialam sa anak niya, lalo na kay Marlon. Maghahanap siya ng lalaking kaya siyang iahon sa hirap.

Sinubukan siyang hanapin ng lalaki pero tinaguan niya ito, ang huling balita niya ay namamasada raw si Marlon kasama ang anak. Angkas nito ang bata sa unahan sa kainitan ng tanghali, kinaya ng lalaki na buhayin ang bata.

Makalipas ang maraming taon, walang nahita si Lorna. Bigo siya sa paghahanap ng lalaking papatol sa kanya, palagi siyang ikinakama lang tapos iiwanan na. Naisip niyang balikan si Marlon at kunin ang bata, baka pag ibinenta niya sa foreigner ay yumaman siya. Tutal, siya naman talaga ang may karapatan sa anak.

Sinubukan niyang kumatok sa bahay nila, sinalubong siya ng isang bata siguro ay trese anyos na, kamukha niya ito.

“Tay may naghahanap,” sabi ng bata.

Lumabas si Marlon, gulat na gulat ito nang makita siya.

Advertisement

“Kukunin ko ang anak ko,” sabi ni Lorna. Hindi sumasagot si Marlon, ang bata naman ay nagtago sa likod ng lalaki.

Nagpatuloy si Lorna sa pagsasalita, “Alam mo bang hindi mo sya anak? Anak namin sya ni Pedring, maski ipa-DNA test mo pa!” sigaw niya.

“Alam ko,” simpleng sabi ng lalaki. Gulat na gulat si Lorna, all this time ay alam pala ng mister ang panloloko niya. Hindi siya makasalita.

Nagpatuloy si Marlon, nakangiti ito, “Noong umalis ka ay natuklasan kong baog ako Lorna, pero minahal ko na ang bata at itinuring na akin. Kung gusto mo, papiliin natin sya, anak gusto mo bang sumama-“

“Ayoko po.” mabilis na sagot ng bata di pa man din natatapos ni Marlon ang tanong.

“Hindi kita binabawalang kunin ang anak mo Lorna, basta sana ay maayos ang buhay mo. Dahil kapag napariwara sya, tandaan mong kasal pa rin tayo at pwede kitang idemanda ng panlalalaki.”

Sa takot ni Lorna ay tumalikod na lang siya, tila pinatibay ng tadhana ang loob ni Marlon. Bigo siya sa masamang plano sa bata.

Kalaunan ay nagsisi rin siya, naisip niyang sinayang niya ang pagmamahal ng mister. Kung sana lang ay naging matapat siya, hindi sana ganito ang buhay niya ngayon.

Advertisement

Si Marlon naman ay masayang namuhay kasama ang bata, totoo namang hindi siya tututol na kunin ni Lorna ang anak, basta ba masiguro niya lamang na maayos ang lagay ng bata dahil napamahal na rin ito sa kanya.

Makalipas ang ilan pang taon, wala nang balita si Marlon kay Lorna, naka-graduate na ang anak niya at nakakuha ng magandang trabaho sa Maynila. Mahal na mahal siya ng bata kahit pa hindi siya ang tunay nitong ama, sa katunayan ay ibinili sya nito ng maraming tricycle kaya hindi na siya lumalabas, marami nang mga driver ang buma-boundary sa kanya.