Kapag Puso ang Nagpasya

Kapag tumibok nga naman daw ang puso ay wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kahit na ilang beses ka nang pinigilan ng mga tao, ilang beses inusig ang paniniwala mo. Pero kapag puso ang nagpasya, minsan mahirap talagang baliin na.

Parang ang kwento ng dalagang si Joyce, 25 anyos lamang siya noong na-inlove siya sa kaniyang nobyo na si Jeremy. Mas matanda sa kaniya ang lalaki ng limang tao.

“Uy, alam mo Joyce, feeling ko lang naman ay ginayuma ka niyang si Jeremy. Tingnan mo nga, paano mo nagustuhan yung ganyang lalaki? Wala kang magiging kinabukasan diyan,” saad ni Jenny, isa sa mga kaibigan ng dalaga.

“Mahal ko siya, yun lang yung tanging rason na mabibigay ko sa’yo. Saka walang gayumang naganap, kusa akong nahulog sa kaniya. Hindi niyo pa lang kasi siya kilala kaya ganyan ang iniisip niyo sa kaniya,” saad naman ng dalaga na halatang labis na nasasaktan mula sa mga naririnig sa kanyang mga kaibigan.

“Ito naman, hindi naman ako nagpapaka-impokreta pero paano ka bubuhayin niyang sinasabi mong pag-ibig? Walang permanenteng trabaho si Jeremy, walang bahay. Sige nga, paano ka?” tanong muli ni Jenny dito.

“Sus, e ‘di ako ang magtratrabaho. Hindi naman ibig sabihin na walang trabaho ngayon ay wala ng trabaho habang buhay. Saka hindi naman pera ang papakasalan ko, kundi siya mismo,” natapang na sagot ni Joyce sa kaibigan.

“Siya ikaw ang bahala, huwag mo akong iiyak pagdating ng araw kapag lubog na kayo sa utang at wala na kayong makain,” baling pang muli ni Jenny.

Hindi na lang pinansin ni Joyce ang kaibigan at inasikaso na lang ang ginawa niyang souvenir para sa kanilang kasal.

Advertisement

Dalawang taon pa lang na magkasintahan sina Joyce at Jeremy ngunit nagyaya na ang lalaki na magsama sila bilang mag-asawa. At dahil gusto ni Joyce na kasal muna sila ay naipilit niya kahit nga sa huwes lang muna.

“Mahal, pasensya ka na. Dito na muna tayo makikitira kina mama, may sarili naman tayong kwarto kaya may privacy pa rin,” saad ni Jeremy sa babae.

“Wala iyon, kahit pa saang bahay tayo tumira basta’t magkasama tayo ay ayos na,” sagot naman ni Joyce at saka nila pinagsaluhan ang unang gabi bilang mag-asawa.

Wasak na wasak si Joyce nung nakilala siya ni Jeremy, paano’y kakahiwalay lang niya noon sa nobyo niya ng sampong taon pero biglang nagpakasal sa iba.

Kaya napakaraming nagkainteres noon kay Joyce, napakaganda kasi ng babae. At sa dami ng lalaking sumubok ay tanging si Jeremy lang ang hindi siya binastos. Pinakita sa kaniya ng lalaki kung ano ang tunay na pag-ibig. Inalagaan siya nito, minahal kahit na walang kapalit hanggang sa nahulog ang babae at ngayon nga ay nangako na sila sa Maykapal na magsasama habang buhay sa hirap man o sa ginhawa.

Si Joyce ang nagtratrabaho sa opisina samantalang sa bahay naman ang lalaki. Home-based kasi ang trabaho ni Jeremy, marami pang hindi nakakaintindi nito kaya palagi na nga lang usap-usap na batugan daw ang kaniyang mister.

“Alam mo huwag mo nang pagtakpan pa yung asawa mo, kunwari ka pang may trabaho sa bahay. Bakit ba hindi mo na lang sabihin na nagpakasal ka sa lalaking wala namang mararating sa buhay? Hindi nakapagtapos ng pag-aaral tapos ngayon na mag-asawa na kayo ay hindi pa rin nagtratrabaho. Ano ba naman ang pinakain sa’yo niyang lalaking iyan!” baling ni Aling Pamela, ang nanay ni Joyce.

“Ma, may trabaho nga po si Jeremy. Napakahirap ng ginagawa ng asawa ko kung alam niyo lang,” saad naman ng babae.

Advertisement

“May trabaho? Mukha na ngang ad*k iyan, ang pangit ng itsura,” lait pang muli ng ale.

Hindi na lang nagsalita si Joyce dahil ayaw niyang makipagtalo sa kaniyang ina, ayaw niyang mamili sa dalawa kaya kahit masakit ay tinatanggap niya na napakaliit ng tingin ng mga tao sa napangasawa niya.

“Mahal, saan tayo pupunta?” tanong ni Joyce sa kaniyang asawa.

“May gusto lang sana akong puntahan, saka para ipasyal ka na rin sana. Okay lang ba?” tanong ni Jeremy sa kaniya.

“Oo naman, isa pa namimiss ko na rin ang lumabas kasama ka,” sagot sa kaniya ni Joyce.

Nagbihis ang dalawa saka umalis, itinigil ni Jeremy ang motorsiklo sa isang magarang bahay at tiningnan ito.

“Maganda ba yung bahay na ito mahal?” tanong ng lalaki.

“Maganda! Napaka-moderno. Pero mahal, malaking halaga yung ganitong klase ng bahay. Kaya na ba natin?” tanong ni Joyce sa kaniya.

Advertisement

Hindi nagsalita si Jeremy at tinitigan lang ang asawa.

“Uy, huwag kang magalit. Hindi ko naman sinasabing hindi mo kaya, ang akin lang ay kaya ba ng ano, yung sahod mo ba kasi yung kinikita ko ay pang-ipon natin iyon di ba,”pahayag muli ni Joyce sa lalaki.

“Salamat mahal ha, kasi kahit kailan hindi mo ako iniwan. Saka nagtiis ka sa loob ng limang taon na kwarto lang ang mayroon tayo at hindi kita naringgan ng reklamo. Salamat din dahil lagi mo akong pinagtatanggol sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo at sa lahat,” sagot sa kaniya ng lalaki.

“Mahal na mahal kita, Joyce!” dagdag pa nito.

“Mahal na mahal din kita, Jeremy. Hindi magbabago iyon, tandaan mo,” wika naman ng babae saka niya hinawakan ang kamay ng mister.

“Para sa’yo,” saad ni Jeremy sabay bigay ng isang kahon.

“Sus, may pa-surprise ang mister ko. Happy 5th anniversary!” bati ni Joyce sabay halik sa lalaki at kinuha ang kahon.

“Susi? Susi ng alin ito mahal?” tanong ng babae. Isang susi kasi ang laman ng binigay ni Jeremy sa kaniya.

Advertisement

“Susi ng bahay na ito, sa atin na ito mahal. Sa’yo na ang bahay na ito, nabili ko na. Iyan ang pinag-ipunan ko sa loob ng limang taon. Saka ito pa pala,” sagot ng lalaki sabay abot sa isang maliit na notebook.

“Ipon ko sa bangko, pwede ka na munang huminto sa trabaho at magpapamilya na tayo kung payag ka,” dagdag pa ng lalaki.

Halos hindi makapagsalita si Joyce sa kaniyang narinig. Hindi niya akalain na ito pala ang buhay na pinaghahandaan sa kaniya ng lalaking hindi nakapagtapos at walang trabaho sa sikat na kumpanya. Yung lalaking hindi maayos ang itsura at nilalait ng lahat, ito pala ang buhay na nag-aantay sa kaniya.

Ngayon ay isa nang may bahay si Joyce kapiling ang dalawa nilang anak. Home-based pa rin ang trabaho ni Jeremy, isa nga pala siyang graphic designer at software developer at mga tiga-ibang bansa ang kliyente niya. Minamaliit man ng marami pero mas malaki pa ang kinikita niya kaysa sa mga lalaking nakakurbata.

“Im