Itinago ng Dalagang Ito ang Kaniyang Sakit Ngunit nang Malapit na Siyang Mawala ay Nakaramdam Siya ng Pagsisisi

“Anak, bakit hindi ka muna magpahinga? Nagdudugo na naman iyang ilong mo oh,” saad ni Aling Amor sa kaniyang anak.

“Init at pagod lang ito mama,” sagot sa kaniya ni Laris.

Bata pa lamang ang dalaga ay wala na siyang kinagisnang ama, tinamaan daw ng ligaw na bala na naging sanhi ng maagang pagkabyuda ni Aling Amor.

“Naku anak, nag-aalala na ako sayo. Baka kung ano na ‘yan, ilang taon nang nagdudugo iyan ‘di ba,” saad ng kaniyang ina.

“Mama, galing na po ako ng center ‘di ba? Normal lang daw ho ito lalo na pag mainit ang panahon kaya hindi kailangang mag-alala pa,” sagot muli ni Laris.

“Siya sige anak, aalis na muna ako at malalabada,” paalam sa kaniya ng ale.

Sa paglalaba binubuhay si Laris ng kaniyang ina at dahil hirap sa buhay ay nagtratrabaho din siya bilang isang kahera sa canteen ng kanilang eskwelahan.

Matagal na ang pagdurugo ng ilong ng dalaga, minsan nagigising na lamang siyang puno na ang kaniyang unan ng dugo at alam din naman niyang may sakit siya ngunit wala silang sapat na salapi para ipagamot ito.

Advertisement

Ngunit noong minsang nasa opisina ang bata kung saan siya ay nag-oojt ay dumugo ng labis ang kaniyang ilong at ipinatingin siya ng kaniyang boss sa ospital at doon niya nalaman ang masakit na katotohanan.

“Bakit ngayon mo lang pinatingin ito?” tanong sa kaniya ng lalaking doktor.

“Pasensya na po kayo dok, wala ho kasi kaming sapat na pera ng nanay ko. Pasensya na rin ho kayo ma’am at nakaabala ako,” sagot niya sa doktor at sa kaniyang boss na nagpatingin sa kaniya.

“May sakit ka Hija,” wika ng kaniyang boss sa opisina.

“Alam ko ho ma’am,” sagot niya sa ale sabay ngiti dito.

“Wag niyo na lang ho sanang sabihin sa nanay ko, ako nalang ho ang magsasabi sa kaniya,” dagdag pa nito.

“Pag hindi mo ito pinagamot ay baka hanggang lima o pitong taon na lang ang itagal mo, sisingilin ng lason ang katawan mo Laris,” saad sa kaniya ng doktor. Ngunit isang ngiti lang rin ang binigay niya rito.

Simula noon ay naging mailap sa tao ang dalaga, halos ayaw niyang makipagkaibigan ngunit may isang makulit at totoong natira sa kaniya, si Riza ang kaisa-isa at matalik niyang kaibigan. Tanging ito lang rin ang nakakaalam ng sitwasyon ng kaibigan.

Advertisement

“Limang taon? E dalawang taon pa ang bubunuin natin para makapagtapos, tapos tatlong taon na lang ang matitira sa’yo? Makakapagtrabaho ka pa kaya no’n? Baka lupaypay kana!” saad sa kaniya ng kaibigan.

Image courtesy of www.google.com

“Ayos lang, matagal ko nang tanggap na mawawala na ako ng maaga sa mundong ito. Kaya nga hindi na ako nakikipagkaibigan pa para naman wala akong maiwanang nalulungkot maliban sa aking ina,” sagot ni Laris dito.

“So paano ang nanay mo ‘pag wala ka na, aber?” tanong ni Riza sa kaibigan.

“Pwede siyang umuwi sa probinsya para makasama ang mga kapatid niya. Ayaw ko nang madagdagan pa ang hirap ni mama sa’kin. Alam kong hirap na hirap na siyang buhayin ako,” baling ni Laris dito.

“Grabe ka, girl! Napakamakasarili mo!” sigaw ni Riza sabay talikod niya sa kaibigan. Mababaw lang kasi ang luha ng babae kaya naman sa tuwing pinag-uusapan nila ang kalagayan ni Laris ay agad na umaagos ang luha ng kaibigan.

Lumipas ang dalawang taon at nakapagtapos ng kolehiyo ang dalawa. Mukhang maayos naman si Laris dahil maliksi itong kumilos ngunit alam niyang taksil ang kaniyang sakit at aatake na lang ito ng biglaan at biglaan na lang rin ang magiging pagkawala niya.

Nagtrabaho ang dalaga at nag-ipon ng maigi para sa ina. Ngunit sadyang napakalupit sa kaniya ni kupido dahil pinana nito ang puso niya sa binatang si Edward, ang katrabaho ng dalaga.

“Hindi pwede Laris, hindi ka pwede mag-invest ng feelings kasi mawawala ka rin,” saad ni Laris sa kaniyang sarili.

Advertisement

Sa kabilang banda, naging sobrang pursigido ang lalaki sa kaniya at alam niyang mahal siya nito.

“Laris, bakit ba ayaw mo akong sagutin? Bakit ba ayaw mong sabihing mahal mo rin ako?!” tanong ng lalaki.

“Kasi hindi pwede. Kasi masasayang lang yung oras mo sa’kin kaya tigil-tigilan mo na ako Edward!” sigaw niya sa lalaki. Sobrang sakit ng kaniyang puso ngunit kailangan niyang gawin iyon dahil ‘yon ang tama.

Umuwi siyang umiiyak at nagulat siyang isang malakas na sampal ang salubong sa kaniya ng inang si Aling Amor.

“Napakamakasarili mo! Iiwan mo lang pala ako ng ganon lang? Dahil ayaw mo akong mahirapan? Bakit? Sa tingin mo ba madadalian akong mabuhay pag wala ka na!?” sigaw sa kaniyang ina.

Alam ni Laris ng mga oras na iyon na hindi na niya ito maitatago pa sa ina. Kaya naman nagpatingin na sila at sumulat sa ibat-ibang sangay ng pamahalaan para humingi ng tulong.

Hanggang sa nakakalbo na si Laris at hindi na siya pumapasok sa trabaho pero matigas ang ulo ng dalaga at nago-online selling pa rin ito para daw may pagkakitaan siya kahit nasa bahay.

Doon niya naramdam ang sakit ng kaniyang pagkawala. Dahil sa inilihim niya iyon sa kaniyang ina ay marami silang bagay na hindi nagawa. Kaya tinawagan niya si Riza para bumili ng ticket sa Enchanted Kingdom. Gusto niyang sumakay sa mga rides kasama ang ina.

Advertisement

Kinaumagahan ay pumarada ang isang van sa kanilang bahay, nandoon si Riza at ilang katrabaho, ngunit huminto ang puso niya nang makita si Edward. Tumakbo si Laris papasok ng bahay at hinabol siya ni Riza.

“Alam na ni Edward ang lahat, kaya kung mawawala ka lang rin naman e di itodo na natin di ba?!”masayang wika ng kaniyang kaibigan.

“Kung inaalala mong maiiwan mo akong malungkot, pwes bigyan mo kami ng masasayang alaala para yon ang babalikan namin pag wala ka na. Hayaan mo rin ‘yang puso mong sumigaw ng ‘I LOVE YOU EDWARD!’ kasi sasagutin naman kita ng ‘I LOVE YOU TOO!’ pahayag ni Edward na nasa kaniyang likuran at niyakap siya nito.

Halos dalawang taon na nakipaglaban si Laris sa sakit. Masaya siyang lumaban sa sakit. Kung dati ay wala siyang inaalala kundi pera na dapat maiwan sa kaniyang ina, ngayon ay mas inaalala niya kung ano pa ang hindi nila nagagawa.

Nakapag-outing na sila, nakakain sa labas, nagswimming naka-akyat ng bundok at araw-araw niyang niyayakap ang kaniyang ina.

“Ma, salamat ha. Kasi naging napakalakas mo. Pasensya na kung mauuna ako sa’yo, pero wag kang mag-alala babantayan naman kita palagi,” saad niya sa ina.

“Basta anak, sabihin mo lang ‘pag hindi mo na kaya. Handa na akong pakawalan ka,” baling ni Aling Amor sa anak. Ilang gamot na rin kasi ang ibinigay kay Laris ngunit bumigay na ang loob ng katawan niya at talagang hindi na kaya pa.

“Ma, pwede mo bang tawagin dito si Edward sa kwarto?” tanong ni Laris sa ina.

Advertisement

Ngumiti lamang ang ale at tinawag ang lalaki.

“Edward, pwede mo ba akong halikan? Kaya mo pa ba? Para naman may baon akong una at huling halik. Baka hindi papasukin ang sobrang birhen sa langit,” saad ni Laris sa lalaki.

Hindi na sumagot pa si Edward at hinalikan niya ang dalaga sa unang pagkakataon habang parehas na umaagos ang mga luha nila ay bumulong si Laris nang, “Ikaw lang ang minahal kong lalaki at masaya akong ikaw rin ang huli, I love you Edward,” at pumikit ang dalaga. Pumikit ito at tuluyang nawalan ng hininga.

Ngayon ay bumalik si Aling Amor sa probinsya pagkatapos mailibing ang anak. Nagpasalamat din siya sa mga kaibigan nito.

Lumipas ang ilang taon at dumalaw si Edward sa puntod ni Laris.

“Hello Laris. Ako nga pala si Angela, nililigawan ako ni Edward pero gusto niya daw munang magpaalam kami sa’yo. Napakaganda ng memoryang iniwan mo sa kaniya at payagan mo sana akong dagdagan ito,” saad ng babae at nag-alay sila ng kandila kay Laris.

Nawala man ang dalaga ngunit magagandang memorya naman ang iniwan niya sa kaniyang mga mahal sa buhay.