Nagyabang ang Babae sa Paniniwalang Pinag-Aagawan Siya ng Dalawang Gwapong Lalaki, Laking Kahihiyan ang Natamo Niya nang Malamang Hindi Sila Talo ng Dalawa

Nasa ikaapat na taon na ng kolehiyo si Bea, kilalang kilala siya sa unibersidad dahil palagi siyang kasali at nananalo sa mga beauty contest. Dahil roon ay lumaki ang ulo ng dalaga at sumobra ang bilib niya sa kanyang sarili. Hindi siya basta basta nangangausap ng mga regular na estudyante, ang gusto niya ay iyong ka-level niya rin. Sa katunayan sa dami ng nanliligaw sa kanya ay isa lamang ang napupusuan niya, si Gene. Ito ang presidente ng student council, matikas at matipuno ito- talaga namang bagay maging leader. Matalino rin ang lalaki at pino kung kumilos, kahit na kailan ay di niya narinig na may pinaiyak itong babae.

Dahil napaka-private na tao ni Gene ay lalong napukaw ang interes niya rito, lagi niyang sinusubukang makipag usap rito pero tila ba may malaking pader na naghaharang sa kanilang dalawa. Magalang namang makipag usap ang lalaki, pero dama pa rin ni Bea na may mali. Dahil napaka-private na tao ni Gene ay lalong napukaw ang interes niya rito, lagi niyang sinusubukang makipag usap rito pero tila ba may malaking pader na naghaharang sa kanilang dalawa. Magalang namang makipag usap ang lalaki, pero dama pa rin ni Bea na may mali.

“So gusto ko sana, may malaking pausok paglabas ko. Alam mo na para lahat mapatingin sa stage before ako magsalita,” sabi niya sa lalaki isang hapon. Ito ang naka-assign na mag asikaso sa parating na party ng mga estudyante sa susunod na buwan. Mayroon kasi siyang partisipasyon doon bilang sya ang beauty queen ng school nila, kailangan niyang magsalita ng limang minuto upang magbigay inspirasyon sa mga estudyante.

“Okay got it,” simpleng sagot lamang nito.

“M-may girlfriend ka na ba?” diretsong tanong niya rito, para kasing di tumatalab ang mga pa-cute niya. Aba, kung magiging boyfriend niya ito ay parang power couple sila- parehong gwapo at maganda, pareho pang sikat sa school. Ayaw niya sa mga pipitsuging manliligaw!

Natigilan naman ang lalaki sa kanyang tanong at di pa nakakasagot ito ay napalingon na si Bea sa baritonong boses ng isa pang lalaki, “Excuse me, Gene?” sabi nito.

Pagtingala ni Bea ay para siyang na-bato balani sa kaharap. Ang gwapo rin! Hindi pahuhuli kay Gene!

“Ano’ng kailangan mo?” sabi naman ni Gene, tumayo ito at hinarap ang lalaki. Napasulyap naman sa kanya ang lalaki at tila nag alangan, “S-sorry Miss. Ako pala si Greg, bagong transfer lang ako.” sabi nito sa kanya at inilahad ang kamay.

Advertisement

Pumungay naman ang mata ni Bea, “Ako si Beatriz, beauty queen dito..” may pagmamalaki niyang sabi. Tumango lang si Greg sa kanya, maya maya pa ay binasag ni Gene ang katahimikan.

“Greg, diba ikaw ang sinabihan ni Mrs. Janorin na mag asiste sa amin sa pag aayos ng stage? Ikaw ang magaling sa mga teknikal na pasikut-sikot,” sabi nito sa lalaki.

“A-ah, oo.” sabi nito, tila nabigla pero umupo na rin sa table nila at pinag usapan na nila ang gagawin sa mismong party. Nakalimutan na ng lalaki ang sadya nito kay Gene.

Mabilis lumipas ang mga araw at magkakasama palagi ang tatlo, pakiramdam talaga ni Bea ay may gusto na sa kanya ang dalawa dahil kahit saan sila pumunta ni Gene at ay nakasunod si Greg. Ganoon rin naman kapag sila ni Greg ang magkasama, nakasunod agad si Gene. Feeling niya, nagseselos ang dalawa sa isa’t isa. Gandang ganda tuloy lalo siya sa kanyang sarili.

Sumapit ang araw ng party ng mga estudyante, talaga namang nag ayos mabuti si Bea dahil ang balak niya, habang nagsasalita siya sa unahan ay uudyukan niya na ang dalawa na magtapat ng pag ibig sa kanya. Mas maganda iyon, maraming makakarinig para sumikat siya at lalong kainggitan ng mga babaeng estudyante. Biruin mo, dalawang gwapo at matalino, pinag aagawan siya. Nang tawagin siya ng host sa unahan ay nasa likod ng stage ang dalawang lalaki, ang mga ito ang nag aasikaso sa sound system at sa mga mikroponong gagamitin ng mga magpe-perform.

“Hi everyone, kumusta? Na-eenjoy nyo naman ba ang gabi? Ang gaganda nating lahat! I would like to take this opportunity to thank all the people behind my success, sa mga friends ko, teachers and of course sa family ko. Pero enough na sa pep talk, I can do that naman pag nagsalubong tayo. May..” napatigil siya sandali dahil tila nagloko ang kanyang mikropono, tapos ay nagtuloy na.

“Hello? Yan okay na? Okay na. So..alam nyo naman, palagi nyo akong nakikita with Gene and Greg diba? They’ve been very helpful para maging success itong party natin, sa katunayan until now andun sila sa backstage, nag aasikaso pa rin kahit na they should be having fun tonight na. Kudos sa dalawa! Alam ko rin na nililihim nila pero pareho nila akong gusto, so Greg..Gene.. kung naririnig nyo ako. Don’t be afraid to speak up boys, pareho ko kayong tatanggapin na manliligaw, may the best man win nalang. Sana lang, wag masira ang friendship nyo dahil pinag aagawan nyo ako,” nakangiting sabi niya, sinisilip pa kung naririnig siya ng dalawa sa likod.

Ganoon nalang ang panlalaki ng mata nang marinig nila ang boses ni Greg, pero base sa tono nito ay wala itong ideya na bukas ang mikropono at naririnig ng lahat ang usapan nila sa likod, “Ayoko na Gene. Kaya nga ako nagtransfer ng school para sa’yo. Tapos ay hindi mo naman ako pinapansin? Hanggang kailan mo ililihim itong tayo? Mahal naman kita at ready akong ipagsigawan iyan sa mundo, pero ikaw?”

Advertisement

“G-greg! Sandali. Sandali lang.. patawarin mo ako. Natakot ako dahil baka di matanggap ng mga tao, alam mo naman student leader ako. Pero mahal kita, di ko na kayang itago pa. Wag kang mawawala please. Pipilitin nating maintindihan ng lahat na hindi naman naaapektuhan ng kabaklaan ko ang pagiging mabuting leader ko. Para mapatunayan mong nagsasabi ako ng totoo, sinadya kong buksan ang mikroponong ito, naririnig nila tayong lahat ngayon..”

Pagkatapos noon ay nakabibinging katahimikan, nasa unahan pa man din si Bea at pahiyang pahiya. Nagpalakpakan naman ang lahat dahil kinilig sila at bumilib sa tapang ni Gene na ilabas ang pagkatao nito. Marami mang babaeng nadismaya, napangiti na rin sila dahil nakitang masaya ang lalaking hinahangaan. Patakbong bumaba ng stage si Bea at lumayo sa lugar na iyon.

Sa kanyang paglayo ay bitbit niya ang leksyon na ibinigay sa kanya ng gabing ito, wag kasing masyadong bilib sa sarili.