Binawi ng mga Awtoridad ang Anak ng Babaeng Ito, Ano Kaya ang Mabigat na Dahilan?

Mula sa probinsya ay nasa byahe si Aling Amanda papunta sa ospital at saktong pagdating niya roon ay sumabog ang kaniyang panubigan.

Saktong alas dose ng madaling araw nang isilang ni Aling Amanda ang kaniyang unang sanggol. Masayang-masaya siya dahil kahit na iniwan siya ng kaniyang asawa ay naging matatag siya at ipinangakong magiging isang mabuting ina.

Pagkatapos magpalakas at makabangon mula sa panganganak ay agad na umuwi ang ale bitbit ang bata. Kahit na kakapanganak lamang ay agad na bumyahe ang mag-ina at bumalik sa probinsya. Dumayo lang naman ang ale doon para sana magtanong tungkol sa asawa.

“Anak, nandito na tayo sa bahay! Pangako ko sa iyo na magiging mabuti akong ina at bibigyan kita ng maayos na buhay! Basta anak, huwag mong iiwan si mama ha?” bulong ng ale sa sanggol.

Inihanda kaagad ng ale ang kuna ng bata. Binihisan ito, pinatulog, pinadede at binantayan sa bawat paghinga. Mahal na mahal ni Aling Amanda ang bata.

“Sir, doon ho nakatira si Amanda at yung bata,” saad ni Mang Boy sa mga pulisya habang tinuturo niya ang bahay ng ale.

“Tao po? Aling Minda buksan niyo ho ang pinto!” katok ng pulis.

Agad-agad namang binuksan ng ale ang pinto at gulat na gulat siyang may dalawang pulis at isang babaeng may pamilyar na mukha ang tumambad sa kaniyang harapan.

Advertisement

“Walanghiya ka!” saad sa kaniya ng babae sabay sampal ng malakas at tumakbo sa bata.

Halos magdadalawang taong gulang na ang anak ni Aling Amanda na si Chloe pero ang totoo ay anak talaga siya ng babaeng dumating, anak ito ni Patricia.

Binuhat agad ni Patricia ang bata at humagulgol sa kaiiyak, wala namang nagawa ang ale at yumuko na lang ito.

“Pasensya ka na, hindi ko naman siya sinaktan. Minahal ko siya, ” wika ni Aling Amanda sa mga taong nakapaligid dito.

Nakita naman ni Aling Patricia na totoo ang sinabi ng ale. Maayos ang kalagayan ng kaniyang anak, malusog ito at hindi mukhang pinabayaan o pinagmalupitan.

“Mali pa rin ho ang kumuha kayo ng anak ng may anak. Mali ho iyon!” sigaw naman ni Patricia.

“Patawarin niyo ako!” umiiyak na pahayag ni Aling Amanda at inaresto na siya para madala sa presinto.

Doon napag-alamang hindi nabuhay ang isinilang na sanggol ni Aling Amanda at kasabay rin noon ay ang pagkawala ng kaniyang asawa ng dahil sa atake sa puso. Dumaraan ngayon sa matinding depresyon ang ale kaya niya nakuhang dukutin ang anak ni Patricia na noon ay katabi nya sa kama ng ospital.

Advertisement

“Ayos lang Patricia, tinatanggap kong mali ako at tatanggapin ko rin ang karampatang parusa sa ginawa ko. Patawarin mo sana ako, pero hindi ko siya sinaktan at minahal ko siya ng lubos, patawad,” saad ni Aling Amanda sa babae.

Habang umuusad ang imbestigasyon ay natuklasan ring wala nang iba pang kamag-anak ang babae dahil ampon lang pala ito. Nagtanong tanong rin sila sa lugar na tinirhan ng babae kung kamusta ang trato niya sa batang kasama.

“Naku mamang pulis, lahat kami dito ang alam ay anak ho ni Amanda ang lagi niyang kasama. Mahal na mahal niya ang bata at kahit nagkakandakuba na yun sa kakalaba ay hindi pa rin niya pinapabayaan ang sanggol. Kahit naman sino ho ang tanungin ninyo ay isa lang ang masasabi, mabuting ina ho si Amanda kaya walang ibang magkakamali na isiping hindi pala niya anak ‘yon,” saad ng isang kapitbahay ng babae.

Dahil kumalat sa balita ang litrato ni Amanda na kumuha ng bata ay agad na napagbigay alam sa mga kinauukulan ang kinaroroonan nito,

“Chief, inuurong ko na ho ang kaso ko kay Aling Amanda,” saad ni Patricia sa mga pulis.

“Sigurado ho ba kayo diyan, misis? Dalawang taong nawala ang anak niyo sa inyo at ngayong hawak na natin ang may sala ay papakawalan niyo lang?” tanong ng isang pulis.

“Opo, sigurado ho ako,” wika ni Patricia.

Naiurong ang kaso at lumaya na kaagad si Aling Amanda, ngunit bago umuwi sina Patricia at ang anak ay pinuntahan na muna nila ang ale.

Advertisement

“Gusto ko lang hong magpasalamat sa maayos na pagpapalaki ninyo sa aking anak, pinapatawad ko na ho kayo at Diyos na ho ang bahala sa ating mga kasalanan,” pahayag ni Patricia sa ale.

“Bakit hindi mo na lang ako pinakulong? Napakalungkot na ng buhay ko,” umiiyak na wika ni Aling Amanda sa babae.

“Nga pala, dalhin mo itong mga bagong tahi kong damit kay Chloe, este sa anak mo. Sayang naman, wala naman iyang bahid na masama, sana dalhin mo,” dagdag pa ng ale.

“Dadalhin ko ho ito at ipapakilala ko rin ho kayo sa anak ko kapag lumaki na siya. Kaya hindi ko ho kayo pinakulong dahil alam kong mas mahirap sa loob ng selda at mas magiging masalimuot ang buhay ninyo. Gamitin ho sana ninyo ang pagkakataong ito para humanap ng liwanag. Pwede niyo ho kaming dalawin ng anak ko, ito po ang number ko,” baling naman ni Patricia.

“Mama, babye mama!” sigaw ni Chloe sa ale paglabas nito sa kanilang pintuan at bumagsak ng tuluyan ang mga luha ni Aling Amanda.

Hindi na muling nag-asawa pa si Aling Minda imbes, nagpunta siya sa bahay ampunan at nag-alaga doon ng maraming bata. Hindi niya akalaing may tatangap pa sa kaniya at laking pasasalamat niya kay Patricia dahil hindi siya pinakulong. Ngayon ay dumadalaw-dalaw si Aling Amanda sa bata at patuloy pa rin ang paninilbihan niya sa bahay ampunan.