Para Maagaw ang Kaniyang Nobyo ay Ipinahamak Siya ng Kaniyang Kapatid; Matanggap pa Kaya Siya ng Kaniyang Kasintahan o Tuluyan nang Matutuldukan ang Kanilang Pagmamahalan?

Lupaypay ang katawan ni Penelope nung dumating siya ng bahay mula sa motel. Nagsisisi ang babae na tinanggap niya ang paanyaya ng kaniyang kapatid na ipagdiwang ang promosyon nito sa trabaho sa isang bar. Ang masayang kasiyahan ay nauwi sa isang pangyayari na mananatiling isang nakakapanindig balahibong bangungot para sa kaniya. Ni minsan ay hindi sumagi sa kaniyang isipan na magagawa sa kaniya ng kaniyang kapatid na haluhan ng gamot ang kaniyang inumin at ipalapa siya sa limang estranghero.

“Sinungaling! Bakit ko naman iyon gagawin sa iyo?” pagtanggi ni Kelly, nakababatang kapatid ni Penelope nung ikinuwento ng babae kung ano ang sinabi sa kaniya ng isa sa mga lalaking lumapastangan sa kaniya.

Planado ng kaniyang kapatid ang lahat. Nagbayad ito ng mga tao para dungisan ang kaniyang pagkababae nang sa gayon ay hiwalayan siya ng kaniyang kasintahan. Matagal na kasing may lihim na pagtingin si Kelly sa kaniyang nobyo. Kinunan din nito ng video ang naganap na pangh*h*lay sa kaniya bago siya nito iniwan sa motel.

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Penelope mula sa kaniyang ama. “Huwag mo nang idamay ang kapatid mo sa kalokohan mo. Ang tanging ginawa lang niya ay ipanood sa amin ang video na ipinadala sa kaniya ng kung sino kung saan nagpapakasarap ka sa piling ng iba’t-ibang lalaki!” sigaw ng ama ng dalaga.

“Kung totoo ang sinasabi ng Poncio Pilatong iyan na gusto kong hiwalayan ka ni Kuya Albert, eh, ’di sana noong nililigawan ka palang niya ay gumawa na ako ng paraan para hindi kayo magkatuluyan,” dagdag pa ni Kelly.

“Ayoko na! Hindi ko na kaya! Wala kang ibang ginawa sa pamilyang ito kung hindi ang magdala ng problema at kahihiyan. Lumayas ka! Huwag ka nang magpapakita sa amin! Wala akong anak na dem*nyo!” dismayadong pahayag ng ina ni Penelope.

Hindi na nagtaka si Penelope sa naging reaksyon ng kaniyang mga magulang noong pinapanood ng kaniyang kapatid ang nasabing video na natanggap umano nito. Rebelde kasi ang tingin sa kaniya ng mga ito. Palibhasa sinusuway ng babae ang kaniyang mga magulang tuwing nagtatangka ang mga ito na kontrolin siya. Ayaw niya kasi na sila ang magpapatakbo ng kaniyang buhay. Hindi tulad ng kapatid niyang si Kelly na sunud-sunuran sa kanila.

Nilingon ni Penelope si Albert. Wala itong imik. Ni hindi ito makatingin sa kaniya nang diretso. Napanood din ng lalaki ang video. Sinadya siya nito sa bahay dahil nag-aalala ito sa kaniya noong hindi siya nito makontak. Sa isip-isip ni Penelope ay mukhang nagtagumpay ang kaniyang kapatid. Malamang ay makikipaghiwalay na ito sa kaniya at sasamantalahin nito ang pagkakataon na mapa-ibig ang lalaki.

Advertisement

Masama ang loob ni Penelope noong umalis siya sa bahay. Ang kapatid na labis niyang mahal ang siya pang nagpahamak sa kaniya. Tinakwil siya ng kaniyang mga magulang na dapat sana ay masasandalan niya sa panahong kailangan niya ng makakapitan. Ang lalaking handa niyang pag-alayan ng kaniyang puso, buhay at kaluluwa ay nandidiri na sa kaniya.

Walang tigil ang pagtulo ng luha ng babae. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Malayo na ang kaniyang nalakad nang biglang may umagaw ng hawak niyang maleta.

“Bakit hindi mo ako hinintay? Tinawagan ko lang sandali si Mama para sabihing sa amin ka na titira, paglingon ko’y nakaalis ka na,” reklamo ni Albert.

“Hindi ba break na tayo?” tanong ni Penelope. “Bakit mo naman naisip na makikipaghiwalay ako sa iyo?” balik tanong ng lalaki.

“Hindi ka makikipaghiwalay sa akin? Hindi ka ba nandidiri sa akin? Pinagsawaan na ng ibang mga lalaki ang katawan ko. Kahit ilang paligo pa ang gawin ko, hindi na mabubura ang katotohanan na binaboy ako. Nakatatak na ang amoy nila sa akin,” naguguluhang tanong ng babae.

“Hindi kita minahal dahil sa pisikal na anyo mo. Minahal kita dahil mabuti ang kalooban mo. Alam kong hindi mo gusto ang nangyari. Hindi iyon sapat na dahilan para iwanan kita. Hangga’t ako pa rin ang nilalaman ng puso mo, mananatili ako sa tabi mo,” tugon ng lalaki.

“Kung ganoon, bakit hindi mo ako ipinagtanggol kanina? Akala ko pareho ka rin nila. Hindi ka naniniwala sa akin. Ni hindi mo nga ako matingnan sa mata, eh,” hindi makapaniwalang tanong ni Penelope. “Pinipigilan ko ang sarili ko. Baka kung ano ang magawa ko kapag binuka ko ang bibig ko at makipagtalo sa kanila. Baka masaktan ko lang ang pamilya mo kapag nagdilim ang paningin ko,” paliwanag ni Albert.

Hindi makapaniwala si Penelope na hindi nagtagumpay ang kaniyang kapatid na paghiwalayin sila ni Albert. Abot langit ang pasasalamat ng dalaga dahil sa kabila ng nangyari ay tanggap pa rin siya ng kaniyang nobyo nang buong-buo. Aminado si Penelope na mahihirapan siyang makalimutan ang masaklap na karanasan ngunit naniniwala siya na darating ang panahon na makakalaya rin siya mula sa anino nito dahil laging nariyan si Albert na labis na nagmamahal sa kaniya.

Advertisement

“Sigurado ka bang okay lang sa mga magulang mo na tumira ako sa inyo?” tanong ni Penelope sa kaniyang kasintahan. “Oo, naman. Saka isa pa, nasa plano naman natin na magpakasal balang araw, eh. Iyon nga lang, ang dating, eh, tanan muna bago kasal,” natatawang tugon ng lalaki.

Ilang taon ang nakalipas. Dumating ang araw ng pagtatapos ni Kelly sa kursong Medisina. Masaya ang mga magulang ng babae dahil natupad nito ang kanilang pangarap para sa kaniya. Ngunit hindi akalain ng dalaga na ang araw ng kaniyang pagtatapos ay hudyat din ng pagwawakas ng kaniyang pagbabalatkayo bilang anghel ng pamilya.

Lingid sa kaalaman ng mag-asawa na may pagka-bully ang kanilang anak lalo na sa mga taong hindi nito gusto. Maliban pa doon ay bihasa na ito sa masamang bisyo tulad ng alak, pagsusugal at paghi*hit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi nila ito nadiskubre dahil magaling magtago ng sekreto ang kanilang anak. Magaling itong magsinungaling kaya nalulusutan ang mga kalokohang ginawa nito. Ni minsan ay hindi nila ito pinagdudahan dahil masunurin ito sa kanila.

Ngunit nalantad ang mga kalokohan ni Kelly nung ginantihan ito ng isa sa madalas niyang binu-bully sa unibersidad. Isang malaswang video ng dalaga ang biglang lumabas sa malaking projection screen kung saan ipinapalabas ang mga naging aktibidades at tagumpay ng mga estudyanteng magtatapos. Sa video ay kitang-kita ang mukha ni Kelly na lasing, humi*ithit ng ipinagbabawal na gamot at nakikipag*alik sa limang lalaki.

“Sa wakas nalantad na rin ang bituka ng babaeng iyan. Ang tagal kung tiniis ang pang-aapi niya sa akin dahil lang aksidente ko siyang natapunan ng juice nung nadulas ako. Walang naniwala sa akin nung sinumbong ko siya.”

“Iba talaga gumanti ang karma. Halos wala akong mukhang maiharap noon sa sobrang kahihiyan nung nahubaran ako sa Ms. University beauty contest sa harap ng maraming tao dahil lang nauusungan ko siya sa puntos.”

“Pati kapatid niya hindi nakaligtas sa kamandag niya. Palaging ipinapahiya sa publiko. Ang matinik pa doon ay ipina*ahasa sa mga ad*k dahil lang hindi umubra ang alindog niya sa syota nito.”

“Sayang nga lang at nasira ang buhay ni Penelope Sobrang bait pa naman nun. Kung hindi lang dahil sa kumalat niyang video scandal summa cum laude sana siya.”

Advertisement

“Ang sabihin mo swerte si Penelope. Malamang ay masaya na siya ngayon. Isang trahedya iyong nangyari sa kaniya pero dahil doon ay nakalaya siya sa pang-aalipusta ng kapatid niya. Ang balita ko isinama siya ng mga magulang ni Albert sa abroad. Doon na sila magbabagong buhay.”

Dinig ng mga magulang ni Kelly ang bulungan sa kanilang paligid. Ang inaakala nilang anghel ay isang demo*yita pala. At ang anak na pinagtabuyan nila ay matagal nang nagdudusa sa kasakiman ng paborito nilang anak. Ngunit nangyari na ang lahat. Habang buhay nilang pagsisisihan ang kanilang mga nagawa.

Dahil sa pangyayari ay nabaliw si Kelly. Hindi nito nakayanan ang sobrang kahihiyan. Ang imaheng matagal niyang iningatan ay nasira sa isang iglap. Ang mga magulang naman ng babae ay tinangkang makipag-ugnayan ulit kay Penelope. Nais nilang humingi na tawad dito. Sa kasawiang palad ay hindi nila matunton kung saang lupalop ng mundo ito napadpad. Ang tanging magagawa lang nila ay ipagdasal ang kaligtasan at kaligayahan ng dalaga at patuloy na umaasa na muli nilang makakapiling ang anak na marahas nilang ipinagtabuyan dahil sa kakitiran ng kanilang utak.