Ibinenta ng Dating Nobyo ang Gitarang Pamana sa Kanya ng Tatay Niya, Sa Paghahanap Niya Nito, May Inihanda Palang Malaking Surpresa ang Tadhana Para sa Kanya

Sa loob ng dalawang taong relasyon ay umasa si Samantha na si Harold na ang lalaking makakapiling habangbuhay. Pero habang tumatagal ay natutuklasan niyang hindi pala sila compatible, ang mga opinyon nito tungkol sa mga bagay-bagay ay nagpapa-turn off sa kanya. Katulad na lang ng paniniwala nitong hindi dapat binibigyan ang mga pulubi dahil ipangsusugal lang iyon, pabayaan lang daw dapat. Sadyang may mabuting puso ang babae dahil hindi niya kayang tiisin ang mga bata at matandang namamalimos nang hindi ito inaabutan ng kahit konti, para kasi sa kanya, wala na siyang magagawa kung saan dadalhin ng mga ito ang ibinigay niya pero ang mahalaga doon ay ang mabuti niyang intensyon na magbigay. Ang mga simpleng bagay katulad noon ay pinag-aawayan pa nila. Hindi rin mahilig sa musika ang lalaki, tuwing naggigitara si Samantha ay pinapatigil siya nito dahil maingay daw. Isang araw may matinding pag aaway ang mag-nobyo, sa bahay kasi nina Samantha ay sinigawan siya ng lalaki dahil nagseselos ito sa isa sa mga katrabaho niya, syempre ay narinig iyon ng kanyang ina. Nang pagsabihan ng matanda ang lalaki na huwag siyang kausapin ng ganoon ay nagulat siya sa ginawa ng nobyo. “Wag ka ngang makialam! Kinakausap ka ba?” sa sinabing iyon ni Harold ay parang nagising si Samantha, hindi ganitong lalaki ang gusto niyang makasama. “Ayoko na Rold. Hiwalay na tayo.” tiim bagang na sabi niya. Naikuyom naman ng lalaki ang kamao nito at maya maya ay sinuntok ang mesa sa harapan nilang mag ina, napapitlag tuloy sila pareho. Tumayo ang lalaki at akala niya ay sasaktan sila pero sa halip ay kinuha nito ang gitara niya at lumabas na. Hayop na lalaki! Bigay iyon sa kanya ng ama niya bago ito pumanaw, alam nito kung gaano kahalaga sa kanya ang gitarang yon! Ilang araw ipinagtanong ni Samantha sa mga kaibigan ni Harold ang gitara pero walang nakakaalam noon, di niya na rin ma-contact ang lalaki. Habang pauwi ay natanaw niya ang isang restaurant, biglang kumalam ang sikmura niya. Advertisement Parang may kung ano rin na nagsasabi sa kanyang pumasok doon. Maganda ang lugar at tahimik, masasabing dito dapat pumunta ang mga brokenhearted dahil bukod sa peaceful na aura ay may tumutugtog rin dito ng musika. Strumming my pain with her fingers, singing my life with her words.. Killing me softly with her song, killing me softly, with her words, Telling my whole life, with her words killing me softly.. Napalingon siya sa magandang boses ng lalaki na kumakanta noon at Santa Maria, kay gwapo! Pero lalong napako ang mga mata niya sa gitarang hawak nito, ang gitara niya! Hinintay niyang matapos kumanta ang lalaki na ang pangalan pala ay Sam, kapangalan ko pa! sigaw ng isip niya. Nilapitan niya ito nang makababa ito sa entablado at diretsong tinanong. Advertisement “Saan mo nakuha yan?” mataray na sabi niya, itinago ang naramdamang kilig nang sulyapan siya nito. Natatawa naman ang lalaki dahil palaban siya kaagad. “Ganda no? Ibinenta sa akin ng di ko kilalang lalaki noong isang linggo, kahit magkano daw basta madispatsa lang. Nagtataka nga ako, ang mahal kaya ng ganito.” sabi nito sa kanya. “Akin kasi yan eh.” sabi niya. “Wow, tumutugtog ka rin. Destiny pala,” nang aasar na sabi nito. “Patawa ka? Ibalik mo yan sakin kasi..” ayaw niya man ay tila wala siyang choice kung hindi sabihin dito ang ginawa ng dating nobyo. Napalitan ng awa ang ekspresyon ng lalaki. “Ibabalik ko ito sayo pero sa isang kundisyon, tugtog muna tayong dalawa.” sabi nito sa kanya. Hindi na nakatanggi si Sam dahil gumagabi na rin at gusto na niyang mabawi ang gitara. Pagtugtog nila ay tila tumigil ang mundo. May naramdaman siya dito na kahit kailan ay hindi niya naramdaman kay Harold. “Miss, bago ka umalis, ano’ng pangalan mo pala?” sabi nito. Advertisement “Sam. Samantha..” nahihiyang sagot niya. “Hi, Sam. I’m Sam, Samuel.” yon ang simula ng kanilang love story. Kung hindi dahil sa nawalang gitara ay di niya makikilala ang mister. At hanggang ngayon, kahit nag-uumpisa nang makilala ang pangalan nito sa industriya ng musika, ang gitara parin niya ang paborito nitong gamitin.Ngayon ay masaya na silang namumuhay kasama ang tatlong anak at gaya nga ng inasahan, punong puno ng saya ang kanilang tahanan dahil sa pagkahilig nilang lahat sa musika.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.