Kasal na Dapat Ngayon ang Babaeng Ito sa Kinakasama Ngunit Bigla Itong Umatras, Ano Kaya ang Mabigat na Rason Nito?

“Ate, baka naman pwedeng gawin nalang natin 6,000 ito oh,” wika ni Tina na bumibili ng kanyang wedding gown sa divisoria.

Image courtesy of www.google.com

“Ikaw naman para 8,000 lang, sige na bilhin mo na iyan, maganda naman ang design nito. Para kang si Marian Rivera, ililibre ko na ang korona. Bagay na bagay sa’yo yung damit,” saad naman ng babaeng tindera sa kaniya sabay pakita sa korona.

Image courtesy of www.google.com

“Nako naman binola niyo pa ako, sige na nga kukuhanin ko na ito. Basta’t ipagdasal niyo na lang na maging maayos pa lalo ang pagsasama naming ng asawa ko,” nakangiting sagot naman ni Tina.

Image courtesy of www.google.com

Mag-aanim taon nang nagsasama sina Jomar at si Tina sa iisang bubong, hindi man sila nabiyayaan ng anak dahil sa naging komplikasyon ng babae ay hindi naman naging hadlang ito para magtagal ang kanilang relasyon. Naging sapat na rin ang anak ni Tina sa pagkadalaga na si Maymay na minahal namang lubos ni Jomar at tinuring itong parang tunay nyang kadugo.

“Mama, bakit sa mga napapanuod kong palabas e kinakasal muna ang mga magboyfriend bago magsama. E bakit kayo ni tatay? ‘Di ba matagal na kayong mag-asawa, bakit ngayon lang kayo ikakasal?” tanong ni Maymay na pitong taong gulang na. Kasama niya ang anak sa pamimili ng kanilang mga kailangan para sa nalalapit na kasalan na idadaos rin ngayong fiesta sa kanilang lugar.

Image courtesy of www.google.com

“Kasi anak mahal ang magpakasal, mabuti nga ngayon ay libre ni Mayor kaya makakapagpakasal na kami ng tatay mo. Isa pa wala namang masama sa mga nagpapakasal kahit na nagsama na nang matagal, ang totoo nga niyan ay mas ayos ang ganoon. Kasi lahat tayong mga babae ay gusto natin maikasal at magsuot ng ganitong mga gown,” paliwanag naman ni Tina sa kaniyang anak sabay turo sa damit na nakasuot sa mannequin.

Image courtesy of www.google.com

“Ay ako mama ayaw ko niyan, gusto ko kasi pink e,” inosenteng tanggi ni Maymay sa kaniya at natawa na lamang ang babae.

Halos anim na buwan na rin nilang pinaghahandaan ang kasalan, naipilit kasi ito ni Tina sa kaniyang asawang si Jomar dahil malaki ang naging komisyon nito sa nabenta unit ng condo kaya nga nagkabudget sila para sa kasalang bayan.

Advertisement

“Mahal, nandito na ang gown ko sa darating nating kasal!” sigaw ni Tina nang makauwi sila sa kanilang bahay.

“Patingin nga ako,” baling sa kaniya ni Jomar. Dali-dali namang itinago ni Tina ang gown.

Image courtesy of www.google.com

“Hala siya, bawal! Malas daw iyon. Hindi matutuloy ang kasal kapag nakita mo,” pahayag naman ng babae at sabay silang nagtawanan.

“Talagang seryoso ka sa kasalanang ito ha?” tanong ni mister sa kaniya.

“Aba’y siyempre naman! Lahat ng babae e pinapangarap na ikasal. Teka nga lang, bakit ka ganyan? Ayaw mo bang magpakasal tayo?” mabilis na saad ni Tina sa mister.

“Hindi naman sa ayaw ko, ayaw mo bang mas mag-ipon pa tayo para naman mas maganda yung kasal, yung tipong ikaw lang ang maglalakad sa simbahahan. Solo mo lang,” wika naman ni Jomar.

“Hindi! Okay na sa akin itong ganito. Ang gusto ko lang naman makapagsuot ng gown at maging misis mo,” nakangiting sagot sa kaniya ng babae.

Minsan naiisip ni Tina na tila ayaw siyang pakasalan ng lalaki, nito kasing mga nakaraang buwan ay naging madalang ang kanilang pag-uusap lalo na’t kung tungkol sa kasal. Pero mas naniniwala siyang mahal siya ng kaniyang asawa kaya naman kinakalimutan na lang niya ang ilang mga bagay na maaring makabago ng magandang mood niya.

Advertisement

Isang linggo na lang ang inaantay at darating na ang malaking araw na hinihintay ni Tina, nasabihan na niya ang kaniyang pamilya pati na rin ang ilang mga malalapit na kaibigan. Nabudget na rin niya ang lahat ng kailangan para sa maliit na salo-salo, nakapaghanda na rin siya ng maliit na sorpresa para sa kanilang honeymoon, nakapag-advance booking na siya sa Tagaytay.

“Mahal, gabi na. Hindi ka pa ba uuwi?” text ni Tina sa kaniyang mister. Alas onse na ng gabi ngunit wala pa rin ang kaniyang asawa na nagtratrabaho bilang head security sa isang opisina sa Makati.

Image courtesy of www.google.com

“Mahal, patawarin mo ako pero hindi ko kayang magpakasal sa’yo,” mensaheng natanggap ng babae mula sa kaniyang asawa. Lumakas ang kabog ng puso niya pero iniisip niyang biro lang ito at baka may pasabog rin ang mister para sa kaniya.

“Ano na namang biroo yan? Babanat ka na naman! Umuwi ka na at lalamig ang hinanda kong hapunan, nagluto ako ng paborito mong sinigang na hipon,” saad naman ni Tina sa text. Nag-antay ang babae na tumunog muli ang kaniyang telepono ngunit hindi iyon nangyari. Hinayaan na lang ito ni Tina dahil iniisip niyang baka may sorpresa si Jomar sa kaniya, kaya natulog siya sa salas at hinintay ang lalaki.

Nagising ang babae noong umaga na at walang bakas na Jomar na dumating sa kanilang bahay, doon na nagsimulang kumabog ng matindi ang puso niya. Agad niyang tinawagan ang lalaki ngunit hindi ito ma-contact, tinawagan niya ang opisina ngunit wala raw ang nobyo niya roon, halos dalawang araw ang lumipas at hindi nagparamdam si Jomar sa kanya hangang sa lumipas ang limang araw at wala siyang narinig mula sa asawa.

“Pwede naman niyang sabihin sa akin na may iba siyang pamilya o ‘di kaya naanakan na babae. Mas maiinitindihan ko pa kaysa ganito na nawala na lang siyang parang bula,” lumuluhang pahayag ng babae sa kaniyang sarili.

Image courtesy of www.google.com

Hindi na malaman ni Tina ang gagawin sa kaniyang buhay lalo na ngayon ay isang araw na lang at kasal na nila dapat, matindi ang iyak ng babae sa kanilang salas ng biglang bumukas ang pinto at dumating ang kaniyang asawa.

“Saan ka ba nanggaling? Nag-alala ako sa’yo,” wika ni Tina sabay yakap at hampas sa lalaki.

Advertisement

“Kailangan nating mag-usap,” seryosong sagot ni Jomar sa kaniyang asawa at naupo sila sa kanilang sofa.

“Sige na sabihin mo na sa akin, sino ang babae mo? Naanakan mo ba? Mas mahal mo? Kaya hindi ka magpapakasal? Alam ko na ang lahat Jomar,” mabilis na saad ni Tina sa kaniyang mister.

“Ha? Anong alam mo?” tanong naman ni Jomar.

“Hindi mo na kailangan pang gumawa ng kwento, alam ko na kaya hindi mo kayang magpakasal sa’kin dahil may ibang babae ka at naanakan mo pa. Tapos napagtanto mong mas mahal mo sila kaya naman umuwi ka ngayon para iwan ako, kami ng anak ko. Hala, sige umalis ka na,” sagot ni Tina habang pinupunasan ang kanyang mukha.

“Ano ‘yang pinagsasabi mo? Wala akong ibang babae at wala akong naanakan. Kaya ako nawala dahil hinanap ko ang aking sarili. Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo to, pero binabae ako Tina. Hindi b*klang-b*kla pero may pinagdadaanan akong crisis tungkol sa aking pagkatao. Mahal kita at walang duda iyon ngunit hindi pa talaga ako handang ihatid ka sa altar,” nakayukong baling ni Jomar sa kaniyang misis.

“Kung papalayasin mo ako dahil sa nalaman mong ito, tatanggapin ko,” dagdag pang muli ng lalaki.

“Alam ko,” sumagot si Tina, “matagal ko ng alam na pusong mamon ka, medyo na aamoy ko ring paminta ka pero hindi ko yun inisip dahil mahal kita at kilala na kita. Akala ko ang pagpapakasal ang magtuwid sa’yo at diyan sa kalambutan mo, hindi pala,” aniya.

“Alam mo? Tanggap mo ako?” tanong ni Jomar na gulat na gulat sa narinig.

Advertisement

“Oo, alam ko. Matagal na, kaya patawarin mo ako kung hindi ko man lang inisip ang nararamdaman mo tungkol sa kasal na ito. Hindi na natin itutuloy dahil ayaw kong mawala ka para lang sa paglalakad sa simbahan, alam kong darating ang araw na magiging buo ka rin at ihahatid mo ako sa altar,” nakangiting sagot ni Tina sabay yakap kay Jomar.

Hindi man natuloy ang kasal ng dalawa ngunit wala namang nagbago sa kanilang pagsasama. Doon napagtanto ni Tina na mas importante ang nararamdaman ng dalawang tao sa loob ng isang tahanan at hindi kasal ang magdidikta o magbibigay ng tunay na kasiyahan.