Hindi Naniniwala ang Lalaking Ito na Mayroong Diyos; Isang Aksidente ang Nagsiwalat sa Kanya ng Katotohanan

Isang hiwaga ang naganap sa buhay ni David nang minsan siyang nalagay sa matinding pagsubok. Mayaman si David, matulungin at may busilak na puso pero kahit na ganoon ay hindi siya naniniwalang may Diyos.

Isang gabi habang pauwi ay sumalpok sa kaniyang sinasakyang kotse ang isang malaking trak nang mawalan ng preno. Tila ba napakabilis ng pangyayari nang gabing iyon.

Napakalaking pinsala ang tinamo niya sa kanyang katawan. Masuwerte na lamang siya dahil buhay pa siyang nakarating sa ospital, iyon nga lang eh, nalagay siya sa intensive care unit dahil wala siyang malay.

Ang sabi ng mga doktor na sumuri ay comatose daw ang lalaki at hihintayin na lamang na magkaroon ito ng malay. Matinding obserbasyon at pag-aalaga ang kailangan niya dahil sa maselang kalagayan.

Nang magmulat ang mga mata ni David ay isang nakakasilaw na liwanag agad ang bumungad sa kanya. Wala siyang ibang makita kundi putting liwanag lamang.

“Nasaan ako?” tanong niya sa sarili, “anong ginagawa ko dito? Bakit wala akong ibang makita dito?”

Parang isang tuldok lamang siya sa laki ng liwanag na nakikita. Isang walang katapusang puting ilaw ang bumabalot sa kanya.

“David,” isang boses ang kanyang narinig na parang tumagos sa kanyang kalooban.

Advertisement

“Sino ka?” tanong ng lalaki.

“Ako ang Alpha at Omega. Ang una at ang huli, ang simula at ang wakas,” muling tugon ng boses na kanyang naririnig.

“Hindi kita kilala. Magpakita ka sa akin,” sabi pa ng lalaki.

“Ngayon ay makikilala mo Ako, David. Ako ang lumikha ng langit at lupa, sa akin kayo nagmula at sa akin din kayo magwawakas. Ngayon ay nasa yakap kita David, kaya huwag kang matakot,” muling saad ng boses na kanyang naririnig.

“Paumanhin, ngunit hindi ko kilala ang sinasabi mong ikaw,” mahinang tugon ni David.

“Ako ang Diyos na tinalikuran mo David, Ako ang Diyos na nag-iintay ng muli mong pagbabalik sa aking presensya.”

Tila ba tumatagos ang bawat salitang binibigkas sa kanya ng boses na naririnig. Hindi naman siya makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nandito, at kung bakit tila wala siyang maalala.

“Bakit ako nandito? Anong nangyari sa akin?” muli niyang tanong.

Advertisement

“Nandito ka ngayon upang mamili ng direksyong tatahaking muli.”

Biglang nagliwanag pa ng sobra ang paligid, kaya’t napapikit na lamang si David, at sa kanyang pagpikit ay nakita niya ang pangyayari sa aksidente, parang nasa isang telebisyon ang lahat.

Nakikita niya ang sarili na nakaratay sa kama ng ospital at walang malay. Hindi niya maipalawanag na tila ba ay panaginip lang ang lahat.

“Ngayon ay ipapakita ko sayo ang dalawang destinasyong patutunguhan ng tao kapag nilisan na nila ang mundo,” tila ba ay dumadagundong ang mundo ni David sa bawat salitang naririnig niya mula sa misteryosong boses.

Dalawang pintuan ang nasa kanyang harapan. Isa ay gawa sa ginto at ang isa ay gawa sa kahoy.

“Ngayon, ay mamili ka ng isang pintuan, bawat pinto ay may katotohanang isisiwalat sa iyong mga mata.”

Hinawakan niya ang gintong pintuan at saka ito binuksan. Nang makapasok siya ay tila ba gusto na agad niyang lumabas sa init na nadarama. Para siyang iniluluto sa loob ng pugon dahil sa init na nararamdaman.

“Ano ito?” tanong niya sa kanyang sarili.

Advertisement

Napakaingay ng lugar at tila ba tanging sigaw ng nahihirapang mga tao ang naririnig. Sinimulan niyang lumakad upang makita ng buo ang lugar.

Unang tumambad sa kanya ay mga nakakatakot na nilalang na may sungay. Tawa nang tawa ang mga ito habang pinapanood ang isang lalaking uhaw na uhaw sa tubig at gutom sa pagkain.

Nakagapos ang lalaki sa umuusok na kadena habang ang tubig at masarap na pagkain ay nasa harapan at hindi niya maabot-abot. Bakas ang hirap na dinaranas nito. Ang lalaking iyon ay naging maramot at sakim sa pagkain noong siya ay nabubuhay.

Napatakbo si David sa sobrang takot, ngunit sa kanyang pagtakbo ay mga taong paulit-ulit na binabalatan naman ang kanyang nakita.

“Ayoko na!” sigaw ng mga tao, “napasakit, tigilan niyo na!” iyak pa ng mga ilan dito.

Habang binabalatan ng buhay ay binubuhusan ang mga ito ng kumukulong tubig, ngunit ang tunay na nakakaawa ay paulit-ulit itong nagaganap sa kanila. Ang mga taong ito ay mamamatay tao, at magnanakaw daw noong nabubuhay.

Hindi niya matiis ang nakikita kaya’t umalis siya doon. Sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang kumpulan ng mga taong nakatali ang mga paa’t kamay habang tinutusok ng malalaking sibat ang pribadong bahagi ng katawan.

Kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano tusukin ng malaking sibat ang ari ng isang nakahubad na babae. Paulit-ulit itong ginagawa sa kanya habang siya ay nagsusumigaw sa sakit. Nagbenta daw ng laman at naging kabit ang babaeng ito noong nabubuhay pa.

Advertisement

Labis na takot na ang kanyang nadarama dahil tila ba ay walang katapusan ang pahirap sa lugar na ito. Napakaraming tao ang naliligo sa lawa ng apoy. Iba’t ibang kaparusahan para sa iba’t ibang kasalanan.

Ang huli niyang nakita ay ang lalaking walang paningin, nakatayo ito sa isang mataas na lugar kung saan isang maling hakbang lamang ay mahuhulog ito sa bitag ng kamatayan. Malalaki at matatalas na bagay ang kanyang babagsakan kasunod ng paglamon ng kumukulong putik.

Ibang takot ang nadama niya ng matitigan ang lalaking walang paningin, walang iba kung hindi..siya.

Nakikita niya ang sarili.

“Paano?” tanong niya sa sarili.

Noong nabubuhay ay bulag daw sa katotohanan ang lalaki. Namumuhay ito ayon sa kanyang sarili at hindi ayon sa nais sa kanya ng Diyos. Ang lalaki ay hindi naniniwala sa kapangyarihan ng Diyos.

Nanginig ang buong katawan niya at takot na takot siya sa pwede niyang kahinatnan. Sa unang pagkakataon ay tumawag siya sa Diyos, at nagdasal.

“Diyos ko, kung totoong nariyan ka, ialis mo ako sa lugar na ito. Ayokong dito ako sa mapunta kapag tuluyan kong nilisan ang mundo,” taimtim niyang panalangin.

Advertisement

Biglang nagliwanag naman ang paligid, kaya ipinikit niyang muli ang mga mata. Nang kanya na itong iminulat ay nasa harap na siya ng pintuang gawa sa kahoy.

“Kung ikaw ay handa nang makita ang isa pang katotohanan, buksan mo ang pintuan at tunghayan ang isa pang daan,” muling saad ng boses.

Binuksan niya ang pinto at isang nakasisilaw na ilaw ang pumasok sa kanyang mga mata. Isang tila ba malamig at nakakakilabot na pakiramdam ang kanyang nadarama. Hindi niya maipaliwanag, ngunit kapayapaan at kapahingahan ang kanyang namayapa sa puso niya.

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata, at kanyang natunghayan ang lugar na wala nang gaganda pa. Isang paraiso ang kinaroroonan niya ngayon. Ang mga damo ay kulay berde, ang mga tao ay maliligaya at tila ba walang problema.

Wala siyang ibang maramdaman kundi kaligayahan. Napakapayapa ng lugar at napakaganda. Napansin niya na nagkukumpulan ang maraming tao habang nakikinig sa isang lalaki na nagsasalita.

Agad niyang pinuntahan ito upang malaman kung sino iyon at anong meron. Lumapit pa siya ngunit nagliliwanag ang lalaki, tanging puting damit lamang ang nakikita niya.

Nagsitabi naman ang mga nandoon na tila ba ay binibigyan siya ng daan. Hindi niya alam, ngunit may kung anong nagtulak sa kanya na lumapit sa lalaking nakatayo.

“David,” isang payapang boses ang humaplos sa kanyang kaluluwa, “ihahayag ko sa iyo ngayon ang Aking kadakilaan.”

Advertisement

Napaluha si David, dahil sa naghahalong saya at kapayapaan na tumatagos sa kanyang kaluluwa.

“Ako ang Anak ng Diyos, ang tanging daan upang makapasok sa pintuan ng kalangitan. Ang sinomang naniniwala sa Akin, ay magkakamit ng buhay na walang hanggan kapiling ko,” sabi ng Lalaki sa kanya.

“Naniniwala po ako,” sagot naman ni David.

“Iyo ba Akong tinatanggap bilang tagapagligtas mo, David?” tanong muli sa kanya.

“Tinatanggap ko po, simula ngayon araw na ito hanggang sa magpakailanman. Naniniwala na po ako sa inyong kapangyarihan at kadakilaan,” naluluhang tugon ni David.

“Kung gayon David, ay bumalik ka sa kalupaan, at iyong ipamahagi itong katotohanang nasaksihan mo ngayon. Ikalat mo ang mensahe ng katotohanan tungkol sa Akin, at sagipin mo ang mga kaluluwang naliligaw.

Mangaral ka ng mga salita Ko, upang maraming mga anak ang makapasok sa pintuan ng langit. Gawin mo ito, David. Mapalad ka dahil muli kang nakabalik sa yakap ng Diyos. Ngayon ay simulan mo ang misyong ito,” saad pa ng nagliliwanag na lalaki.

Nilapitan ng Lalaki si David at ipinatong ang kamay Nito sa kanyang noo, “ngayon ay maisisiwalat na sa kalupaan ang kadakilaan ng Diyos.”

Advertisement

Tila ba isang malamig na puwersa ang bumalot sa buong katawan ni David. Napuno ng liwanag ang paligid na halos ikabulag na niya, at nang kanyang imulat ang mga mata, nakahiga na siya sa ospital.

Napag alaman ni David na apatnapung araw pala siyang walang malay sa ospital, ngunit laking gulat ng mga doktor na isang milagrong nakakalakad at nakakakilos si David, tila ba ay walang nabaling mga buto rito. Napakalakas niya para sa isang taong namalmaan sa isang aksidente.

“May rason kung bakit ako nagising ngayon,” nakangiting saad ni David, “at ngayon ko sisimulan ang pagbabahagi ng milagrong aking natunghayan.”

Naging pastor si David at nagsimulang ipakalat ang salita ng Diyos. Madaming naliligaw na tao ang kanyang tinulungan. Ipinatotoo niya ang milagrong nakamit mula sa aksidente, at kanyang ibinahagi ang nakamamanghang karanasan at nasaksikhan noong panahong siya’y wala pang malay.

Nais ni David na lumaganap pa ang napakagandang pangyayaring ito sa kanyang buhay, nang sa ganoon ay maraming tao ang mahaplos ng kadakilaan ng Diyos. Kaya mapalad ang bawat nakasasaksi sa katotohanan, at mas mapalad ang nagbabahagi nito sa iba, upang masagip sa kumulong putik ng impyerno.