Ayaw Ko ng Anak

Alam ni Nerizza na hindi siya nabibilang sa mga magagandang babae na dinidikta ng maraming tao. Bukod kasi sa kulot niyang buhok at malabong mata ay napakaliit din ng kaniyang kumpiyansa sa sarili.

“Ayaw mo ba talagang patusin ‘yung mga nagkakagusto sa’yo doon sa opisina niyo? Gwapo naman iyon, ha!” saad ni Maja, ang matalik na kaibigan ng dalaga.

“Alam mo, Maja, kung mag-aasawa man ako o magjo-jowa ay mas pipiliin ko na ‘yung talagang may love akong nararamdaman. Sa tinagal-tagal nang paghihintay ko ngayon pa ba ako maiinip?” wika ni Nerizza dito.

“E, ayun na nga, bessy! 38 anyos ka na pero wala pang dumidilig diyan sa matres mo. Mamaya niyan ay magkaroon ng maraming kumplikasyon ang bata kapag mas matanda ka pang nagbuntis,” sagot naman sa kaniya ng kaibigan.

“Ito na naman tayo sa matres ko. ‘Yung matres ko na naman ang pinagdiskitahan mo. Ayaw kong sagutin ‘yung si Romeo dahil may putok! Ikaw nga, sasagutin mo ba yung lalaking nanliligaw sa’yo na may ganoon? ‘Di ba hindi rin naman. Kaya tigilan mo na ako kakapilit. Kapag may dumating na lalaking magpapatibok ng puso ko at mahal niya rin ako ay papatusin ko kaagad. Walang ligaw-ligaw at magpapadilig ako agad!” baling ng dalaga.

Tila dininig naman kaagad ni kupido ang kaniyang mga sinabi sa kaibigan dahil dumating sa buhay niya ang binatang si Ferdinand. Bukod sa pareho silang nagsusuot ng salamin ay agad ding nagkapalagayan ng loob ang dalawa.

Masyado nga raw silang parehas sa maraming bagay katulad nang pagbabasa ng libro, pangongolekta ng mga nobela at ang panunuod ng mga lumang pelikula.

“Sigurado ka bang gusto mo ako, Ferdinand?” tanong ni Nerizza. “Gustong-gusto kita, Nerizza at kung ganun din ang nararamdaman mo ay magpakasal na tayo,” sagot sa kaniya ng lalaki.

Advertisement

Agad na pumayag si Nerriza sa alok ng lalaki bukod kasi sa kaniyang edad ay mahal talaga niya ito at sigurado na siyang ito ang gusto niyang makasama habang buhay.

“Mahal, nasasabik na akong ikasal tayo! Nasasabik na akong makita ang magiging kamukha natin,” masayang pahayag ni Ferdinand sa kaniya habang naglalakad sila sa Ongpin para bumili ng kanilang singsing.

“Mahal, kasal lang ang gusto ko. Ayaw ko ng bata, ayaw ko ng anak,” sagot ni Nerriza sa kaniyang nobyo.

“Ha, may babae bang ayaw magkaanak? Baka naman kinakabahan ka lang. Sige. Hindi na muna kita pipilitin pa,” sagot ng lalaki.

Kaya lamang ay bigla silang tumigil sa paglalakad at seryosong nagsalita si Nerizza, “Walang anak. Ayaw ko ng anak. Kung hindi mo iyon matatanggap ay maghiwalay na tayo.”

Hindi sumagot si Ferdinand. Hindi niya kasi alam kung dapat ba siyang magsalita o dapat niyang hintayin na humupa ang galit ng kaniyang nobya.

“Baka naman baog siya. Tang*na! Paano ako magkaka-junior nito kung hindi niya ako bibigyan ng anak?” isip-isip ng lalaki habang nakatitig pa rin sa kaniyang nobya.

“May problema ba kaya ayaw mong magkaanak?” mahinahong tanong ng lalaki. “Hindi ko alam. Hindi pa ako nagpapatingin. Pero huwag kang mag-alala dahil wala pang nakakagalaw sa akin. Alam kong nakakahiya para sa edad kong ito pero, oo, virgin pa rin ako, Ferdinand,” sagot naman ng kaniyang nobya.

Advertisement

Tila may kilig na naramdaman ang lalaki sa kaniyang pisngi. “O, anong problema? Bakit ayaw mong magkababy?” tanong muli ng lalaki. “E, basta ayaw ko. Gusto ko asawa lang. Tayo lang. Ayaw ko ng anak,” baling muli ni Nerriza. “Kaya kung hindi mo kaya ay maghiwalay na tayo ngayon pa lang,” dagdag pa ng babae.

“Hindi naman sa ayaw ko at hindi rin naman anak lang ang habol ko sa’yo pero anak kasi iyon. Kumbaga ‘yung anak ang nagkukumpleto para maging isang tunay na pamilya,” paliwanag ni Ferdinand.

“AYAW KO, PERIOD!” sigaw ni Nerriza tsaka siya sumakay sa sasakyan nila. Hindi na sila nakabili pa ng singsing dahil sa kanilang pagtatalo.

Pilit na kinalma ni Ferdinand ang kaniyang sarili at huminga ng malalim tsaka siya nagmaneho pauwi. Hindi nag-usap ang dalawa hanggang sa makarating ito ng kanilang bahay.

“Sige, hindi na ako papasok,” saad ng lalaki.

“Ito na ba ‘yun? Maghihiwalay na ba tayo?” malungkot na tanong ni Nerizza. “Hindi. Pero hindi mo rin ba pwedeng ipaliwanag sa akin kung bakit ayaw mong magkaanak? Mahal kita, Nerizza, kaya gusto kong maitindihan kita. Ipaliwanag mo sa akin kung bakit,” sagot ng lalaki.

Mabilis na bumagsak ang mga luha ng babae kahit pinipigilan niya ito.

“E, kasi matanda na ko. Marami nang nagsasabi na makunat na ako at magkakaroon ng maraming kumplikasyon ang bata kapag nagbuntis pa ako sa ganitong edad. Ferdinand, 40 anyos na ako. Matanda na tayo. Natatakot akong baka maging abnormal siya at sisisihin ko ang sarili ko habang buhay kapag nagkaganun,” paliwanag ng babae.

Advertisement

“Kaya kung hindi mo matatangap ay handa naman akong mabuhay ng mag-isa,” dagdag pa nito.

“Bakit mo sinasabi iyan? Hindi naman anak lang ang habol ko sa’yo. Mahal kita, Nerizza. Alam ko rin na nakakatakot ang magbuntis at magkaroon ng anak pero hindi mo ba gustong magtiwala sa Panginoon? Hindi mo ba kayang magtiwala sa mga dasal natin na hindi niya tayo bibigyan ng anak na hindi natin mamahalin?” sagot ni Ferdinand.

“Pero kung ayaw mo talaga ay igagalang ko iyon. Hindi kita iiwan,” dagdag pa ng lalaki tsaka niya niyakap ang kaniyang nobya at napuno ng iyakan ang loob ang sasakyan.

Hindi nagtagal ay ikinasal na nga ang dalawa at hindi rin pinilit ng lalaki na magdalangtao siya. Napakasaya nilang dalawa at araw-araw niya itong ipinagpapasalamat sa Diyos.

“Mahal, handa na ako,” saad ni Nerizza.

“Handa saan?” tanong naman ni Ferdinand.

“Na magkaroon ng anak,” sagot ng babae at niyakap niya ang kaniyang asawa.

“Hindi ka na natatakot?” saglit na tanong ng mister sa kaniya.

Advertisement

“Natatakot pa rin pero mas natatakot ako ngayon kung hindi natin susubukan,” sagot ni misis.

At doon na nga nagpasya ang mag-asawa na bumuo ng kanilang pamilya. Hindi rin naman nagtagal ay nabiyayaan sila ng isang napakalusog at napakatalinong anak.