Masayang Ginagaya ng Bata ang Iniidolo Niyang Lolo na Nakapagtatakang Labis Tinututulan ng Kanyang Ina, Isang Rebelasyon ang Nasgsabi ng Dahilan

“Lolo! Dito na po kayo titira?” masayang sinalubong ng batang si Vince ang kanyang Lolo Vicente.

Sa wakas ay pumayag din ito na sa kanila na tumira upang makasama na niya ito parati. Niyakap niya ito at pinugpog ng halik. Masayang-masaya siya dahil sa wakas ay makakasama na niya ang kanyang lolo.

Sa totoo lang ay iniidolo niya ang kanyang Lolo Vicente. Natutuwa kasi siya sa pagiging masayahin nito at hindi rin maipagkakailang spoiled siya dito.

Ngunit ang hindi malaman ni Vince ay kung bakit madalas siyang sitahin ng ina kapag sinusubukan niyang gayahin ang kanyang lolo.

“Vince, don’t do that!” inis na sigaw ng kanyang ina matapos siyang nakitang nakataas ang paa habang kumakain.

Namulat siya sa isang marangyang pamilya. Istrikta ang kanyang ina at halos lahat ng tamang-asal ay kailangang gawin niya. Gusto rin ng ina na Ingles na lang ang gamiting lenggwahe hangga’t maari.

Kaya isang araw habang nakikipag-usap ang kanyang lolo sa telepono ay sinita na naman ito ng kanyang ina, “Pa, baka pwedeng hinaan niyo lang ang pakikipag-usap niyo sa telepono. Nakukuha ni Vince ang lenggwahe niyo.”

Naaawa siya sa kanyang Lolo Vicente sa tuwing nakikita niyang pinagsasabihan ito ng kanyang ina. Ngunit natutuwa naman siya dahil sa kabila niyon ay madalas niya pa rin itong nakikitang nakatawa.

Advertisement

“I love you, Lo!” kaya naman ang pakunswelo niya dito ay ang pagiging malambing niyang apo.

Isang araw ay masaya niyang binalita sa lolo niya ang mataas niyang marka. Sa katuwaan nito ay binilhan siya nito ng ice cream, “Oh, Vince paborito ng mama mo ‘yan noong bata pa siya.” Bukod doon ay binigyan rin siya nito ng lumang camera, “Ito pa, paboritong camera rin iyan ng mama mo noon.”

Masaya niyang tinanggap ang camera at sinimulang kuhanan ng litrato ang kanyang lolo. Natutuwa siya sa kanyang lolo dahil kahit masungit dito ang mama niya ay bukambibig pa rin nito ang anak.

“Kain na Vince, kain na po, Pa.”

Tumingin siya sa ina na kadarating lang galing sa trabaho, “Ma, I’m full na po.”

Agad na sumimangot ang ina lalo na nang makita ang paubos nang ice cream niya.

“Pa, naman! Bakit mo naman binigyan ng ice cream si Vince.”

“Ah kasi mataas ang marka niya. Kaya ito sana ang premyo ko sa kanya.”

Advertisement

Umangat ang kilay nito, “Hindi niyo na kailangang bigyan ng anumang papremyo ang anak ko. Masama sa kanya ang palaging ice cream.”

Wala nang nasabi ang matanda at yumuko nalang.

Ilang araw ang lumipas, habang hinihintay niya ang kanyang lolo sa school ay bigla siyang kinabahan. Kaya naman tinawagan niya ang ina at sinabing wala pa ang lolo niya upang sunduin siya.

Galit na nagtungo naman agad ang ina sa eskwelaha niya. Narinig niyang tinawagan nito ang ama. Pinagdarasal niya na sana’y okay lang ang lolo niya. Kanina niya pa rin kasi ito tinatawagan ngunit walang sumasagot sa numero nito.

“Pa, asan ka ba–”

Nakita niyang natigilan ang ina habang may kausap sa cellphone. Mukhang hindi ang lolo niya ang kausap ng ina.

Kinabahan siya nang malamang nasa ospital daw ang lolo Vincente niya.

“San po si Papa?” tanong ng mama niya sa tiyuhin. “Kamusta po ang lagay niya?”

Advertisement

“Hindi naman napuruhan, nahulog lang sa hagdan. Kasi naman kahit nirarayuma na ay pinilit pa ring ipadevelop ang mga litrato sa akin.”

Iniabot nito sa kanyang ina ang mga litrato. Doon ay bigla itong natulala sa nakita.

“Papa…” bulong nito habang pinagmamasdan ang litrato nito noong bata kasama ang ama.

Nalaman niyang Papa’s girl pala ang mama niya. At halos lahat ng gusto niya ay sinusunod rin noon ng ama. Ngunit nagbago lahat iyon nang magka-sarili itong pamilya. Dumagdag pa sa stress ng mama niya nang mambabae ang kanyang ama at mag-isa na lamang siyang buhayin nito.

Marahil ay nahihiya ito sa ama na naging failure ang buhay-pamilya nito. Naintindihan niya bigla ang sitwasyon ng kanyang ina.

Hanggang sa magising ang lolo Vicente niya at naabutang umiiyak ang mama niya, “Oh, bakit ka umiiyak anak?”

Umiling ito,”Sorry, ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako naging ka-selfish na ina’t anak. Sorry po Pa, sorry anak ko.”

Simula noon ay hindi na sinasaway ni Vina ang mag-lolo. Madalas niya na rin itong sabayan sa kwentuhan ng mga ito. At sa kabila ng pagiging busy niya ay naghahanap pa rin siya ng oras upang maka-bonding ang anak at ang kanyang ama.

Advertisement

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.