Imbes Mahabag sa Asawang Patong-Patong ang Sakripisyo, Nagalit pa ang Mister nang Dapuan ng Sakit ang Misis; Huli na Nang Siya ay Magsisi

“Ahh! Ang sakit ng balakang ko! Woah.. Ugh.. Romy, tulungan mo akong makabangon!” Saad ni Wilma sa asawang papalabas na sana ng kanilang silid nang maalimpungatan siya.

( )

“Oh, bakit? Ha? Ano ba ‘yan? Tsk! Ang dami ko pang gagawin oh! Hay, buhay! Ano isusugod ka na ba sa ospital?” Sagot ni Romy sa asawa habang namimilipit ito sa sakit at hindi makasagot.

Maya-maya’y nawala na ang pananakit ng balakang ni Wilma at nang gumaan ang pakiramdam ay nagpasya itong mamahinga na lamang muna.

“Manang Goreng, paki dalhan naman po ako ng pagkain dito sa silid ko nang makainom na ako ng gamot.” Pakiusap ni Wilma sa kanilang kasambahay.

“Opo, ate. Mamahinga ka na lang muna tutal ay nandiyan naman ang iyong biyenan para alagaan si Vernice.”

Sumapit ang gabi at nagkusa na si Wilma na kunin ang anak sa biyenan niyang si Beth upang patulugin ang bata. Hindi kasi ito sanay na palaging nakahilata lamang.

Palibhasa’y nahihiya din ito at nakikisama sa biyenang pansamantalang naninirahan sa kanilang bahay kaya’t kahit masama ang pakiramdam niya’y nagkusa na siyang kunin ang anak.

Habang pinapatulog ni Wilma ang anak ay panay naman kirot ng kaniyang ulo. Pakiramdam niya’y masusuka siya kaya’t pilit niyang tinatawag ang mister upang humingi ng gamot.

Advertisement

“Romy! Alam mo namang-masama ang pakiramdam ko, hindi mo man lang kami nagawang silipin mag-ina dito sa kuwarto. Baka naman puwedeng makahingi ng gamot? Pati gatas ni Vernice, baka puwedeng maki-timpla.” Saad ng namimilipit na si Wilma.

“Para ka namang donya! Akala mo eh kung sino ka! Lahat na nga ng tulong ay ibinibigay sa iyo. Nariyan ang nanay ko para mag-alaga sa bata. Ang dami mo pang reklamo! Ayaw mo namang magpadala sa ospital! Napakaarte mo! Pinagbibigyan ka na nga sa mga kagustuhan mo! Gaya niyang pagkokompyuter mo sa bahay, wala namang nararating ang suweldo mo diyan! Kapritso mo lang iyan!” Galit na galit na saad ni Romy.

“Nakakagawa naman ako ng trabaho ko habang nag-aalaga ng anak! Wala akong sinabing bantayan ninyo ang anak ko! Romy, alam nating dalawa na kulang ang ibinibigay mo para masuportahan ang pang araw-araw natin! Kaya nga imbes na pilitin kitang magbigay ng dagdag na badyet ay nagtratrabaho na lamang ako para naman hindi ka na mahirapan! Tapos ikaw pa itong galit?” Galit na galit na saad ni Wilma habang nakahawak sa kanyang ulo at balakang.

“Sobrang bobo mo! Manahimik ka na lang at walang kuwenta iyang mga nararamdaman mo! Katangahan iyan! Nagpapakalugmok ka kakatrabaho kapalit ng maliit na halaga! Wala akong sinabing magtrabaho ka, tapos!” Sabay lumabas na ito ng silid at ibinalibag pa ang pinto.

“Wilma!!! Wilma!!! Gising!!! Romy! Ang asawa mo!” Hiyaw ni Beth habang hinihipo ang ulo ng hipag na si Wilma. Tila nagdidiliryo ang misis sa taas ng lagnat nito at hindi maimulat ang mata.

Nang magising si Romy ay galit na galit pa ito. “Wala ka na ngang pahinga sa kakatapos ng proyekto mo galing opisina, bawal ka pa ring matulog! Ang saya talaga ng buhay ko! Diyos ko!”

“Huminahon ka nga, Romy! Hindi kita pinalaking ganyan! Isugod mo na sa ospital si Wilma!” Bulyaw ni Beth sa nakasimangot na anak.

Agad nitong binuhat ang inaapoy ng lagnat na si Wilma at habang nagmamaneho patungong ospital ay mura pa ito ng mura.

Advertisement

Nang makarating ng ospital ay napakainit pa rin ng ulo ni Romy.

Maya-maya pa’y natigilan siya nang makita ang mukha ng doktor na tumingin kay Wilma. “Ito ba si Albert, ang dating kasintahan ni Wilma na iniwan niya para pakasalan ako?” Saad niya sa sarili.

“Yes, sir. Tama po kayo kung ano man ang tanong na nasa isip niyo ngayon. Ako po si Albert Evangelista. By the way sir, may sakit po sa kidney ang asawa ninyo. Kailangan pa ng maraming tests para malaman kung ano mismo ang sakit niya pero sa ngayon ang kailangan niya ay makapagpahinga ng maayos. Bawal po siyang ma-stress.”

“Talagang kung minamalas ka nga naman! Sunod-sunod ang mga punyetang pangyayari sa buhay ko!” Bulong ni Romy sa sarili.

“Iwasan po nating pag-initan ng ulo si misis. Bawal po siyang ma-stress.” Paalala ni Albert.

“Wala ka na doon. Sige, salamat. Maghihintay na lang ako ng resulta ng laboratory ng asawa ko.” Saad ni Romy.

“Hindi sa pakikialam pero tinawagan mo na ba ang mga magulang ni Wilma?” Wika ni Albert.

“Wala ka na do’n.” Giit ni Romy sabay talikod sa maamong doktor.

Advertisement

Hindi mapakali ang binatang si Albert sa loob ng kaniyang klinika kaya’t nagpasya na itong tawagan ang mga magulang ni Wilma habang naghihintay ng resulta ng laboratory tests nito.

( )

Nang malaman nila Mely at Ronaldo ang sinapit ng anak ay hindi na nito pinahintulutan pang makadalaw si Romy sa ospital. Agad namang humingi ng tawad si Beth sa mga ito sa inasal ng anak.

Napag-alamang may malubhang sakit sa kidney si Wilma dahil sa kakainom nito ng energy drink at kape upang hindi antukin habang nagtratrabaho at nag-aalaga ng anak.

“Huwag niyo ho akong sisihin, kagustuhan ng anak ninyong magtrabaho at hindi ko siya inutusang magtrabaho. Ibinabalik ko na siya sa inyo.” Malumanay na saad ni Romy na akala mo’y nagbalik lamang ng gamit.

Lumipas ang ilang taon at tuluyan nang pinaghiwalay ng mga magulang ni Wilma ang mag-asawa dahil na rin sa inasta ni Romy. Tuluyan na ring gumaling sa malubhang sakit si Wilma.

Nasa pangangalaga ni Wilma ang anak na si Vernice. Sa edad na walo ay ito na mismo ang pumili na manatili sa poder ng ina sapagkat palagi na lamang daw siyang pinagagalitan, kinukurot, at sinisigawan ng ama.

“Wilma… Minsan ba’y naitanong mo sa iyong sarili kung bakit hindi pa rin ako nakakapag-asawa?” Saad ni Albert nang anyayahan niya si Wilma na maghapunan isang gabi.

“Albert, sa ngayon ay nasa anak ko lamang ang buong pokus ko. Isa pa’y kasal pa kami ni Romy. Pero maraming salamat sa lahat ng itinulong mo sa akin. Mahal na mahal kita bilang kaibigan, Albert.” Sabay yakap sa seryosong si Albert.

Advertisement

“Bruha ka! Ang feeling mo! Bakla ako, gaga! Hindi na kita type! Lito pa ako noong mga bata pa tayo! Buti nga’t naghiwalay tayo! May karelasyon akong lalake at wala pang nakakaalam kahit sino. Kaya nga kita pinapunta dito para ipakilala siya sa iyo.” Wika ni Albert sabay turo sa isang maputi at guwapong lalake sa may pinto ng restawran.

Mula noon ay inialay na lamang ni Wilma ang buhay sa anak. Hindi niya rin naman ipinagkait kay Romy ang karapatang madalaw ang anak. Nagtatatalon pa sa tuwa si Wilma nang matanggap ang sulat mula sa korte na nagsasabing wala nang bisa ang kasal nila ni Romy.

Tumulong si Wilma sa negosyo ng kaniyang mga magulang at napalaki niya iyon. Sa kasalukuyan ay nagiimporta sila sa iba’t-ibang bansa sa asya ng mga pinatuyong mangga, pinya, isda, at pusit.

Nang malamamang milyonaryo na si Wilma ay nakipagbalikan si Romy ngunit hindi na ito tinanggap ni Wilma.

“Minahal kita pero sinayang mo ang lahat. Nakawala na ako sa impyernong buhay ko sa mga kamay mo at hinding-hindi na ako babalik.” Saad niya sa dating asawa.

Paano mo ipinapakita sa iyong asawa o karelasyon na mahalaga sila sa iyo?