Nang Makilala Ang Mapapangasawa ng Biyuda Niyang Ina ay Ninerbiyos Ang Binatang Ito; Naalala Niya Kasi Ang Habilin ng Kaniyang Lolo Bago Ito Yumao

​”Hijo, alagaan mo ang mama mo. Nag-iisa ka lamang niyang anak. Siguraduhin mong nasa mabuti siyang kalagayan. Kagabi’y nanaginip ako… May manliligaw daw ang mama mo… Malaki ang katawan at malalim ang boses nito. Maya-maya’y sinunggaban daw nito ang mama mo sa leeg. Hindi maganda ang aking pangitain kaya’t huwag mong hahayaang mapunta ang mama mo sa ganoong klaseng lalake.”

Ito ang mga salitang binitiwan ni Lolo Sepio sa apong si Jason bago ito malagutan ng hininga.

Dalawang taon na ang nakalipas ngunit tila hindi ito mabura sa isip ng binata. Bantay sarado naman niya ang ina tuwing ito ay nasa bahay ngunit dahil pareho silang nagtratrabaho’y hindi na niya alam ang mga detalye sa ilang mga lakad nito.

“Jason, bagay ba?” Sabay turo nito sa magarang bestida. Sa edad na 45 ng ina’y mukha pa rin itong bata. Madalas pa nga silang mapagkamalang mag-nobyo kapag sila’y namamasyal sa mall.

“Yes, mama. Bakit? May date ka?” Nag-aalalang tanong ng binata.

“Secret na lang muna!” Agad itong umalis tangay ang isang maliit na hand bag.

Hindi naman mapakali si Jason kaya’t binuksan niya ang laptop ng ina.

Nagkataon naman at hindi nito nailog out ang Facebook account niya.

Advertisement

Nanlaki ang mga mata ni Jason sa nakita.

May ka-chat itong isang lalakeng malaki ang pangangatawan. Mga nasa anim na pulgada mahigit ang tangkad nito at mukhang malaki ang boses.

Nang makita niyang may sinend itong video ay agad niyang ipliney iyon.

“Hi, Marilyn. Hindi na ako makapaghintay na mahagkan ka at tuluyang mapasa-akin. Mahal na mahal kita!” Napakalalim ng boses ng lalake. Ito na ba ang ibinilin ng kaniyang lolong dapat daw pakaiwasan ng ina?

Agad namang pina-andar ni Jason ang makina ng kaniyang sasakyan at binalak na sundan ang ina. Wala siyang ideya kung saan ito nagtungo ngunit bahala na. Hindi talaga maganda ang pakiramdam niya nang magising sa araw na iyon.

Nang akmang aalis na ay nagulat siya nang pumarada ang sasakyan ng ina sa harap ng kanilang gate.

“Jason, si Rick. Ilang taon na rin naman ang nakalipas nang mawala ang papa mo. Siguro nama’y hindi mo na ako pipigilang magpakasal sa ibang lalake. Wika ni Marilyn.

“Mama! Nahihibang ka na ba? Bakit mo papalitan si papa? Hindi ako makakapayag!” Sagot ni Jason.

Advertisement

Napansin niyang matalas ang tingin sa kaniya ng lalakeng si Rick.

“Oh, ano? May problema ka ba sa akin?” Paghahamon niya dito. Hindi na niya alintana pa ang laki ng katawan nito.

“Ay, hijo, wala naman akong problema. Malinis ang intensyon ko sa mama mo. Doon na lamang tayo mag-usap sa loob ng bahay niyo. Nakakahiya naman sa mga kapitbahay.”

Tila nahipnotismo naman si Jason at namalayan niya na lamang na nasa loob na sila ng kanilang bahay at nakaupo sa salas.

​”Mayabang ka, hindi ba? Ipakita mo. Sige, laban… Galaw!” Panghahamon ni Rick.

Nang akmang tatayo siya sa kinauupuan ay doon niya lamang napagtanto na nakagapos na pala ang kaniyang mga kamay sa likod ng upuan.

Unang pumasok sa isip niya ang ina.

“Mama!” Sigaw niya.

Advertisement

Nakaratay ito sa sahig at walang malay. May mahabang sugat din ito sa noo.

“Sino ka? Ano’ng kasalanan namin sa iyo? Bakit mo kami ginaganito? Mabubuti kaming mga tao!”

“Talaga ba? BWAHAHAHAH!” Saad ng tilang nababaliw nang si Rick.

Maya-maya’y nagkamalay na ang ina niya at lumapit ito kay Jason.

“Rick, ako na lamang ang saktan mo! Huwag mo nang idamay ang anak ko. Nagmamakaawa ako sa ‘yo!”

“Huwag kayong mag-alala! Kukuwentuhan ko kayo! Hindi ko kayo sasaktan, promise! Bwahahahah!” Saad nito habang hawak ang isang matalas na itak.

“Noong unang panahon ay mayroong isang lalakeng nagngangalang Joseph, ang palayaw niya ay Sepio. May asawa’t mga anak na ito ngunit hindi ito nakuntento. Niligawan niya ang isang babaeng nagngangalang Mireng. Ngunit dahil ayaw makasira ng pamilya ni Mireng ay umiwas ito ng husto kay Sepio. Sa halip na tanggapin niya ang desisyon ni Mireng bilang isang tunay na lalake ay binaboy ni Sepio si Mireng.” Tila nasisiraan na ng ulo si Rick. Tumatawa ito habang umiiyak.

“Lasing na lasing si Sepio nang pasukin niya sa silid si Mireng at pagsamantalahan. Hindi pa ito nakuntento, pinagtataga pa nito ang lupaypay na katawan ni Mireng.” Gulat na gulat si Jason sa narinig ngunit hindi niya pinaniniwalaan si Rick. Ang Sepio ba na kinukuwento nito ay ang kaniyang lolo? Hindi ito magagawa ng isang napakabait na taong gaya ng kaniyang Lolo Sepio!

Advertisement

“Tama na! Tama na, Rick! Oo, Jason! Nagawa ng lolo mo ang krimen na iyon ngunit pinagsisihan na niya ang kasalanang nagawa! Takot na takot na lahad ni Marilyn.

Napanganga si Jason sa nalaman.

“Mang Rick, tama na po! Ako na mismo ang hihingi ng tawad sa kaniyang nabiktima at sa mga kapamilya nito! Parang awa niyo na!” Pagsusumamo ni Jason.

“Magmakaawa ka na sa akin! Ako ang bunga ng kasalanang nagawa ng lolo mo! Kung tutuusin ay pamangkin kita, nakakatawa ano? Kung gaano siya kaamo sa inyo’y ganoon siya ka-demonyo sa amin! Ang masaklap pa doon ay ginamit ng lola ninyo ang pagka-pulis ng ama niya kaya’t naabsuwelto si Sepio sa kaso!” Humahagulgol na saad ni Rick.

“Minsan naiisip kong sana’y hindi na lamang nakaligtas ang nanay ko sa pangyayaring iyon para hindi na lamang ako pinanganak! Naranasan niyo na ba kung paano kutya-kutyain ng mga tao dahil wala kang nakagisnang ama!? Hindi ‘di ba!? Alam niyo ba’ng hanggang ngayon ay hindi maipadama sa akin ng ina ko ang pagmamahal niya dahil sa tuwing nakikita niya ako’y naaalala niya ang mapait na nakalipas?! Hindi!!!!!! Kaya’t dapat kayong mawala…..” Akmang uundayan na ng taga ni Rick si Jason ngunit humarang ang ina nito at tinamaan ito sa likod.

Nagulat naman si Rick sa ginawa ni Marilyn. Bakas sa mukha nito ang pagsisisi.

Agad itong tumalilis ng takbo at iniwan ang mag-ina.

Tumawag naman kaagad ng pulis at ambulansya si Jason upang mahabol si Rick at madala sa ospital ang ina.

Advertisement

“Ligtas na si Marilyn. Mabuti na lamang at hindi natamaan ang spinal cord niya. May guardian angel kasi kayo… Ang inyong Lolo Sepio.” Saad ng doktor na kilalang-kilala na ng kanilang buong pamilya.

“Hindi anghel ang lolo ko… May mga kasalanan siyang dapat pagbayaran…” Bulong ni Jason sa sarili.

Nahuli naman si Rick at agad itong ikinulong.

Mula noon ay nag-iba na ang tingin ni Jason sa kaniyang lolo. Siniguro niyang hindi siya gagaya dito at lalo pa siyang magpapakabuti.

Naging mas lalong malapit ang mag-ina sa isa’t-isa.

Natunton nila ang mga kamag-anak ni Rick at nag-abot ng tulong sa mga ito. Nadatnan pa nila doon si Lola Mireng. Humahagulgol si Marilyn at Jason nang niyakap ito.

“Wala kayong kasalanan sa akin. Matagal ko na ring napatawad si Sepio.” Saad ng pobreng matanda.