Grabe Kung Gipitin at Pagmalditahan ng Babaeng Ito ang Kanyang Asawa; Natameme Siya ng Gantihan Siya Nito sa Hindi Niya Inaasahang Paraan

Tatlong taon nang nagsasama ang mag-asawang si Butch at Lyn. Isang araw habang kumakain ng tanghalian ay napag-usapan nila ang tungkol sa isang kaibigan na malapit nang ikasal.

“Honey, tinatanong ni Nimfa kung pwede ka daw nilang kunin na photographer sa kasal nila ni Cholo? Next month na yun honey, ano ayos lang ba sa’yo?” tanong ni Lyn.

“Hon, sabihin mo kumuha na lang muna sila ng iba, medyo mahigpit kasi ang iskedyul ko dahil sa ginagawa kong proyekto. Natatandaan mo ba noon na sinabi ko sayo na gustong-gusto kong magpinta?

“Ito na yun honey, handa na akong magpinta kaya sa ngayon ang pokus ko muna ay ang pagpipinta. Tsaka pinakang pahinga ko na muna ito habang di pa ako kailangan sa negosyo natin,” pagpapaliwanag ni Butch sa asawa.

“Pero honey, nakakahiya naman kila Nimfa. Umaasa yung tao na pagbibigyan natin yung pakiusap nila. Bilib na bilib kasi sila sa talento mo sa photography kaya ikaw yung gusto muna nilang kunin,” pagpupumilit pa ng babae.

“Honey, matagal ko na rin naman pangarap na magkaroon ng eksibit ng mga larawang iginuhit at ipininta ko at alam mo naman di ba na ito yung first love ko? Yung pagguhit at pagpipinta?

Kaya honey, pakiusap na pagbigyan mo muna ako ngayon. May iba pa naman na photographer na pwede silang arkilahin eh,” pagpapaliwanag muli ng lalaki.

Nagsimula namang magtaas ng boses ang asawa, “eh ikaw nga kasi yung gusto nila!” sigaw ng babae.

Advertisement

At nagtaas naman na din ng boses ang lalaki, “pero busy nga ako! Ayoko ngang gawin!” sagot ni Butch.

Nang hindi mapapayag ang lalaki ay doon na ginamit ni Lyn ang kanyang espesyal na taktika sa asawa. Sa pamamagitan ng panggigipit sa asawa. Nasubukan na niya ang taktika na ito noon. Sinisigurado niyang matapos nito ay mapapa-oo din niya ang asawa.

“sige honey. Bibigyan kita ng tatlong araw para mag-isip. Kilala mo ako, hindi ako basta-basta sumusuko,” pananakot ng babae sa asawa.

“Teka, ano na namang binabalak mo? Umiiral na naman iyang pagkamaldita mo ha?” tanong ni Butch.

“Let’s just see kung anong mangyayari. Magkita na lamang tayo sa impyerno honey,” seryosong tugon naman ni Lyn.

Nagsimula nang kabahan si Butch. Alam na alam niya na may pagkamaldita ang asawa at hindi ito basta-basta nagpapatalo sa mga argumento. Kinabukasan ay nakaramdam ng gutom ang lalaki.

“Honey, anong ulam natin?” tanong ng lalaki.

“Hindi ako nakapagluto eh, busy kasi ako. May sardinas diyan. Magbukas ka na lang!” sagot ng babae.

Advertisement

“Sardinas, honey?” hirit ng lalaki.

“Bakit may reklamo ka ba? Kung gusto mo ng masarap na ulam, eh di magluto ka! Ikaw na rin ang mamalengke at mag grocery! Busy ako,” pagtataray naman ng babae.

Alam ni Butch na parte na ito ng panggigipit ng asawa, “nako, buti na lamang at may pera ako. Magpapadeliver na lamang ako ng masarap na pagkain,” bulong niya sa sarili.

Nang sumunod na araw, “honey, nakita mo ba ang pitaka ko?” tanong ng lalaki.

“Oh bakit ako ang tinatanong mo? Eh pitaka mo iyon, hindi ba? Burara ka kasi sa gamit,” malamig na tugon naman ng babae.

“Eh honey kailangan ko na kasi makaalis. Kailangan ako sa opisina ngayon, baka pwede mo naman hanapin saglit,” pakiusap ni Butch.

“Eh bakit hindi ikaw ang maghanap? Busy ako. May appointment ako ngayon sa salon at saka manicure at pedicure,” hirit naman ni Lyn.

“Pero honey– ” bago pa man matapos ni Butch ang sasabihin ay ibinagsak na ni Lyn ang pintuan at saka umalis.

Advertisement

“Nalintikan na. Paano ako magpapa-gas nito mamaya?” inis na bulong ng lalaki.

Hindi na nagugustuhan ni Butch ang panggigipit na ginagawa sa kanya ng asawa. Naisip niya na kailangan na niyang gumanti. Kailangan nang mahinto ang pagmamaldita ng asawa.

Kinabukasan habang nakahiga sa kama ay kinausap ng lalaki ay maybahay, “honey, kailangan nating mag-usap,” bungad ng lalaki sa asawa na nakahiga sa kama.

“Well, kung pumapayag ka nang maging photographer nila Nimfa, sige mag-usap tayo pero kung ibang topic ang gusto mong pag-usapan, inaantok na ako. Matutulog na ako,” sagot ni Lyn habang nakatalikod sa asawa.

“Lyn, importante ang sasabihin ko,” mahinang sabi ni Butch.

“Ano ba iyon?” pabalang na tanong ni Lyn.

“Gusto ko nang maghiwalay. Tutal hindi naman na tayo nagkakasundo eh, mas maganda kung maghiwalay na lang tayo,” seryosong sabi ng lalaki.

Hindi naman nakasagot agad ang babae na tila ba nakikiramdam. Tanging mga malalim na paghinga lamang ang maririnig dahil biglang naging tahimik bigla ang paligid.

Advertisement

“At isa pa Lyn, tatapatin na kita. May nakilala kasi akong babae eh. Mabait, maganda, at napakalambing. Sinabi niya sa akin na suportado niya ang mga pangarap ko. Siya pa nga mismo ang namimilit sa akin na magpinta ng magpinta,” pagtatapat ng lalaki.

Sobrang nagpipiit naman habang pinakikinggan ang mga sinasabi ng asawa.

“Lyn, wala naman ako nililihim sa’yo eh. Kung gusto mong malaman kung sino siya, ito ang litrato niya,” sabi ng lalaki habang iniaabot ang isang litrato.

Tumayo ang babae at saka siya binigyan ng mag-asawang sampal. Nanatiling walang imik lamang si Lyn, tila nagpipigil ng galit. Ibinilik naman ni Butch ang litrato sa bulsa ng pang-ibabaw niyang pantulog at saka nahiga.

Umupo naman ang babae sa gilid ng kama at nagsimulang lumuha. Sumunod ang ilang minuto ng katahimikan sa pagitan ng mag-asawa. Nakatulog na ang lalaki sa kanyang pagkakahiga. Nang mahimasmasan ang babae ay dahan-dahan itong lumapit sa kanyang asawa.

“Mahal naman kita eh. Sinusuportahan naman kita. Bakit kailangan mo akong lokohin? Bakit kailangan mong gawin sa akin ito?” mahinahong sabi ng babae.

Ilang sandali pa ay naisip niyang alamin ang babaeng ipinagpalit sa kanya ng asawa. Upang hindi magising ay dahan-dahan niyang hinugot ang litrato sa bulsa ng asawa. Nang makita ang larawan ay biglang nagliwanag ang mukha ng babae.

Unti-unting napilitan ng ngiti ang kanyang mga pagluha ng makuha sa bulsa ng asawa ang kanyang litrato. Biglang bumagon ang lalaki at saka yumakap ng mahigpit sa asawa.

Advertisement

“Honey naman. Ikaw yung babae na tinutukoy ko. Ikaw yung magandang babae sa larawan na sumusuporta sa akin at nagmamahal. Ikaw ang nagsabi sa akin noon na sundin ko ang mga pangarap ko.

“Ikaw nga ang unang naniwala sa akin noon na kayang-kaya kong gumuhit at magpinta at ipinapaalala ng litratong iyan ang dating ikaw,” pagpapaliwanag ng lalaki.

“Patawarin mo ako honey. Patawarin mo ako kung napaparusahan kita para lang masunod ang gusto ko. Simula ngayon ay magbabago na ako. Hindi na kita muling gigipitin.

Basta ipangako mo lamang na hinding-hindi mo ako ipagpapalit sa ibang babae ha?” malumanay na sabi ni Lyn.

“Nako. Kahit naman gipitin mo ako ng sobra ay hindi naman kita ipagpapalit sa iba. Ikaw lang ang nag-iisang babae sa puso ko at mahal na mahal kaya kita,” matamis na sambit ni Butch.

Maya-maya ay tumayo si Lyn at may dinukot galing sa ilalim ng kama, “honey, eto na pala yung pitaka mo, bati na tayo!” natatawang sabi ni Lyn.

Sabi nila ay wala daw perkpektong relasyon dahil wala namang perpektong indibidwal, pero tila langit ang isang pagsasama pag mayroong isang laging handang umunawa at magparaya.

Minsan sa tuwing may pagtatalo o hindi pagkakaintindihan ay hindi mahalaga kung sino ang unang hihingi ng paumanhin. Ang importante ay pareho ninyo gustong magtagal ang relasyon at parehas ninyong gusto na maging magkasama panghabambuhay.