Isang Lalaki ang Nawalan ng Pag-asa Matapos Masunugan at Manawakan, Nagpatuloy Pa Rin Kahit Mahirap

Bilib na bilib ang lahat kay Rene. Bukod sa siya’y napakasipag ay napakamadiskarte rin niya. Kaya naman, hindi na nakakapagtaka na nakapagtayo siya ng sarili niyang mga negosyo.

Bukod sa siya’y mayroong grocery ay mayroon din siyang tubigan na regalo naman niya sa kanyang misis na si Carol.

Dahil sa kanilang maayos na kita galing sa kanilang mga negosyo ay napag-aral nila ang kanilang apat na anak sa maaayos na paaralan.

“San niyo gustong mag kolehiyo mga anak?” tanong niya sa apat.

“Gusto ko pa kasi mag engineering. Pwede ba kong mag MAPUA?” sambit ng panganay.

“Gaya-gaya naman! MAPUA rin ako eh,” sabi ng pangalawa sa magkakapatid.

“Basta ako pa, gusto ko parin mag-piloto talaga. Pero kahit saang school ay okay lang po,” nakangiting sabi ng bunso.

“Hindi ko pa alam kung san ko gusto pa eh,” sabi naman ng pangatlo.

Advertisement

“O sige walang problema, basta ang sa akin lang ay palagi kayong mag-aaral ng maayos ha? Ibigay niyo palagi ang best niyo. Lalo na kapag nagtatrabaho na kayo,” sagot niya sa kanyang apat na anak.

Walang naging problema ang kanilang pamilya pagdating sa pera. Maging ang pagsasama nila ng kanyang misis ay maayos dahil palaging nakasuporta si Carol sa kahit anong desisyon ng mister.

Holy week noon nang magpasyang mag out-of-town trip ang pamilya kasama ang iba pa nilang kamag-anak.

“Excited na ba kayo?” nakangiting tanong niya sa kanyang mga anak.

“Oo naman, pa. Tagal na kaya nating hindi nakikita sina Tita Helen saka sila Marcus!” masayang sagot ng anak niya.

Nagpunta ang mag-anak sa isang beach resort sa Batangas. Sulit na sulit talaga ang kanilang bakasyon dahil halos lahat sila ay umuwing pagkaiitim na.

“Nognog ka na ate ah?” pabirong sambit ng bunso sa magkakapatid.

“Oh talaga? Ikaw nga ‘di na kita makita eh,” sagot naman ng isa.

Advertisement

Punong-puno ng tawanan, kantahan at kulitan ang kanilang sasakyan habang sila ay pauwi na.

Ngunit lahat sila’y hindi inasahan ang trahedyang sasalubong sa kanilang pag-uwi.

Wala na ang kanilang bahay. Habang silang lahat ay nasa bakasyon ay nasusunog na pala ang kanilang tahanan.

Walang natira sa kanilang mga gamit kahit isa. Ang lahat lamang ng damit ay gamit na kanilang nadala noong kanilang outing ay ang mga natitirang ari-arian nila.

Gusto mang magsalita ni Rene ngunit nang buksan niya ang kanyang mga bibig ay wala ni isang salita ang lumabas rito.

Na-depress ng sobra-sobra si Rene.

Sila’y nakitira muna sa kanyang kapatid na si Helen.

Unti-unti silang nakabangon at nakalipat nang muli sa kanilang bagong tahanan.

Advertisement

Hindi ito kasing laki ng unang bahay nila ngunit para sa kanila ay sapat na ito. Ang mahalaga lamang sa kanila ay mayroon silang matutulugan.

Ngunit ang buong akala nila na tapos na ang delubyo ng buhay nila ay mali pala.

Isang gabi nang ang lahat ay tulog na, nilooban ang grocery store nila at tinangay ang lahat ng pera kasama pa ang maraming bilihin dito.

Nai-report naman nila sa pulisya ang pangyayari ngunit alam niya sa kanyang sarili na hindi na maibabalik pa ang mga gamit sa kanya.

Hindi na alam ni Rene kung anong gagawin sa kanilang mga problema. Kakabangon pa nga lamang nila mula sa pagkakasunog ng kanilang bahay, ay mayroon na namang papalit na problema.

Kahit na ba’y mayroon silang tubigan pa, ay mas malaki ang kinikita nila sa kanilang tindahan, at dito nila inaasa ang karamihan sa kanilang mga gastusin.

Ang kanilang mga anak ay pansamantala munang tumigil sa pag-aaral. Kahit masakit sa kanila ang hindi makapag-aral ay tinanggap nila ito ng buong puso.

“Pasensya na kayo mga anak ha. Hayaan niyo magsisikap pa lalo ang tatay,” ani niya sa mga anak.

Advertisement

“Okay lang po pa. Problema lang ito. Mas matatag tayo sa kahit ano pa mang problema,” sagot naman ng kanyang panganay.

Imbis na magmukmok si Rene ay minabuti niyang maghanap ng isa pang trabaho pangdagdag sa kanilang mga gastusin.

Unti-unti nilang sinubukang simulan muli ang kanilang grocery. Mula sa pakunti-kunting tinda ay nadadagdagan pa nila ang laman ng kanilan g tindahan.

“Anak, magkano ulit ang tuition mo ngayong sem? Alamin mo na ha para mabayaran na at makapasok na kayo ulit. Ganoon din ang gawin nyong tatlo,” bilin niya sa kanyang mga anak.

Laking tuwa ng kanyang mga anak na sila’y makakapagaral muli!

Taon ang lumipas nang sila’y tuluyang nakabawi sa lahat ng nawala sa kanila. Dahil sa kanyang kasipagan at dahil rin sa suporta ng kanyang pamilya ay hindi lamang nila nabawi ang nawala sa kanila, ngunit dumoble pa ito.

Kung noon ang bahay nila bago nasunog ay hanggang dalawang palapag, ngayon ay nadagdagan pa ito ng isa pa at mayroon pang malawak na garahe para sa kanilang dalawang sasakyan!

Ang kanilang grocery store naman ay naging triple rin dahil nakapagpatayo sila sa dalawa pang lugar.

Advertisement

Bukod sa kasipagan ni Rene, isang malaking rason din ng kanyang tagumpay ay ang hindi niya pagsuko.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!