Malapit nang Ikasal ang Magkasintahan Ngunit Nagkasakit ang Dalaga, Isang Nakakapanghinang Balita Naman ang Narinig ng Binata Mula sa Nurse

“Wala na po siya..” Tugon ng nurse na nasa information counter ng ospital nang tanungin ni Kenneth kung nasaan ang pasyenteng si Clarisa na nakaconfine sa Room 173.

Si Clarisa ay girlfriend ni Kenneth for 8 years at napagkasunduan na nga nilang dalawa na magpakasal na sa susunod na taon. Ang magkaisntahan ay punong-puno ng matatayog na pangarap. Kahit dalawang taon na silang nagsasama, maigi nilang pinagplanuhan ang pagpapamilya, sa katunayan ay nagtiis at nagpigil sila na mabuntis si Clarisa sa takot na mapurnada ang magagandang plano at pangarap nilang ito.

Ngunit ngayon ngang wala na si Clarisa, paano na ang kanyang mga bukas na darating? Sino na ang kasama niyang bumuo ng pangarap na sa tagal makumpleto ay tila jigsaw puzzle na may mga maliliit na piraso? Paano ba siya gigising sa umaga kung wala na ang kaisa-isang dahilan ng kanyang pagbangon?

Sino na ang kasama niya tuwing gabi na bumilang ng mga bituin sa langit? Paano ba siya bubuo ng tahanan kung ang haliging susuhay rito’y ipinagdamot ng tadhana?

Sapo-sapo ni Kenneth ang kanyang noo tila ba mahuhulog ito kasabay ng mga luha niyang bigla na lamang pumatak nang marinig niyang wala na nga si Clarisa. Napasandal siya sa pader at walang lakas na napaupo at napahagulgol sa labis na galit at kalungkutan. Kung bakit naman kasi sa dinadami ng mga araw ay ngayon pang araw nawalan ng power ang battery ng kanyang cellphone.

Marahil ay tumatawag sa kanya ang mga kapatid ni Clarisa nang mga sandaling nag-aagaw buhay ito, nakausap man lang niya sana ito kahit sa huling sandali. Marahil ay galit sa kanya ang ina ni Clarisa dahil sa pag-aakalang pinabayaan niyang bawian ito ng hininga habang pangalan niya ang hinahanap at tinatawag.

“Bakit kinakailangang ilabas agad nila ng ospital si Clarisa ng hindi ipinaalam sa akin?”tanong niya sa sarili.

Advertisement

Magulo ang isip ni Kenneth. Naghahalong emosyon ang namamayani sa kanyang puso.

Kung gaano siya kasaya kaninang umaga, napalitan ito ng kawalan ng pag-asa.

Sana hindi na siya pumasok sa opisina. Kaya pala nagdadalawang-isip siya ng umagang iyon, kaya pala tila may bumubulong sa kanyang isip na siya’y magdiretso na sa ospital. Kung alam niya lang na sa wala mauuwi ang kanilang pagsasama at pagluha ang katumbas ng lahat ng kanyang pagsisikap, hindi na sana niya pinanghinayangan ang anumang kanyang kikitain at lahat ng ito’y ginastos at ginamit niya upang mapaligaya ang kinakasama. Para saan pa ang kanyang mga naipon? Sino na ang paglalaanan niya nito?

Alam ni Kenneth, maghahari na ang kalungkutan sa kanilang bahay na kailan lang ay halakhak nilang dalawa ang namamayani. Magiging kalbaryo ang kanyang bawat araw. Magiging madilim ang kanyang gabi at pati na ang umagang darating.

Matagal bago muling mabuo ang pangarap na gumuho. Matagal bago muling makabangon mula sa pagkakadapa. Hindi niya batid kung kalian sisilay muli ang napingasan niyang ngiti. Hindi niya alam kung kailan muling makakakita ng liwanag ang kanyang matang nahilam ng luha.

Kagabi lang galing siya sa ospital. Masaya pa silang nag-uusap ni Clarisa at halos hindi na nila na naging paksa ang kanyang karamdaman dahil tuluyan nang bumaba ang platelets ng nobya, sensyales na pawala na ang dengueng apat na araw nang nagpapahirap sa kinakasama.

Advertisement

Pinag-usapan nila ang detalye ng kanilang kasal sa susunod na taon at planong pagbubuntis ng taon ding iyon, ang napipintong promotion ni Clarisa sa trabaho bilang manager ng Purchasing Department sa kumpanyang pinapasukan nito at ang balaking pag-aabroad ni Kenneth sakaling may dumating na magandang oportunidad.

Kaya hindi sukat akalain ni Kenneth na sa kisapmata’y wala na si Clarisa! Wala na ang kanyang buhay, wala na ang kanyang bukas. Marami nang dengue case kasi ang humantong sa ‘di inaasahan at tumuntong sa biglaang kamatayan kahit sabihin pang bumuti na umano ang lagay ng biktima. Pag-aakalang umokay na ang pasyente ngunit sa kabila ng nakaantabay na mga nurse at doktor, availability ng mga medical equipment ng ospital ay hindi pa rin naisalba ang buhay ng dengue victim.

“Sir, sir…” tinatapik-tapik ng nurse si Kenneth na nakatungo ang ulo, nakasalampak sa sahig at nakasandal sa pader. Mugto ang nga mata, sumisinok-sinok na halatang galing sa isang pag-iyak. Narinig niya ang nurse ngunit wala siyang pakialam sa sasabihin nito, bahagyang iniangat niya ang kanyang ulo.

“Sir, ang ibig ko pong sabihin ng ‘wala na siya’ ay nadischarge na po siya, si Ma’am Clarisa. Gusto na raw po niyang umuwi dahil gusto niya raw pong i-celebrate ang anniversary ninyo. Heto nga po ‘yung waiver na pinirmahan niya kanina.” Mahabang paliwanag ng nurse.

Tulala si Kenneth dahil sa narinig niya mula sa nurse.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon.

Anniversary nila kahapon.

Advertisement

Ano ang masasabi ninyo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong opinion sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.