Sugarol ang Misis at Walang Pagpapahalaga sa Pamilya, Nganga Siya Nang Ipagpalit Siya ni Mister sa Isang Beki

Maaga pa lang ay maririnig na ang maingay na bunganga ni Betty sa kabahayan. Kaya naman kahit na mahimbing pa ang tulog ni Dante aynapapabangon na lamang siya nang hindi oras.

”Cardo! Mag-igib ka nga ng tubig! Lintik kang bata ka wala ka ng ginawa kundi tumambay!”malakas at pagalit na wika ni Betty sa kanyang panganay na anak. Ito na halos araw araw ang almusal nila sa umaga– ang bunganga ni Betty na umaabot pa sa kabilang bayan.

Honey, minsan na lamang ako nandito. Baka naman pwedeng bawasan mo na ang init ng ulo mo.”pakiusap ni Dante sa misis niya.

Isang construction worker ang lalaki. Sa Antipolo siya nakadestino kaya naman lingguhan siya kung umuwi.Mapupunta lamang kasi sa pamasahe ang kikitain niya kung araw araw siyang uuwi ng bahay.

Pero di man lang iyon naiisip ni Betty, kapag uuwi siya ay palaging nakasimangot ang mukha nito at ni wala man lang pag aasikaso. Advertisement

Wala na siyang ibang narinig rito kundi reklamo at daing sa buhay. Kesyo wala na raw silang unlad, hindi raw ito ang pangarap nitong buhay, buti pa ang kumare nito at kung anu ano pa. Sa totoo lang ay sinusubukan naman ni Dante ang lahat, kapos lang talaga.

Kapag nga umuuwi si Dante ay siya pa ang maghuhugas ng tambak na maruruming pinggan. Ang misis niya ay abala sa pagtotong its, mahjong, minsan ay sa bingo. Kapag naman tinawag niya ito ay galit pa at ipapahiya siya sa harap ng mga kapitbahay.

“Ano ba! Letseng ito, nasa akin ba ang kaldero?!” galit na sabi nito isang beses na tinawag niya ito sa sugalan.

“Ang mga bata kasi, iniwan mo sa bahay na di pa kumakain. Kung di ako dumating, paano sila?” tanong niya rito.

“O edi pakainin mo, ang dami mo pang sinasabi nandyan ka na rin lang!” walang pakialam na sagot nito.

Napapailing nalang na bumalik si Dante sa bahay nila Ganito palagi ang nangyayari, maiintindihan niya kung siya lamang ang napapabayaan ng kanyang misis pero ang masakit, pati mga anak niya ay nalilipasan ng gutom.

Isang araw ay abala si Betty sa pagto-tong its, iniwan nya lang ng almusal ang mga bata kanina. Bahala na ang mga ito sa tanghalian, baka umutang nalang ang panganay nya sa tindahan.

“P*ta, ang askad ng baraha ko!” pailing iling na sabi ni Betty, tila minamalas yata siya sa mga nabubunot nya.

Advertisement

“Oy, nasa akin ang swerte, “sabi ng kumare niyang si Daisy, ang ganda ng ngiti nito dahil mukhang panalo.

“Mareng Betty, kinausap mo na ba si Pare tungkol sa chismis na kumakalat?” tanong ng isa niya pang kalaro sa sugal. Napatingin naman si Betty, anong chismis ba ang tinutukoy nito?

“Nako, hindi mo alam?!” tila nabasa nito ang ekspresyon sa mukha nya. Umiling naman siya bilang sagot, di maganda ang kutob nya.

“May kinakalantari raw iyang asawa mo, usap usapan na rito sa Barangay. Huli ka sa balita! Ang masakit pa mare, para bang bakla raw iyong pinalit sayo.” sabi ni Daisy.

Ano?! Ang hayop na lalaki! Ipagpapalit nalang rin siya ay sa bading pa!

Galit na galit si Betty na tumayo na at umuwi sa bahay nila, mag iisip siya ng gagawin.

“Huy mare! Saan ka pupunta?” tawag ng mga ito pero di na niya pinansin.

Pag uwi niya ay napagpasyahan niyang wag na munang sugurin ang bading bagamat alam niya naman kung saan ito nakatira, sa dami ba naman ng chismosa sa kanila.

Advertisement

Hihintayin niya ang mister at sabay niyang pag uuntugin ang mga ito. Papipiliin niya rin ang kanyang asawa. Malakas ang loob niya dahil alam niyang siya ang pipiliin nito.

Pagdating ng lalaki sa bahay nila ay sinalubong niya ito ng sampal.Tila naman di na ito nagulat.

”Damuho ka, Dante! Ipagpapalit mo nalang ako sa bakla pa!”

“Alam mo na pala,” simpleng sagot nito.

Napanganga si Betty, at hindi man lang natinag ang ungas! Nagulat pa siya nang dire diretsong pumanhik ang lalaki at nag empake ng gamit, pagbaba nito ay kasama na ang mga bata.

“Sasama na ako kay Antonette, hindi ko na kaya Betty,” sabi nito at lumabas na.Di makapaniwala ang ale. Galit na galit siya, sinundan niya ang asawa na nagtungo sa bahay ng bakla. Kinalampag nya ang pinto ng bahay nito.

“Hoy baklang nuknukan ng landi at ambisyosa! Lumabas ka riyan!”malakas niyang katok.

Bumukas ang pinto at tumambad ang asawa niya at si Antonette. Advertisement

“Nasaan ang mga bata?” aniya dito. “Ang kapal ng mukha nyo! Dinala niyo pa talaga sa kalokohan niyo ang mga anak ko!”

Agad niyang tinawag ang dalawa ngunit nang makita siya ng mga ito ay walang reaksyon, ni walang lumapit sa kanya.

Kaya naman pumasok na siya at pilit na kinuha ang dalawang bata at sinubukang kaladkarin palabas ng tahanan.

”Papa! Tita dito lang po kami sa inyo. Ayaw po naming sumama kay Mama, lagi lang po niya kaming pinapalo at pinapagalitan. Hindi rin po kami pinapakain ni mama at tsaka hindi po kami inaalagaan,” sunod-sunod na sumbong ng umiiyak na dalawang bata.

“Kita mo na, lumayo ang loob ng mga bata sayo Betty.” turan ni Dante sa kanya.

Umuwing bigo at sising-sisi si Betty. Nasa isip niya kung huli na nga ba ang lahat para sa kanya–higit lalo sa kanyang pamilya.

Simula noon ay pinilit niyang baguhin ang sarili niya. Kinontrol niya ang sariling hindi na maglaro muli ng mahjong o anumang sugal.

Ilang buwan lang ang lumipas ay nagulat siya nang bigla na lang umuwi sa kanya ang kanyang mag-aama kasama si Antonette, “Sinosoli ko na sila sayo. Ang totoo ay magkaibigan lang talaga kami ng asawa mo. Pinag-usapan lang namin to para maisip mo nag halaga ng pamilya mo.”