Ginulat ni Misis si Mister sa Pakikipaghiwalay Niya Rito, Ngunit Mas Ikinagulat ni Misis Nang Malaman ang Sorpresa Nito

Ginulat ni Misis si Mister sa Pakikipaghiwalay Niya Rito, Ngunit Mas Ikinagulat ni Misis Nang Malaman ang Sorpresa Nito

FamilyLoveStories

Ang mag-asawang sina Reynaldo at Jacinta ay maglilimang taong nang kasal. Sila ay mayroong isang anak na lalaki na nagngangalang Renren.

Upang mabigyan ng maayos na buhay ni Reynaldo ang kaniyang pamilya ay iniwan niya ang pagiging konstruksyon worker sa kanilang lugar sa Baguio at nagtrabaho siya bilang isang maintenance staff sa isang kompanya sa Maynila. Habang si Jacinta naman ang naiwan sa kanilang anak upang mag-alaga.

Isang araw, pagkagising ni Jacinta ng alas-sais ng umaga ay agad niyang tinawagan si Reynaldo ngunit nabigo lamang siya sapagkat p*atay ang selpon nito. Ikinalungkot man ito ng bahagya ni Jacinta sapagkat alam niyang gising na si Reynaldo ng ganung oras ay hinayaan niya na lang ito at sinimulang kumilos para sa araw na ‘yun.

Makalipas ang ilang oras, bago mag alas-otso ay tumunog na ang selpon ni Jacinta. Pagtingin niya ng kaniyang selpon ay nakita niyang si Reynaldo ang tumatawag kaya naman sinagot niya ito at binati ng matamis na: “Good morning, mister ko!”

Binati rin naman ni Reynaldo ang kaniyang asawa ngunit siya ay nagmamadaling makipag-usap. Matapos niyang kamustahin saglit ang kaniyang mag-ina ay agad niya ring pinutol ang tawag sapagkat malapit ng mag alas-otso at kailangan niya nang magtrabaho.

Naunawaan naman ito ni Jacinta kaya naman ipinagpatuloy na lamang niya ang mga gawain sa bahay bago pa magising ang kanilang anak na si Renren.

Pagpatak ng alas-diyes, sa oras ng sandaliang break time ni Reynaldo ay nag-aabang na ng tawag sina Jacinta at Renren ngunit hindi ito tumawag. Wala lang ito kay Renren pero medyo kinainis na ito ni Jacinta. Kaya naman pagpatak ng alas-dose ng tanghali ay siya na mismo ang tumawag kay Reynaldo.

“Bakit hindi ka man lang nakatawag kaninang break time mo?” tanong ni Jacinta.

“Pasensiya na kayo. Ang dami kasing pinapagawa ngayon kaya hindi na ako nakatawag kanina,” tugon ni Reynaldo.

“At saka, puwedeng kumain muna ako saglit? Gutom na gutom na talaga ako,” pahabol ni Reynaldo.

Wala nang nagawa si Jacinta kaya hinayaan niya na lamang na kumain muna si Reynaldo. Subalit nang mag aala-una na ay hindi pa rin muling nakakatawag si Reynaldo. Sinubukan pa rin ni Jacinta na mag-antay na lamang ng tawag ngunit hindi na talaga nakatawag si Reynaldo hanggang sa nag alas-singko na ng hapon nang makatawag ito.

“Tumawag ka pa,” bungad ni Jacinta sa kaniyang asawa.

“Sorry, misis ko. Pagkatapos kong kumain, hindi ko namalayang nakatulog ako nang dahil na rin siguro sa pagod. Ginising na nga lang ako ng mga kasamahan ko nang mag ala-una eh. Tapos tuloy-tuloy uli ang trabaho,” paliwanag ni Reynaldo.

“Naiintindihan ko. Nagtatrabaho ka, kaya natural napapagod ka. Ako rin naman eh. Nagtatrabaho rin ako dito sa bahay. Baka akala mo wala akong ginagawa rito. Napapagod din ako pero nakakapag-bigay pa rin ako ng oras para sa inyo ng anak natin. Sana naman ganun ka rin samin lalo na at ilang buwan ka nang hindi nakaka-uwi sa atin para makatipid sa pamasahe. Parati na lang kulang ‘yung oras na binbigay mo. Napaka-limitado, akala mo parating may time limit. Biruin mo, pati pag tawag mo naka-schedule pa ng bago mag alas-otso, alas-diyes, alas-dose y media, alas-tres, alas-singko at sa gabi na bago matulog,” pagtatalak ni Jacinta.

“Huwag ka naman ganyan. Alam mo namang ginagawa ko ‘to para sa pamilya natin,” ang sabi ni Reynaldo.

“Para sa atin? Kulang at limitadong oras para may mapadalang pera? Eh kulang rin naman ‘yung pinapadala mo para sa mga pangangailangan namin araw-araw. Kailangan ko pang magbenta ng kung anu-ano para may pang dagdag sa mga gastusin sa bahay lalo na ngayon at malapit nang pumasok sa eskwelahan si Renren. Mabuti pa nung nandito ka, kahit pagod ka pag-uwi ay nakakasama ka pa rin namin at nakakapiling kahit na paano,” ang sabi ni Jacinta.

“Pero alam mong pag nanatili ako diyan ay mas lalo tayong mahihirapan sa mga gastusin,” ang sabi ni Reynaldo bago manahimik ng ilang sandali at muling nagsalita.

“Tama na nga. Kung aawayin mo lang ako ay mabuting pang mamaya na lang tayo mag-usap. Uuwi na muna ako. Mamaya na lang ako uli tatawag pag malamig na ‘yung ulo mo,” ang sabi ni Reynaldo bago putulin ang tawag.

Lalong nag ngitngit sa galit si Jacinta sa pagkakaputol ni Reynaldo ng kanilang pag-uusap. Sinubukan niya itong tawagan nang paulit-ulit ngunit hindi na nasasagot ni Reynaldo ang mga tawag niya. Sa kaniyang galit ay tinadtad niya ito ng mga masasakit na text messages hanggang sa muli siyang tumawag ay p*atay na ang selpon ni Reynaldo. 

Labis itong ikinagalit ni Jacinta kaya naman pin*atay niya ang kaniyang selpon bago itinago sa ilalim ng unan.

Pagpatak ng alas-nuwebe ng gabi ay binuksan na ni Jacinta ang kaniyang selpon. Doon pumasok ang mga mensahe ni Reynaldo sa kaniya na pinakiki-usapan siyang buksan na ang selpon at makipag-usap ng maayos. 

Maya-maya ay nag ring na ang selpon ni Jacinta at sinagot niya na ang tawag ni Reynaldo.

“Misis ko, ‘wag ka naman makipaghiwalay sa akin dahil sa nangyari kanina. Pag-usapan naman natin ‘to. Hindi ko sinasadyang hindi masagot ‘yung mga tawag mo. Sabi ko naman sayo, uuwi muna ko. Siksikan sa bus kaya hindi ko masagot tapos na battery empty na ako. Nagulat na lang ako sa mga message mo pag bukas ko ng selpon habang nagchacharge sa powerbank,” ang sabi ni Reynaldo.

“Ayoko na talaga. Napapagod na rin ako. Nakakasawa na. Tapusin na natin ‘to,” ang sabi ni Jacinta.

“Misis ko, ‘wag naman ganyan. Sorry na,” pakiusap ni Reynaldo.

“Parati na lang ganito. Parati mo na lang nalilimutan ang anibersaryo natin,” pag-amin ni Jacinta sa kaniyang ikinagagalit.

“Parati ko namang pinapaalala pero nalilimutan mo pa rin kaya never pa tayong nakapag-celebrate kahit isang beses. Ngayong taon, tanggap ko na hindi tayo makakapag-celebrate dahil nasa Maynila ka pero sana man lang kahit sana maalala mo man lang at batiin ako. Kaso pati ‘yun wala,” patuloy na sinabi ni Jacinta.

“Misis ko, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Hayaan mo sanang makabawi ako,” paki-usap ni Reynaldo.

“Huwag na. Sanay na ako. Sige na, bukas na lang. Matutulog na kami ng anak mo,” ang sabi ni Jacinta bago putulin ang tawag.

Maya-maya ay mayroong kumakatok sa kanilang bahay. Napilitang bumangon si Jacinta at ikinagulat niya nang masilip sa bintana ang lalaki sa harap ng kanilang pintuan.

Pagbukas niya ng pintuan ay tumambad sa kaniyang harapan ang asawang si Reynaldo na may dala-dalang mga bulaklak at cake.

“Happy fifth anniversary, misis ko!” pang sosorpresang sinabi ni Reynaldo.

“Paanong? Akala ko ba nasa trabaho ka kanina? At ‘di ba sabi mo uuwi ka na sa tinutuluyan mo sa Maynila?” sunud-sunod na tanong ni Jacinta.

“Ang sabi ko lang uuwi ako. Wala naman akong sinabing uuwi ako sa tinutuluyan ko sa Maynila,” nakangiting sinabi ni Reynaldo.

“Naghalf day lang ako kanina kasi sosorpresahin talaga kita ngayon kaso naunahan naman ako ng galit mo. Sorry nagsinungaling ako para sorpresahin ka. Gusto ko kasi sanang makabawi doon sa mga taon na pagkukulang ko. Mahal na mahal kita, misis ko. ‘Wag mo akong hihiwalayan ah,” ang sabi pa ni Reynaldo.

Naluha sa saya si Jacinta. Hindi niya inaasahang may pasorpresa pala sa ika-limang taong anibersaryo ang kaniyang asawa.

Mula noon ay hindi na basta-basta nagpapadala sa emosyon si Jacinta. Hindi niya na muling binabanggit ang pakikipaghiwalay sa tuwing may hindi sila pagkaka-unawaang mag-asawa.

Sa kabilang banda ay hindi na rin nakakakalimot si Reynaldo sa anibersayo nilang mag-asawa. Taon-taon na nila itong ipinagdiriwang nang magkasama. 

More Stories