Pinalayas ng Misis ang Babaerong Mister, Napakalaki Pala ng Magiging Epekto sa Kanilang Anak

Masayang namumuhay ang pamilya ni Karen at Paulo kasama ang kanilang anak na si Karla. Isang Accounting Officer si Paulo habang si Karen naman ang nagbabantay sa kanilang anak.

“Anak ganito ang tamang pagsisipilyo, turuan ka ni mama.” Wika niya.

“Mama, ganito po ba?” Tanong ng bata.

Hindi naman maiiwasang ginagabi si Paulo minsan sa trabaho at naiintindihan naman ito ng mag-ina. Kung minsan ay hindi niya na ring naabutang gising pa ang kaniyang anak.

“Grabe ang pagod ko ngayon hon, daming pinapagawa ni boss.” wika niya.

“Halika kumain ka na para makapag pahinga na tayo.”

Sinabayan ni Karen ang asawa sa pagkain habang sila ay nagkukwentuhan, yun na lamang ang kanilang libreng oras para makapag kamustahan. Pagkatapos kumain ay humiga na si Karen sa kanilang kama at si Paulo naman ay gumamit ng banyo. Biglang tumunog ang telepono ni Paulo na nasa tabi lamang ni Karen at ito ay kaniyang tiningnan.

“Love thank you sa movie date ha.” ayon sa text. Binuksan na ni karen ang iba pa nitong mensahe at laking gulat niya sa mga nabasa. Ang kaniyang asawa ay may babae at ito ang dahilan kung bakit siya laging ginagabi.

Advertisement

“Hon.” Bungad ni Paulo nang makita na hawak ng asawa ang kaniyang cellphone.

“Sino to ha? Sinong babae mo?”

“Hon wala yan, pampalipas oras ko lang yan.” Paliwanag niya.

“Kaya pala hatinggabi ka na umuuwi, yung anak mo hindi mo magawang ipasyal tapos etong babae mo dinidate mo pa!”

Lumipat si Karen sa kwarto ng anak at doon natulog ng gabing iyon, hindi muna siya ginambala ni Paulo dahil nakita niya ang galit sa kaniya ng misis. Kinaumagahan ay maaga siyang pumasok, hindi siya nagpagabi ng araw na iyon at agad ding umuwi kinahapunan, ngunit nasa labas na ng bahay ang kaniyang mga gamit.

“Hon, papasukin mo ako, please, wala akong pupuntahan.” Sigaw niya sa pinto.

“Lumayas ka dito, hindi ako papayag na isang baabero ang magpapalaki sa anak ko.” sagot ni Karen.

Sinaraduhan na nga siya nito ng pinto at wala siyang nagawa kundi makituloy muna sa isa niyang kaibigan. Binigyan niya ng panahon ang kaniyang asawa para mapag-isa ngunit hirap siyang magtrabaho dahil palagi itong sumasagi sa isip niya.

Advertisement

“Paulo, ano ba tong report mo napakagulo, ano bang nangyayari sayo?” Wika ng boss niya.

“Sorry Sir, uulitin ko na lang po.” Sagot niya.

Hindi rin naging madali para kay Karen ang pag-alis ng asawa, lalo na sa kanilang anak, naging malungkutin ito at palaging walang ganang kumain.

“Mama busog na po ako. Play po muna ako.” Wika ng bata.

“Ang konti ng kinain mo anak, ayaw mo ba ng ulam?”

Hindi na nga ito sumagot at diretsong naglakad papunta sa kanilang balkonahe kung saan ito palaging naglalaro. Matapos magligpit ng pinagkainan ay pinuntahan niya ang anak at nakita itong nakahandusay sa sahig.

“Karla!” Sigaw niya.

Agad niya itong binuhat at dinala sa pinakamalapit na ospital. Ipinaalam niya rin kay Paulo ang nangyari sa anak at agad naman itong pumunta sa kinaroroonan nila.

Advertisement

Ayon sa doktor ay wala silang dapat ikabahala dahil ang pagkahimatay ng bata ay dulot lamang ng kaniyang mahinang katawan, pinagbilinan sila nito na pakainin ng tama si Karla at iwasan ang pagbibigay ng stress sa kaniyang murang edad.

“Hon patawarin mo na ako, pangako wala lang yun, mahal ko kayo ni Karla, at gagawin ko lahat para mabuo ulit ang pamilya natin.” Wika ni Paulo.

“Patatawarin kita ngayon alang-alang sa anak ko, pero oras na lokohin mo ulit ako, ako mismo ang lalayo sayo.” sagot ni Karen.

Tinupad ni Paulo ang kaniyang pangako at tinigilan na ang pagiging babaero, hindi niya matatanggap kung may masamang mangyayari sa kaniyang anak dahil sa kaniyang kapabayaan.

Nang makalabas si Karla sa ospital ay dinala niya sila sa isang mahabang bakasyon upang makabawi sa kaniyang mag-ina. Nakita naman ni Karen ang pagsusumikap ng asawa at muling nabuo ang kanilang pamilya.

Kailanman ay hindi naging madali ang pag-aasawa, nariyan ang kaniya kaniyang kahinaan ng dalawang mag-asawa ngunit ang kung totoo at wagas ang pag-ibig ay malalampasan ang anumang pagsubok basta’t magkasama.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!