Dahil sa Kalikutan ng Kamay ng Lalaking Ito ay Nawala ang Mahahalagang Tao sa Kaniyang Buhay

“Patawarin niyo ako, huwag niyo akong ipakulong! Please, parang awa niyo na,” saad ng binata sa mga kaibigan matapos magkaharap-harap. Iyon na yata ang pinakahuling salita na narinig nila mula sa kaibigan.

Matatalik na magkakaibigan sina Jomel, Gerlie, Tinay, at Lala. Nagsimula ang kanilang kwento noong sila’y nasa hayskul pa lamang. Magkakaklase ang apat at tanging si Jomel lamang ang lalaki sa kanilang grupo, ngunit mabilis nilang nakasundo dahil sa puso nitong babae.

Naging napakasaya ng magkakaibigang ito noong pumasok sa kanilang grupo ang binata, sobra kasi kung makapagpatawa at napakabait pa, sa kanilang apat ay parating si Jomel ang bangka at nalulunod na lang sila sa kakatawa.

Si Gerlie ang lider ng grupo. Matalino, sikat at talentado ang dalaga, may kaya kasi ang kaniyang pamilya kaya nasa uso ang lahat ng gamit nito.

Image courtesy of www.google.com

Si Tina ay anak ng isang pastor, ang pinakamahinhin sa magkakaibigan at ang pinakamaganda, sa tuwing magyayaya ng inuman ng alak ang mga kaibigan, siya lamang ang bukod-tanging iinom ng pineapple juice.

Image courtesy of www.google.com

Si Lala ang pinaka-kikay, pinakamasiyahin sa kanila at ang pinakamayaman ngunit pinakasimple sa grupo, tagapagmana ang dalaga at mayroon itong hacienda, palayan, maisan at ibat-ibang restawran ngunit walang makikitang kayabang sa kanyang katauhan, napakamapagkumbaba ng babaeng ito.

Image courtesy of www.google.com

At ang huli ay si Jomel, ang bangka ng grupo. Matalino at sikat ito sa eskwelahan nila. Hindi niya hinahayaang mababa ang tingin sa kanila ng mga tao kahit pa nagtitinda lamang ng gulay ang kaniyang ina. Isa rin siyang napaka-responsableng anak. Ngunit sa kabila ng lahat ng kabutihan niya, may tinatago siyang sakit na hindi niya mapigilan: ito ay ang pagkakaroon ng malikot na mga kamay.

Image courtesy of www.google.com

“Lala, napansin mo ba yung relo ko? Nawawala kasi, saka araw-araw nalang yatang nawawala yung mga panyo ko, nakakainis talaga alam ko na kung sino e,” saad ni Gerlie sa kaibigan.

Advertisement

“Naku hindi. Ako nga rin e, nawawalan din ako ng ilang libo sa wallet pero hayaan mo na, wala naman akong ebidensya e,” saad ni Lala.

“Bakit ba kasi hindi nalang natin sabihin na pakiramdam natin ay siya ang kumuha nun?” tanong ni Tina.

“Alam mo Tina, ‘yang kabaitan mo ang magpapahamak sa’tin. Pag sinabi natin sa kanya na wala tayong ebidensyang hawak, tapos mali pala tayo ng hinala e malamang magagalit sa’tin yung tao. Mag-isip ka nga,” saad ni Gerlie dito.

Nasa kolehiyo na ngayon ang magkakaibigan at madalas parin ang pagkikita nila para magkwentuhan o di kaya naman ay mag-inuman.

“Sige, balikan natin yung mga nangyari noong hayskul pa tayo. Ikaw Gerlie, lasing ka noon tapos siya lang ang humawak ng pitaka mo. Alam mo sa sarili mo na hindi mo naman ginasta ang lahat ng pera mo noong panahong iyon, pero paguwi mo ay halos wala nang natira sa limang libo mo. Sabi mo sa’kin nun sigurado kang 1,500 lang nagastos mo, at paulit-ulit ka pang nagkwenta pero hindi mo mabalanse,” mahabang paliwanag ni Tina kay Gerlie.

“Ikaw naman Lala, hindi porket marami kang pera e hindi ka na mag-iingat sa mga gamit mo. Una, sabi mo nawawalan ka lang ng mga ballpen, mamahalin ‘yon pero hinayaan mo lang kasi ballpen lang naman. Pangalawa, umutang siya sa’yo ng limang libo, ‘di mo na siningil kasi may sakit ang nanay niya. Pero naiintindihan ko pa ‘yon kasi magkaka-ibigan tayo. Pero, meron pa! Parati kang nagtataka kung bakit minsan bigla na lang mababawasan ang balanse mo sa ATM mo. E malamang! Alam niya yung PIN mo noong nakiusap ka sa kanyang mag-withdraw e. Eto pa ha! Palagi mong pinapahawak sa kanya ang pitaka mong limpak-limpak ang pera,” pangaral naman nito kay Lala.

“Ganon ba? Edi ikaw lang hindi niya nakuhanan sa’tin ganun ba?” tanong ng naiinis nang si Gerlie.

“Wala akong sinabing ganoon. Nawala rin ‘yong maliit kong bag sa bahay at alam kong siya lang ang kumuha noon. Kasi siya lang naman kasama ko sa bahay nung nagpunta kami noon para gumawa ng assignment. Pero hindi kagaya niyo, simula noon ay nag-ingat na ako. Kahit pa kaibigan ang turing ko sa kanya, kailangan kong ingatan ang mga gamit ko,” sagot ni Tina.

Advertisement

“E ano na nga gagawin natin? May naisip ba kayong paraan para naman matapos na ‘tong problema natin?”

“Hulihin natin siya sa akto para may matibay tayong ebidensiya,” sagot ni Gerlie.

Agad nilang ginawa ang matinding plano, niyaya nila ang kaibigan para mag-inuman at ikinalat nila ang ibat-ibang bagay na pwedeng makapukaw ng atensiyon nito katulad ng mamahaling relo, singsing, alahas, at pera.

Dumating agad si Jomel at nag-inuman na ang magkakaibigan, lingid sa kaalaman ni Jomel ay may nakatagong camera sa ‘di kalayuan para mahuli kung talagang si Jomel nga ang kumukuha ng mga gamit, natapos ang gabi na lasing na sila at nagsipag-uwi na rin.

Image courtesy of www.google.com

Kinaumagahan ay sabay-sabay nilang pinanood ang video at agad na nagulantang sa nakita. Maraming na-ipuslit si Jomel na mga gamit na labis ikinalungkot ng kanyang mga kaibigan. Agad-agad nilang pinuntahan si Jomel sa bahay nito at pinakita ang kuha nila.

“Hayaan niyo akong magpaliwanag. Hindi ko ito ginusto. Parang-awa niyo na, pakinggan niyo ang sasabihin ko,” saad ni Jomel sa mga kaibigan.

“Sige, simulan mo na bago ako mawalan ng respeto sa’yo at tuluyan kong kalimutan na kaibigan kita,” saad ni Gerlie rito.

“May sakit yata ako, hindi ko kasi mapigilan ang mga kamay ko na kuhanin ang mga gamit kapag nagustuhan ko ito,” paliwanag ni Jomel rito, sabay labas niya sa isang kahon na punong-puno ng mga gamit, gamit na mga nawala sa kaibigan.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

“Heto, dito ko tinatago ang mga nakukuha ko, yung ibang malaking halaga ay naipagbenta ko na sa kagipitan ko sa pera, pero karamihan ay nandito pa. At yung mga perang nawala, nagastos ko na, alam niyo naman na hirap kami, pasensiya na, patawarin niyo ko,” nagmamaka-awang sambit ni Jomel.

“Huwag niyo naman ako ipakulong parang aw niyo na, magbabago na ako!” dagdag pa niya.

“Pinapatawad ka na namin, Jomel. Pero patawarin mo rin kami sa desisyon namin. Lahat ng mga bagay ay may kapalit, at ang kapalit ng pagsira mo sa aming tiwala ay pagtatapos ng ating pagkakaibigan,” saad ni Gerlie sabay alis. Sumunod sa kaniya ang iba pang kaibigan.

Lumipas ang mahabang panahon na hindi na nila kinausap si Jomel. Hindi nila matanggap ang ganoong klase ng kaibigan. Lahat ng tulong ay ibinigay nila sa naghihikahos na kaibigan, ngunit ganito pa ang ibinalik nito sa kanila.

Hindi na nila binigyan pa ng pagkakataon si Jomel na bumalik sa kanilang grupo dahil para sa mga babae, sapat na ang mahabang panahong niloko sila ng kaibigan. Para sa ipapanatag ng kanilang loob ay pinatawad na nila ito, ngunit hindin na kailanman maibabalik ang dati nilang samahan.

Si Jomel naman sa kabilang banda ay nasa proseso ng pagbabago. Nang dahil sa pagkawala ng pinakamalalapit niyang mga kaibigan, naisipan niyang panahon na upang subukang pigilan ang sarili sa pagnanakaw.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.