Ako ang Masusunod!

Mula sa pagiging magkatabi sa eroplano hanggang sa hindi inaasahang pagtatagpo sa bansang Korea ay nahulog sa isa’t-isa sina Carlo at Hermie. Marami mang nagsasabi na hindi raw magtatagal ang relasyon nila dahil hindi naman daw nga sila lubusang magkakilala ay handa ang dalawa na patunayan sa buong mundo na sila nga talaga para sa isa’t-isa.

“Welcome sa bahay natin babe!” wika ni Carlo nang makarating sila sa apartment ng lalaki.

May kaya sa buhay si Carlos, bunso ang binata sa kaniyang pamilya na nasa Australia na at tanging siya na lamang ang nakatira dito sa ‘Pinas. Masaya na raw siya sa pinapatakbong restawran na siya namang pinagkakakitaan ng lalaki.

“Talaga bang magsasama na tayo? Totoo ba talaga ito?” saad naman ni Hermie sa kaniya habang halatang namamangha ang babae sa laki ng bahay at sa modernong disenyo nito.

Si Hermie naman ay panganay sa tatlong magkakapatid, umabot siya sa 30 anyos nang pagiging dalaga dahil tinapos na muna niya ang pagpapa-aaral sa mga kapatid at pagpapagawa ng kanilang bahay. Manager ang babae sa isang sikat na casino at ngayon ay handa na siyang pumasok sa isang seryosong relasyon.

“Oo naman babe, dito natin sisimulan ang pangarap natin dalawa. Dito natin gagawin ang mga anak natin at higit sa lahat ay dito tayo tatanda nang magkasama,” sagot ni Carlo sa kaniyang nobya.

“Pwede bang pumikit ka muna? May sorpresa ako para sa’yo,” dagdag ng lalaki.

“Oh my god! Huwag ka ngayon mag-propose please,” isip-isip ni Hermie nang maramdaman niyang lumuhod ang lalaki sa kaniyang harapan.

Advertisement

“Pwede ka na dumilat,” bulong ni Carlo sa kaniya. Napatakip naman agad si Hermie ng kaniyang bibig nang makita niya ang isang pulang maliit na kahon na hawak ng lalaki.

“Ano ito?” tanong ni Hermie.

“Para sa’yo, regalo ko. Simula ng pagsasama natin,” pahayag ng lalaki at mabilis na binuksan ang kahon.

Isang kumikinang na bagay ang laman nito.

“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Carlo.

“Oh, yes. Ang ganda!” sagot ni Hermie. Hikaw na dyamante ang laman ng kahon, medyo natawa ang dalaga dahil buong akala niya’y singsing na ito.

“Ilusyonada ka ate girl,” isip-isip niya habang sinusukat ang hikaw.

“Pasasaan ba’t singsing na rin ang magiging kasunod nito. Manalig ka lang Hermie,” saad niya sa sarili.

Advertisement

Kinaumagahan ay maagang gumising ang babae upang magluto nga almusal na siya namang kinagulat ng lalaki.

“Wow naman, napakasuwerte ko naman sa babe ko,” bati nito.

“Sisiguraduhin ko na aasawahin mo na ako wala pang isang buwan!” loob-loob ng babae habang pawis na pawis itong nagluluto ng itlog at bacon.

“Swerte ka talaga sa akin at mas lalo mo pang mararamdaman yun ngayon na nagsasama na tayo. Kaya kung ako sayo ay hindi mo na dapat akong pakawalan pa,” sagot nita sa nobyo at sabay silang nagtawanan.

Alam ni Hermie na hindi magiging madali ang kanilang pagsasama dahil ngayon pa lang nilang kikilalanin ang isa’t-isa. Pero katulad ng kaniyang paniniwala na kapag naramdaman mong siya na, huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa.

Pag-alis ng lalaki ay agad na naglinis ang babae ng buong bahay. Pinalitan niya ang mga kutsara, plato, baso, kurtina at ilang mga gamit sa bahay. Bumili din siya ng bagong sapin sa higaan na kulay pink at bulaklakin, binago na rin niya ang banyo na pinaglalagyan niya ng mga bulaklak. Binigyan niya ng bagong kulay ang dating puti lang na tinitirhan ng lalaki. Nagluto na rin siya ng hapunan at hinintay ang pag-uwi ng kaniyang nobyo.

Kaya lamang ay hating gabi na nang dumating si Carlo.

“Babe, gising na nandito na ako,” wika ng lalaki sa nobya ng maabutan niyang tulog na ito sa salas.

Advertisement

“Nakauwi ka na pala, hindi mo man lang ba babatiin ang bahay? Pinaghirapan ko ito,” sagot ni Hermie sa kaniya.

“Maganda, pero sana hindi ka na nagpakapagod pa ng ganito,” saad ng lalaki.

“Ayos lang, ganyan talaga kaming mga babae. Katulad nga ng sinabi ko sayo ay swerte ka talaga sa akin kasi malinis ako sa bahay, hindi ako kagaya ng mga ibang babae dyan na puro pagpapaganda ang alam,” pahayag ng babae.

“Kumain na tayo ng hapunan, nagluto ako,” dagdag pa ng babae.

“Babe, kumain na ako sa labas kasi late na rin e,” sagot naman ni Carlo dito.

“Siya, simula ngayon ay hindi ka na kakain sa labas dahil may asawa ka nang uuwi sa bahay at nag-iintay na pagkain. Pero sa ngayon, kakain tayo ulit,” mando pa ng babae at sabay hatak niya sa nobyo.

Walang nagawa si Carlo kung hindi sumunod sa kaniyang nobya.

Lumipas ang mga araw at dumami pa ang mga pagbabagong nagaganap sa bahay ng lalaki.

Advertisement

“Babe! Simula ngayon hindi ka na pwede manigarilyo sa banyo ha,” sigaw ni Hermie nang maabutan niyang puno ng usok ang banyo.

“Babe naman, pati ba naman yosi aalisin mo sa akin?” baling ng lalaki.

“Yosi lang iyan babe, mabuti nga hindi ko pa sinasabing ihinto mo iyan. Ang akin lang bawal sa banyo o kahit saang sulok ng bahay. Kung gusto mo magyosi ay lumabas ka!” bulyaw ng babae.

“Lahat na lang ba ikaw ang masusunod sa bahay? Parang hindi na ako makahinga sa sarili kong bahay e! Ganito na ako bago mo pa man ako makilala kaya sana huwag mong baguhin iyon,” saad ni Carlo sa kaniya.

“Kung mahal mo ako babe ay susunod ka sa mga sinasabi ko. Saka isa pa walang mabuting nagagawa ang yosi na iyan sa atin. Hindi na pwede lahat yung mga gusto mo dati kasi iba na ngayon,” sabi ni Hermie.

“Babe, bakit ka ganyan? Ano itong ginagawa mo sa akin, sa atin? Hindi mo kailangang magpaka-nanay sa akin, ang kailangan ko ay isang asawa,” baling muli ng binata.

“Ano iyang pinagsasabi mo, ganito ang buhay kapag may asawa ka na! Susunod ka sa misis mo para masaya ang buhay. Happy wife, happy life ‘ika nga!”pahayag naman ni Hermie.

Hindi na sumagot pa si Carlo at umalis na lang ito para sa labas manigarilyo. Marami pang binago si Hermie, hindi lamang sa bahay kung hindi pati sa kaniyang buhay. Hanggang sa napapansin nga niyang nanlamig sa kanya ang nobyo.

Advertisement

“Babe, may problema ba tayo?” tanong ni Hermie sa nobyo.

“Gusto ko nang makipahiwalay, Hermie,” mahinang bulong ng lalaki.

“Hiwalay? Anong hiwalay ang pinagsasabi mo, wala ka nang makikilalang kagaya ko kapag nakipaghiwalay ka sa akin. Saka anong rason bakit ka makikipaghiwalay?” tanong ng babae sa kaniya.

“Ayan, ayan mismo ang dahilan. Masyado ka nga sigurong perpekto para sa mga lalaking kagaya ko, isang linggo pa lang tayo pero pinaramdam mo na kaagad sa akin kung anong klaseng buhay ang dadanasin ko sa’yo. Bawal ito, bawal iyan, bawal lahat ng ayaw mo! Uso nga siguro yung kasabihan na happy wife is happy life pero paano naman ako, Hermie? Paano yung kasiyahan ko, hindi naman ibig sabihin na magkasama na tayo ay ikaw lang ang masusunod sa bahay. Hindi ganun!” bulyaw ni Carlo sa kaniya.

Saglit na hindi nakapagsalita ang babae, pakiramdam niya’y sinampal siya ng malakas ni Carlo sa lahat ng mga sinabi nito.

“Im sorry, pero hiwalay na tayo. Sabihan mo na lang ako kapag nahakot mo na ang lahat ng gamit mo,” dagdag pa ng lalaki saka siya lumabas ng bahay.

Hindi na nagsalita pa si Hermie at umalis na lang ito. Iniwan niya ang hikaw na bigay ng lalaki, “Salamat sa isang linggo pagiging misis sayo. Ngayon alam ko na ang mga hindi ko dapat gawin kapag dumating yung lalaking para sa akin,” iniwan niyang mensahe sa lalaki.

“Alam mo kasi anak, hindi naman ibig sabihin na asawa na nila tayo ay masusunod na tayo lagi. Ang pagiging mag-asawa ay hindi nasusukat sa kung sino ang mas may kayang makapagpasunod sa isa kung hindi sa kung paano kayo magtatagpo sa gitna. Lahat ng tao ay may kani-kaniyang personalidad at hindi mo maaring ipilit ang lahat ng gusto mo dahil ikaw ang asawa, hindi ganun ang buhay anak. Kaya kung hindi man siya bumalik ay maging leksyon sana ang lahat ng ito sa’yo,” wika ni Aling Belen, ang nanay ng babae.

Advertisement

Nag-antay si Hermie na habulin siya ni Carlo o makipagbalikan man lang ang lalaki sa kanya ngunit walang nagparamdam ni anino nito. Kaya naman ngayon ay isang malaking leksyon nga ang kaniyang natutunan. Sisiguraduhin niya na sa susunod ay hinding-hindi na siya uulit pa at sisikaping maging balanse ang karapatan ng isang babae at isang lalaki sa iisang bubong.

“Im