Di Inaasahang Nahulog ang Loob ng Lalaki sa Babaeng Nakilala sa Facebook, Ngunit May Nadiskubre Siya nang Sila’y Magkita

Nakangiting bumangon sa kanyang higaan si Benjie at agad agad hinanap ang cellphone na siyang huling hawak niya rin bago matulog. Madaling araw na naman silang natapos mag-usap sa Facebook Messenger ng iniirog na si Bea.

Magta-tatlong buwan na nila itong ginagawa, kaya naman naisipan niyang tanungin ang dalaga,

“Bea! Tanong ko lang, kailan kaya tayo pwedeng magkita ng personal?”, text ni Benjie sa dalaga. Umaasa ang binata na makita na sa personal si Bea.

“Good morning, Benjie! Meet-up? Gusto mo na tayong magkita?”, tanong ni Bea.

“Oo eh. Alam mo ba, dati ko pa iniisip kung gaano ka kaganda sa personal. Kasi naman, picture pa lamang e napakaganda na. Paano pa kaya kung harapan na? Hehehe.”, sagot ng binata.

“Ganoon ba? Ayos lang naman sa akin. Sa totoo lang gusto na nga rin kitang makita e, matagal na. Kaso, natatakot ako eh.”, malungkot na reply ng dalaga.

“Bakit naman? Ano ka ba! Mabait ako, ‘no!”, pabirong sabi ni Benjie.

“Naku, Benjie! Hindi sa ganun. May sasabihin kasi ako sa’yo. Medyo malayo ang itsura ko sa personal eh. Baka mamaya hindi mo ako magustuhan.”, ‘ika ni Bea.

Advertisement

“Pwede ba ‘yun? Ano ka ba! Alam kong maganda ka. Kung ano ano iniisip mo d’yan. Haha! Ano, payag ka na? Magkikita na tayo?”, sagot ng tuwang tuwang si Benjie. Ramdam niyang malapit na niyang mapasama ang dalaga.

At tama nga ang hinala ni Benjie. Pumayag na ang dalaga sa kanilang meet-up. Kilig na kilig naman ang binata dahil noon pa niya ito gustong gusto makita. At noon din pa niya balak na ligawan ang dalaga sa personal para mapasakanya na. Todo todo ang ginawa nitong paghahanda sa pagkikita nila sa darating na Sabado.

Dumating na ang araw ng kanilang meet-up. Pumunta muna ang binata sa flower shop upang bumili ng isang dosenang rosas at mga tsokolate para sa magandang dalaga. Matapos ay pumunta na siya sa napag-usapang mall.

“Bea! Saan ka na?”, tanong ni Benjie. Nakapolo pa ang lalaki at nagpabango pang muli pagkapasok ng mall.

“Nasa tapat ako ng Department Store. Naka-itim na dress ako.”, reply ni Bea.

“Ah ganoon ba? Nako nakakahiya, kanina ka pa ba naghihintay? Magmamadali na ako. Malapit na ako.”, sagot ni Benjie na nagmamadali nang lumakad papuntang Department Store.

Nang makarating ang binata sa tapat ng Department store, agad niyang hinanap ang magandang dilag na naka-itim na damit. Ngunit ang nakita niya lamang ay isang hindi kagandahang babae at iilang pamilya na nakatayo sa harap. Kaya’t nagtext agad ito sa dalaga.

“Bea, nandito na ako. Nasaan ka na? Lumipat ka ba? Hindi kita makita e.”, pagtataka ni Benjie.

Advertisement

“Ano bang kulay ng suot mo? Nakikita na ata kita. Ako ito, yung kumakaway sa’yo.”, sagot ng dalaga.

Muling naghanap si Benjie. At nakita niya ang isang babae na kumakaway sa kanya. Nakaitim nga itong damit ngunit hindi naman kamukha ng iniisip niyang itsura ni Bea.

“Lapitan mo na lang ako, hindi talaga kita makita e.”, nakayuko sa Benjie sa kanyang cellphone at nagrereply kay Bea nang may biglang nagsalita sa harap niya.

“Hi, Benjie! Ako ito, si Bea.”, malambing na boses ng dalaga.

Agad namang tumingala ang binata para makita ang mukha ng sinisinta. Ngunit laking gulat nito sa nakita. Napakalayo ng itsura ng dalaga sa litrato nito sa Facebook.

“Bea, ikaw ba ‘yan? Hmm. Bakit parang iba ata ang itsura mo sa pictures mo?”, tanong ni Benjie.

“Sinabi ko naman sa’yo e.”, sagot ni Bea, na tila napahiya sa sinabi ng binata. Ramdam niyang hindi nagustuhan ni Benjie ang nakita.

Nakatulala lang ang binata sa dalaga. Hindi nito maintindihan ang nangyayari.

Advertisement

“Ok ka lang?”, tanong ni Bea.

“Ah, oo. Pero… paano?”, pagtataka ni Benjie.

Tumawa naman ang dalaga, kahit hiyang hiya na ito sa reaksyon ng binata.

“Anong paano? Bakit? Hindi mo masabing ang pangit ko sa personal?”, nahihiyang sabi ni Bea.

“Hindi naman sa ganon. Pero, napakalayo kasi. Sino iyon? Kaninong mga pictures yun?”, tanong ni Benjie kay Bea.

“Ako ‘yon. Pero, syempre sa tulong ng mga camera at beauty applications ngayon, pati na rin ng mag filters, baka kaya nag-iba ang itsura ko.”, hiyang hiyang sagot ni Bea.

“Uuwi na lang ba ako?”, biglang tanong ni Bea, dahil halatang halata sa reaksyon ng binata ang lubos nitong panlulumo.

Nagulat si Bea sa sagot ni Benjie.

Advertisement

“Mabuti pa nga. Para mo akong niloko.”, mabilis na sagot ni Benjie, at saka nito tinapon sa basurahan ang bulaklak at tsokolateng dala.

Maluha luhang tumakbo papalayo si Bea. Pahiyang pahiya siya sa mga nangyari. Pero tanggap niya ang mga nangyari sa kanya dahil malayo nga naman sa mga litrato niya ang tunay niyang itsura. Tinanggap na lamang niya na inayawan siya ng lalaki dahil sa kanyang itsura.

Ngunit matapos ang ilang araw, biglang may nagchat kay Bea.

“Bea, sorry. Patawarin mo ako sa inasal ko.”, sabi ni Benjie. Nagulat ang dalaga dahil matagal na silang hindi nag-uusap matapos ang kanilang pagkikita.

“Ayos lang. Dapat lang sa akin ‘yon. Tama ka naman, pangloloko ang ginagawa ko.”, sagot ni Bea.

“Oo, pangloloko nga iyon. Pero kahit ganoon pa man, sa totoo lang e hindi ka maalis sa isip ko.”, sagot ng binata na ikinagulat ni Bea.

“Bakit naman?”, takang takang tanong ng dalaga.

“Sa mga nakaraang araw na ito, alam mo bang miss na miss na kitang kausap? Yung mga pag-uusap nating hanggang madaling araw. Yung mga tawanan, kwentuhan, at pati ung pakikinig mo sa mga problema ko.”, mahabang reply ng binata.

Advertisement

Dagdag pa niya, “At alam mo ba? Napag-isip isip ko rin na kahit ganoon ang nangyari, gusto pa rin kita. Kaya Bea, may itatanong ako sa’yo. Seryoso ako.”

“Ano yun?”, kabadong sagot ni Bea.

“Pwede ba tayong magkita ulit?”, pakiusap ng binata.

Agad namang pumayag si Bea. Nais din kasi nitong humingi ng tawad sa binata ng personal.

Pagdating nila sa mall, nagulat ang dalaga dahil inabutan siya agad ni Benjie ng mga bulaklak at rosas.

“Bea, para sa’yo ito. Nga pala, gusto kong humingi ng tawad sa personal sa mga inasal ko noong nakaraan.”, sabi ni Benjie.

“Ok na yun. Pero sorry din ha. Tama, kalimutan na natin yun. Pwede naman tayong maging magkaibigan.”, sagot ng dalaga.

“Kaibigan lang? Pwede bang, girlfriend?”, biglaang tanong ni Benjie. Gulat na gulat ang dalaga.

Advertisement

“Ha? Nahihibang ka na ba? Hindi ba pangit na pangit ka sa akin?”, takang taka si Bea.

“Ano naman? Ang mahalaga, mahal kita. Oo, Bea, mahal kita.”, pag-amin ng binata.

Agad siyang niyakap ng dalaga.

Natutunan ni Benjie na ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa pisikal na anyo ng tao, dahil nanggagaling ito sa ating mga puso.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.