Usap-usapan sa Eskwelahan ang 67-anyos na Lola na Nag-aaral Pa ng High School, Naantig ang Puso ng Lahat nang Malaman ang Tunay na Dahilan ng Pagpapatuloy Nito ng Pag-aaral

Nasa huling taon na ng high school si Michelle nang maging kaklase niya ang isang 67-anyos na lola. Matagal na niya itong nakikita sa school at matagal na ring usap usapan dahil sa edad nito ay pumapasok pa rin, ngunit ito ang first time na makakasama niya ang matanda sa isang klase, at katabi niya pa.

Kita ni Michelle kung paano ito mahirapang kumopya sa mga lecture sa board lalo na kapag mabilis magbura ng nakasulat ang teacher, medyo mahina na rin ang pandinig nito kaya sa mga dictated lecture ay si Michelle ang nagsisilbing kopyahan ng notes ng matanda, ayos lang naman iyon sa dalagita.

Sa totoo lang, marami ang bilib sa lola dahil ang ibang tulad nitong hindi nakapag aral noon ay iniisip na huli na ang lahat, heto ito at pinatutunayang hindi pa. Kaya lang, natatakot silang magtanong tungkol sa kung bakit hindi ito nakaaral dahil baka ma-offend ang matanda.

“Michelle, naggraded recitation kami kahapon sa Physics, magtatanong si Ma’am tapos kapag nakasagot ka may points ka.” pagbabahagi ni Lola Herminia sa kanya, absent kasi si Michelle noong nakaraang araw dahil nagpabunot siya ng namamagang ngipin.

“Pwede pa kaya akong humabol ‘la? Sabihin ko na lang mag special test ako kung pwede? Tsaka naka ilang score ka po?” sunud na sunod na tanong niya rito.

“Pwede pa yan! Puntahan mo si Ma’am Velasco sa faculty, papayag yun. Naka-15 points ako kahapon,” masaya at proud na sabi nito. Napangiti naman si Michelle, palagi lang silang ganoon ng matanda, nagtutulungan kapag kailangan ng bawat isa.

Umabot ang graduation at masayang masayang nag-martsa ang lola, ang pagkakaalam ni Michelle, balak din nitong idiretso na sa college ang pag aaral at sang ayon naman daw ang mga anak nito. Habang magkatabi sila sa seremonya, hindi na naiwasang itanong ng dalaga ang matagal na niyang gustong malaman.

“La, bakit ngayon lang po?” tanong niya rito.

Advertisement

“Mahirap kami noon, hindi kami kayang paaralin ng nanay ko.” sagot lang nito sa kanya.

“Hindi ka po ba natakot na bumagsak?” takang tanong niya ulit rito.

“Ang pagkatalo ay hindi ang pagbagsak, ang pagkatalo ay ang hindi pagbangon matapos mong bumagsak. Kaya masasabi kong hindi ako nagpatalo sa tadhana.” nakangiting wika nito na nagpabilib kay Michelle.

Kahanga hanga ang lakas ng loob ng matanda, kahit sinasabi ng iba na lumipas na ang panahon nito ay hindi ito nagpadala at lalong pinatunayan na hindi pa huli ang lahat para tuparin ang kanyang pangarap.

Ano ang natutunan mong aral sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.