Ibinaling ng Dalaga sa Iba ang Pagtingin Dahil Di Naman Siya Pansin ng Gwapo Niyang Bestfriend, May Nakakakilig na Lihim Pala ang Binata

“Alam mo, ang saya ko talaga. Grabe, kiniss niya ako tapos binulungan ako ng i love you. Hindi ko talaga akalain na alam mo yun, sa dinami-rami ng.. ng pwedeng mahalin niya, ako pa? Diba?” nangangarap na sabi ni Marian kay Clark, ang bestfriend niya.

Nakakunot naman ang noo ng binata, “Nagpahalik ka kaagad?”

“Ito naman, basag trip eh! Boyfriend ko naman si Glen. Ano naman diba?Di ka nalang maging masaya for me, para kang daddy ko.” kantsaw pa ng dalaga na sinundan ng hagikgik.

Napapailing si Clark, wala kasi talaga siyang tiwala sa Glen na iyon. Itsura palang, babaero na. Ewan niya rin kasi sa babaeng ito kung bakit doon pa nagkagusto. Maganda naman at matalino, bakit nagpapauto sa ganoong klaseng lalaki.

“Huy?” kalabit ni Marian, natutulala nanaman ang bestfriend niya. Kung tititigan ang lalaki, gwapo ito. Matangkad at naka-salamin na nakakadagdag sa aura nitong suplado. Well, talaga namang suplado si Clark, sa kanya lang mabait. Noong college nga sila eh, ang daming nagkakagusto rito at naiinis sa kanya dahil akala ay girlfriend siya ng binata.

Nginisian lang siya ng binata kaya inirapan niya ito. Minsan naiisip niya, walang wala si Glen kung ikukumpara kay Clark. Kaya lang alam niya namang pagkakaibigan lang ang kayang ibigay ng binata sa kanya kaya agad niya iyong inaalis sa utak niya para hindi siya mailang.

Mabilis lumipas ang mga buwan, napansin ni Marian na nanlalamig na sa kanya si Glen. Lalo pa at ayaw niya itong payagang maka-score sa kanya. Hanggang isang tanghali, nahuli niya itong may dinadalaw na ibang babae. Ang kapal ng mukha, sa tapat pa talaga ng opisina nila!

“Napaka-boring mo kasi. Kung mahal mo ako, edi sana pagbibigyan mo ako. Si Janine, walang pag aalinlangan na ibinibigay sa akin lahat kaya nahulog ako sa kanya. Sorry Marian. Hindi lang naman ang oras mo ang nasayang sa relationship natin, pati ang sa’kin. Quits na siguro tayo,” sabi ni Glen at walang lingon-lingong tumalikod.

Advertisement

Ganoon lang?

Kinapa ni Marian ang dibdib niya, mahapdi iyon pero parang mas nasaktan ang pride niya. Isang tao lang ang naisip niyang tawagan sa mga oras na iyon, si Clark.

“Hello?” namamaos pa ang tinig ng binata at halatang nagising lang sa pagkakatulog. Sabagay, alas diyes na kasi ng gabi.

“C-Clark..” hindi makapagsalitang sabi niya. Nauuna kasi ang hikbi.

Pero di niya na naman kailangang magpaliwanag, tila alam na ng binata ang nangyayari.

“Nasaan ka? Text me the address pupunta ako. Bihis lang ako.” sabi nito at ibinaba na ang tawag.

Ilang minuto lang ang hinintay niya, dumating agad si Clark. Niyakap siya ng binata, “Sinabihan na kita. Ikaw lang eh..” napapabuntong hiningang sabi nito.

Mula noon, lalong naging madikit ito sa kanya. Nandyan palagi kapag nalulungkot siya. Kahit pa madaling araw ay pupunta ito basta mapangiti lang siya.

Advertisement

Unti-unti, nahuhulog ang loob ni Marian sa bestfriend niya. Ayaw niya man, hindi niya napigilan dahil ngayon niya ito lalong nakilala. Napakabuti nitong tao.

“Clarky, samahan mo naman ako. Christmas party sa company, pwede raw magsama ng iba.” sabi niya sa binata. Sa ibang kumpanya kasi ito nagtatrabaho.

Mabilis lumipas ang mga araw, talagang nagpaganda si Marian. Balak niya kasi talaga ay magpapansin na sa binata, bahala na si Batman kung wala itong nararamdaman para sa kanya. Ang mahalaga ay maipagtapat niya na ang feelings niya. Nakakapagod nang magtago.

Sulyap ito nang sulyap sa kanya habang nagmamaneho.

“Ganda ko no?” natatawang biro niya.

Nginitian lang siya ni Clark, bakit mukha itong kinakabahan?

“S-Sakto tong pag invite mo sa akin. May sasabihin rin kasi sana ako.” kitang kita niyang humigpit ang pagkahawak nito sa manibela dahil naglabasan ang ugat sa kamay ng binata.

Tinignan niya ito ng nagtatanong.

Advertisement

“Hindi na kasi..hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan. I mean, hindi na ano. Iyon bang.. friendship natin-”

“Clark, diretsuhin mo nga ako. Hindi na ano?” nakakunot noong tanong niya. Kinakabahan siya sa sasabihin nito. Ngayon niya lang ito nakitang natataranta.

“May girlfriend na ako.” biglang sabi nito. Natahimik naman si Marian.

“O-Okay.” pinilit niyang ngumiti. Tapos ay tumanaw siya sa bintana ng kotse, sana di nito nakita ang pinipigil niyang luha.

Buong byahe ay wala silang kibuan. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse pero parang naiilang siyang hawakan ang braso nito. Mali siya na kinuha itong escort para sa party, ngayon ay kailangan niyang tiisin ang sakit. Mas mahapdi pa ito sa break up nila ni Glen dahil ito, puso niya talaga ang dinali.

Sa kagustuhan niyang makalimot ay naparami ang hingi niya ng alak sa waiter. Nilalayuan niya rin si Clark dahil ayaw niyang nakikita ang mukha ng binata.

Kalalabas niya lang ng powder room nang haltakin siya ng isang lalaki sa gilid. Nagulat siya nang makilala iyon, si Glen. Oo nga pala, dito pa rin pala ito nagtatrabaho.

“What?” walang pakialam na tanong niya.

Advertisement

“I still love you. Give us a chance, I know I messed up. Pero babawi ako. Please?” sabi nito sa kanya.

Bago pa man siya makasagot ay may humawak na sa bewang niya. Hilo-hilo pa siya nang malingunan si Clark.

“If you don’t mind, Glen and I are talking-“

“We will go home.” tiim bagang na sabi ng binata.

“Sabi ko nag uusap pa kami ni Glen-“

“SABI KO WE WILL GO HOME!” sigaw ni Clark. Napalingon ang maraming tao sa kanila.

“Pare ang labo mo naman eh!” protesta ni Glen.

Hindi na ito sinagot ni Clark, binuhat siya ng binata at kahit na magpumiglas siya ay talo siya ng lakas nito. Isinakay siya sa kotse at nag-drive pauwi.

Advertisement

Ito na ang nagbukas ng pinto ng kanyang bahay tapos ay ipinasok siya sa loob. “Matulog kana.” sabi nito at akmang tatalikod na.

“What the f*ck are you doing?” galit na tanong niya.

“Uuwi na ako.” simpleng sagot nito sa kanya.

Kumulo ang dugo ni Marian. Sisirain nito ang gabi niya sa pagsasabi na may girlfriend nito tapos ngayon ay aakto itong parang pag aari siya?

“Alam mo Clark you are my bestfriend pero sobra kana. Sobra ka, ano ang akala mo pag aari mo ako? Nung sinabi mong may girlfriend kana tumahimik ako maski na nasaktan ako! Oo nasaktan ako kasi mahal kita!

At ngayon na nagpapakasaya ako para malimutan ka, iuuwi mo ako? You don’t own me bastard!” bulyaw niya, tuloy tuloy na ang daloy ng luha niya.

Doon lumingon ang lalaki at ang bilis na humakbang sa harap niya.

“Yes I do.” sabi nito at sinibasib siya ng halik.

Advertisement

Hanggang maghiwalay ang mga labi nila ay litung lito pa rin si Marian.

“I’m sorry. Matagal na kitang mahal, palagi ka lang tumitingin sa ibang lalaki. Nandito naman kasi ako. Akala ko ako na, okay na tayo. Pumalya naman ang pagkatanga-tanga kong torpeng bibig at kung anu ano ang nasabi ko sayo sa sasakyan.

Gusto ko sanang sabihing ayoko nang maging magkaibigan tayo dahil higit pa roon ang nararamdaman ko pero naunahan ako ng kaba. I’m sorry. Mahal kita. Bigyan mo ako ng pagkakataon.. ayoko nang makikita kang nasasaktan dahil sa iba. Ako nalang, pasasayahin kita at aalagaan..” sabi nito habang magkatapat ang noo nila.

Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Marian, ang laki laki ng ngiti niya.

“Mahal rin kita, mokong.. ang bagal mo.” humahagikgik na sabi niya. Napangiti na rin ang binata at muli siyang hinalikan.

Tinotoo ni Clark ang mga pangako nito. Minahal at inalagaan siya ng binata. Hanggang ngayon na mag-asawa na sila ay tila ba hindi ito tumigil sa panliligaw sa kanya.

Araw-araw pa rin siya nitong dinadalhan ng bulaklak, at syempre, ng manggang hilaw na may bagoong dahil naglilihi na siya sa kanilang panganay.