Matagal Tiniis ng Lalaki ang Wala sa Lugar na Pagseselos ng Misis, Tuluyan Niya Itong Hiniwalayan Dahil sa Isang Dahil sa Trahedyang Ginawa Nito

Isang taon palang na kasal si Christy sa asawang si Marlon, pareho silang may trabaho pero sa magkaibang kumpanya. Kahit walang ginagawang masama si Marlon ay grabe kung magselos si Christy, makita niya lang na may ibang babaeng kasama sa picture ang kanyang asawa ay naghihinala na siya, kahit pa group picture naman iyon. Tinitiis naman ni Marlon lahat dahil iniisip niyang mahal lang talaga siya ng kanyang misis.

“Mahal, pogi ka kasi eh.” sabi ni Christy isang umaga habang nag aalmusal sila.

“Maganda ka rin naman, kaya nga hindi ko maintindihan bakit nagkakaganyan ka. Gayong alam mo namang tapat ako sayo.” sabi ni Marlon.

“Basta, may tiwala ako sayo. Sa kanila, wala.” nakangusong sabi ni Christy.

Napailing na lang si Marlon, minsan hindi niya maiwasang mapikon sa asawa kahit gaano niya ito kamahal at kagustong intindihin. Pagod na kasi siya galing sa trabaho, imbes na ihanda ang kakainin nila ay uunahin muna nitong singhutin siya kung ‘amoy babae’ ba raw, at i-check ang cellphone niya. Kahit paulit-ulit niyang sabihin na walang iba, at kahit umoo sa kanya ang babae, alam niya namang hindi ito naniniwala.

Nasa opisina pa si Christy nang mag-text sa kanya si Marlon na mauuna na itong umuwi sa bahay nila dahil nag-undertime ito at masama ang pakiramdam. Pagkalabas niya sa opisina, dali-dali siyang umuwi. Hindi niya alam pero parang hindi maganda ang kutob niya.

Nasa tapat na siya ng kanilang pintuan nang makita niya ang sapatos ng isang babae, sigurado siyang hindi sa kanya iyon. Sinasabi niya na nga ba! Mga h*yop!

Dahan dahan niyang ipinasok ang susi ng pinto dahil naka-lock iyon, at ibinukas niya nang marahan. Wala ang asawa sa salas. Nakatingkayad siyang naglakad papunta sa kwarto, kung saan naulinigan niya ang mister na nagsasalita.

Advertisement

Hindi nakasara ang pinto ng kanilang kwarto, nagkubli siya sa gilid. Di niya man nakikita ang mga ito ay naririnig naman niya ang usapan.

“Ito na lang muna, ito pa. Sayo na yan, hindi na naman ginagamit ni Christy yan eh. Naku, Ang laki na ng tyan mo, ano kayang reaksyon ni Christy kapag nakita niya yan? Excited na ako sa baby.” sabi ni Marlon. Nanlaki ang mata ni Christy, buntis ang babae!

At ang lakas ng loob ni Marlon na dalhin ito sa kanilang bahay at ibigay rito ang mga gamit niya. Bumwelo siya, tapos ay patakbong pumasok sa loob ng kwarto. Nakatalikod sa kanya ang babae kaya madali niyang nahila ang buhok nito at naitulak ito sa sahig.

Hindi pa sya nakuntento, pinagsisipa niya ang tiyan nito na sa tingin niya ay apat na buwan na. Hindi niya nakikita ang mukha ng babae dahil natatakpan iyon ng buhok nito. Nanlaki ang mata ni Marlon at agad na inawat ang misis.

“Christy! Ano ba!” sabi ni Marlon habang yakap si Christy na patuloy pa rin sa pagpupumiglas.

“Mga h*yop! Ikaw na babae ka ang kapal ng mukha mo na tumungtong sa pamamahay ko, nakikihingi ka pa ng damit na g*ga ka, walang kang pambili?! At ikaw Marlon ang liit na nga ng sahod mo nambababae ka pa! Mga g*go! Kaya ko kayong bilhing dalawa!” sigaw niya.

“A-aray ko.. Marlon.. tulungan mo ako. Aray!” sigaw ng buntis na babae, may dugo sa binti nito. Nanlaki ang mata ni Christy nang mabosesan ang babae.

Ate ito ni Marlon!

Advertisement

“A-Ate Jea?” tanong niya pero di na sumagot ang babae dahil nawalan na ito ng malay, tiim bagang itong binuhat ng kanyang asawa at dinala sa ospital. Bago lumabas ng bahay ay tinignan muna siya ng masama ng lalaki.

Tulala ang kapatid ni Marlon nang abutan ito ni Christy sa ospital, paulit ulit siya sa paghingi ng tawad pero di kumikibo ang babae. Nailigtas naman ang bata kaya lang ay kritikal pa ang kalagayan nito dahil halos 5 buwan pa lamang at hindi pa ganoon kalakas ang katawan.

“Ayoko na Christy, akala ko ang pagseselos mo noon ay dahil lang sa pagmamahal. Pero hindi na pagmamahal iyan, dahil sayo baka kung ano ang mangyari sa pamangkin ko. ” sabi ni Marlon sabay alis.

Pumunta sa simbahan noon si Christy at humingi ng gabay sa Diyos, hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Paulit ulit pa rin siyang bumalik sa ospital at kahit hindi siya pinapansin ni Marlon ay itinuon niya sa munting anghel ang kanyang atensyon, sa pamangkin niya.

“Baby, patawarin mo ang tita. Naging makasarili ako.” sabi niya rito habang umiiyak. Tila pinatawad naman siya agad ng Diyos dahil mabilis na lumipas ang mga buwan at naging healthy na ang sanggol.

Hindi naman siya natiis ni Marlon, bago umuwi ang mga ito ay niyakap siya ng lalaki. Alam ni Christy, na iyon ay panibagong pagkakataon na ibinigay sa kanya ng Diyos para buuin ang kanyang pamilya. Nangako siya sa sarili na hinding hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.