Palaging Tinatanggihan ni Misis si Mister, Nang Di na Makatiis ay Ito ang Ginawa ng Lalaki

Isang matinik na pulis si Randy. Hinahangaan siya ng mga kasamahan dahil lahat ng kasong hinahawakan niya ay nareresoba niya agad. Masuwerte rin siya sa asawa niyang si Yoly na bukod sa maganda na ay seksi pa, pagdating sa kama ay hindi masyadong masaya ang lalaki sa kanyang misis.

“Hon, tulog na ang mga bata, baka naman puwedeng maka-score?” malambing na bulong ni Randy.

“Pagod ako, hon! Marami akong ginawa dito sa bahay kaya wala akong gana ngayon!”

“Sige na naman, sagilit lang natin gagawin!”

“Huwag matigas ang ulo, hon! Gusto ko nang magpahinga!” pakiusap ni Yoly.

Hindi na ipinilit ni Randy ang gusto niya sa asawa at hinayaan na lang itong matulog.

Kinaumagahan, sa opisina ay tampulan na naman ng tukso si Randy ng kanyang mga kasamahan.

“Pare, mukhang hindi ka na naman pinagbigyan ng misis mo kagabi ah!” sabi ng kasamahan niyang si Eddie.

Advertisement

“Oo nga, p’re hindi ka na naman ba naka-score kaya hindi na naman maipinta iyang mukha mo?” pang-aasar pa ni Igor.

“Sinabi niyo pa! Ewan ko ba kay misis at palaging pagod na lang kapag niyayaya ko!”

“Baka naman kasi hindi na nasisiyahan sa iyo si kumare kaya nagpapagud-paguran para hindi ka maka-porma!”

Napakamot na lang sa noo si Randy sa pang-aasar ng mga kapwa pulis. Ang tanong sa sarili ay kung may pagkukulang nga ba siya sa asawa o sadyang marami lang talaga itong ginagawa sa bahay, idagdag pang pagod sa pag-aalaga sa dalawa nilang anak kaya palagi itong walang gana kapag yayayain niya?

Isang gabi, muling niyaya ni Randy si Yoly ngunit tinanggihan na naman siya nito dahil masakit daw ang katawan kakalinis ng banyo at kusina. Sa sobrang inis niya ay lumabas siya ng kuwarto.

Maya-maya ay nagising si Yoly at nakitang wala ang mister sa kama.

“Nagtampo yata ang loko!” wika ni Yoly sa sarili.

Lumabas siya ng kuwarto at napadako sa kusina. May narinig siyang humahalinghing sa loob ng kuwarto ng kasambahay nilang si Alona. Tahimik niyang pinakinggan ang mga ingay na nagmumula sa loob.

Advertisement 

“Ay, hihi! Huwag diyan at may kiliti ako diyan, ahihi!” halinghing ng babae.

Kinabahan siya narinig sa loob ng kuwarto ng kasambahay.

“Diyos ko! Huwag sanang tama ang hinala ko!” aniya.

Alas sais ng umaga nang gumising si Yoly. Napansin niyang tulog na tulog pa rin ang mister at halatang puyat.

“Humanda ka sa akin, kapag nahuli ko kayo!” inis niyang bulong sa sarili.

Malakas ang kutob ni Yoly na may nangyayaring kababalaghan sa loob ng kanilang bahay, na mayroong namamagitan sa kanyang asawa at sa kasambahay nilang si Alona. Sa isip niya ay baka dahil sa hindi niya napagbibigyan ang mister sa gusto nito kaya si Alona ang pinunpuntirya ng mahilig niyang asawa.

Habang nasa kuwarto ay nagparamdam na naman si Randy.

“Hon, hindi mo pa rin ba ako mapagbibigyan? Miss na miss na kita.” wika ng lalaki sabay halik sa leeg ni Yoly.

Advertisement

“Pagod ako, hon! Huwag ngayon, please!”

“Please naman, hon! Ilang araw mo na akong hindi pinagbibigyan!”

“E, sa pagod nga ako! Kung gusto mo ikaw ang maghapong gumawa dito sa bahay at mag-alaga ng mga anak natin! Gusto mo palit tayo ng sitwasyon?”

Hindi na nagpumilit pa si Randy nang magsalita na si Yoly. Ayaw niyang humaba pa ang usapan nila kaya minabuti niyang lumabas sa kuwarto at iwan itong mag-isa.

“Pupuntahan niya ang gaga!” bulong ni Yoly.

Naghintay muna siya ng ilang minuto bago sundan ang mister. Maya-maya ay bumangon na siya sa kama at lumabas ng kuwarto.

Agad niyang pinuntahan ang kuwarto ni Alona at muling nagmatyag. May narinig na naman siyang mga halinghing sa silid ng kasambahay.

“Nakikiliti ako, hihi! Dahan-dahan lang!”

Advertisement

Nag-umpisa ng magsalubong ang kanyang kilay at agad na kinatok ng ubod lakas ang pinto ng kuwarto.

“Hoy! Lumabas kayo riyan, mga hayop kayo!” sigaw niya.

Hindi naman nagtagal ay may nagbukas ng pinto.

“A-ate, bakit po?” tanong ni Alona na nakatakip ng kumot ang katawan.

“At nagmamaang-maangan ka pa? Sino ang kasama mo sa kuwarto?”

Laking gulat ni Yoly nang lumabas din ang kasama ng kasambahay.

“Kayo ho pala, misis! P-pasensiya na po. Nakakaabala po ba kami ni Alona?” nahihiyang sabi ng houseboy nilang si Jerome.

“J-jerome? Ikaw ang..”

Advertisement

“Sorry po ate! Sa susunod po hindi na kami mag-iingay,” wika ni Alona.

Nalaman niyang matagal na palang may relasyon si Alona at ang kanilang houseboy kaya pala may milagrong ginagawa ang mga ito sa kuwarto ng kasambahay.

“Kung hindi ikaw, nasaan ang asawa ko?” nagtatakang bulong ni Yoly sa sarili.

Pabalik na siya sa kuwarto, kukunin niya sana ang cellphone. Ite-text niya ang mister at tatanungin kung nasaan ito nang mapansin niyang bukas ang ilaw sa kusina.

“Randy?” gulat na wika niya.

Nasa harap ng ref ang lalaki, hawak hawak ang isang pitsel ng malamig na tubig. Napansin niya ang isa pang pitsel na wala nang laman sa ibabaw ng mesa.

“I-Ininom mo lahat iyan?” di makapaniwalang tanong niya ulit.

Tila nahihiya naman ang lalaki na tumango, “Ano, para lamigin ako. Sige na susunod na ako mamaya doon, sleep kana.”

Advertisement

Napangiti si Yoly, alam niyang ito ang paraan ng lalaki para tanggalin ang init sa katawan. “Hindi mo naman kailangang gawin yan eh,”

Napakamot sa ulo si Randy, “Pasensya kana.Ayaw kong pilitin ka kasi nire-respeto kita. At pagod kana rin kasi talaga rito sa bahay. Lalong hindi ko kayang humanap ng iba makaraos lang. Kaya ganito na muna hanggang ready kana.”

Sa sobrang tuwa ay nayakap ni Yolly ang mister, ngayon niya lang naisip na nagkukulang na pala siya rito bilang misis.

“W-Wag mo akong lapitan, misis naman eh.”

Hindi niya na sinagot ang lalaki, sa halip ay hinalikan nalang ito.

Mula noon ay may panahon na siyang pagbigyan ang hilig ng kanyang mister, ang gampanan ang kanyang responsibilidad bilang asawa at bilang babae.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!