Gulat na Gulat ang Babae nang Kinaladkad Siya ng Kaibigang Lalaki Palabas ng Kwarto; Iba Pala ang Binabalak Nito

Matagal nang may gusto si Koreen sa kaibigang si Ian, kaya lang ay natatakot siyang umamin dahil baka pagtawanan lang siya nito. Kahit kailan naman kasi ay biro lang para kay Ian ang mga sinasabi niya, mali, biro lang ang lahat para sa lalaki. Minsan nga ay napipikon na siya dito pero wala e, hindi niya matiis. Mula noong high school, hanggang ngayong graduate na sila ng college hindi nawawala ang nararamdaman niya para rito, lalo lamang tumitindi.

Bakit di mo pa kasi aminin? Susubukan lang naman e, pag ayaw niya edi atleast nasabi mo diba? bulong ng puso ni Koreen.

Gaga! Gusto mo’ng magmukhang katawa-tawa at gagawin niya yang pang asar sayo hanggang nabubuhay ka sa mundong ibabaw! saway naman ng isip niya.

Gulong-gulo siya kakaisip nang biglang mag ring ang kanyang cellphone, si Ian!

“Hello?-“

“Hello? Koreen?! May girlfriend na ako!” sabi nito. Tila naman pinagbagsakan ng langit at lupa ang babae. Teka nga, ano ulit? Unti unting pinrocess ng utak niya ang narinig hanggang sa maramdamang niya na lang na gumuguhit ang hapdi sa kaliwang bahagi ng dibdib niya, sa puso.

“Hoy! Bingi ka? Bigyan kitang hearing aid?” sabi ng lalaki, pero di pa rin siya nakasagot.

“Koreen?” tanong ulit nito nang makalipas ang ilang minutong di pa rin siya nasagot, pero ngayon, may kakaiba na sa boses nito. Malambot iyon, may halong pag aalala.

Advertisement

“G*go! tumatae kasi ako, may girlfriend ka na? Hala! Sino’ng ulol ang papatol sayo?” pang aalaska niya rito nang makabawi na siya sa pagkabigla, lalong hindi nito pwedeng malaman ang nararamdaman niya, nakakahiya. Kaya ginalingan niya na lang ang pag arte kahit halos mamatay na siya sa kirot ng pusong nararamdaman.

Ito naman ang natahimik, maya maya pa ay tumawa na ito, “Iba ka talaga! Hahaha! Iba ka talaga..” sabi nitong paulit ulit. Ha? Ano’ng sinasabi nito?

“Wala hindi mo kilala, maganda siya, di mo katulad,” sabi nito at binabaan na siya ng telepono. Ano’ng problema non?

Ilang araw ang lumipas, inakala ni Koreen na lahat ay magbabago na dahil syempre, may girlfriend na si Ian. Pero laking tuwa niya nang ganoon pa rin ang turing nito sa kanya. Nagulat na lang si Koreen nang makareceive siya ng isang text message mula rito.

GROUP MESSAGE:

Hello everyone! Sino’ng gustong sumama sa akin sa Fun Run sa Tagaytay? I’ll bring my car 🙂 

Peste, group message pala. Ibig sabihin, marami silang nakatanggap ng mensaheng iyon. Nagdalawang isip muna si Koreen dahil tila di naman yata maganda kung sasama siya, baka magalit ang girlfriend nito. Pero tila nangungulit talaga ang puso niya dahil di niya namalayan ang sarili na nagrereply na rito:

AKO! SAMA AKO.

Advertisement

Maya maya pa ay sumagot muli ang lalaki.

Ok SUNDO NA KITA NOW.

Ha? Ngayon agad? Wala man lang palang oras para mag empake at mag ayos ng gamit? Mamamawis ang kili kili niya sa fun run tapos hindi man lang siya binigyan nito ng pagkakataon na ayusin ang pamalit niya.

Makalipas ang ilang minuto ay naroon na ito sa tapat ng gate nila at bumubusina na,  agad namang lumabas si Koreen. Aminin niya man o hindi ay nakakaramdam siya ng kilig, pero medyo hindi rin siya komportable dahil kanina pa tahimik ang lalaki at nakatitig lang sa daan.

Nang makarating sila sa Tagaytay ay nagulat siya na may reservation na ito para sa dalawang kwarto, buti nalang hindi isa dahil baka inatake siya sa sobrang kilig. Kinagabihan, nasa loob lamang ng kwarto niya si Koreen at nagpapahinga upang i-kondisyon ang katawan sa fun run bukas nang makarinig siya ng ilang katok. Nang pagbuksan niya ay nagulat siya nang makitang bihis na bihis si Ian. Agad nitong tinakpan ang mata niya at inalalayan siyang maglakad.

Ang galing naman ng lalaking ito! Ni wala pa akong bra!

“Saan tayo pupunta? Hoy!” pangungulit niya rito.

“Magdidinner lang tayo, para umamin ka na rin.” simpleng sagot nito, pero nakangiti. Ilang taon ding naghintay si Ian para sa oras na ito,sisiguruhin niyang di siya mabibigo.

Advertisement

Makalipas ang tatlong taon.

“Bakit mo sinabi sa akin na may girlfriend ka? E wala naman pala?” tanong ni Koreen kay Ian, medyo naiinis pa siya nang makita nangingiti ang nobyo.

“Kasi pinapaselos kita. E bakit ka sumama sa Tagaytay?” balik tanong ng lalaki.

“Baka kasi mauna pa ang iba! Kung kani-kanino kasi nagsesend ng message e!” sabi niya sabay irap.

“Miss, sayo ko lang po sinend yon. Umarte lang ako na marami kayo kasi nahihiya akong tanungin ka directly,” natatawa pa ring sabi nito kaya kinurot ito ni Koreen sa bewang.

“Bride and groom! Hindi ako makapaniwalang hindi kayo nakikinig sa mismong misa ng kasal nyo!” sermon ng natatawang pari, sinundan pa ng tawanan ng mga bisita. Nasa kalagitnaan sila ngayon ng kanilang kasal.

Walang kasing ligaya ang dalawa dahil sa hinaba-haba nga naman ng prusisyon, sa simbahan din pala ang kanilang tuloy.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.