Nagkagusto ang Lalake sa Kanyang Guro na Abogada, Hindi Niya Alam na May Malalim Pala Itong Sikreto

Nagmamadali si Charles kasi mala-late na siya sa klase, isa siyang law student na galing sa mayaman na pamilya. Ang mga magulang niya ay isa sa mga mayaman na tao sa siyudad. “Hoooh”, malakas na hinga ni Charles. “Buti na lang wala pa si Prof. Kung hindi yari na naman ako.”

“Oo nga pare, mainit ka pa naman ngayon doon, mukhang may gusto ata sa iyo yun eh, hehe!” pabirong hirit ng lalakeng kaklase nito. “Gago lalake yun, puro ka talaga kalokohan.” sabay batok sa kaklase.

Habang maingay ang klase, biglang may kumatok. “Excuse me, aheemm.” ito ang Dean ng Law School nila. “Makinig kayo, hindi na muna makakapasok si Prof. Deo ng ilang buwan dahil may sakit ang asawa niya kaya iba na ang hahawak sa inyo.” bungad ng lalake.

Sinenysan ng Dean ang babae na pumasok na sa kwarto upang ipakilala sa kanyang bagong klase, “Guys, this is Atty. Marla Francisco siya ang inyong magiging professor, siya ang top notcher sa nakaraang Bar Exams kaya masaya kami na pinili niya magturo dito sa Unibersidad natin.” nakangiting wika niya.

(Photo for illustration purposes only)

Napakaganda ng babae, nakalugay ang mahabang itim na buhok niya, porselnang kutis, mahaba ang biyas nito at talaga naman ubod ng alindog ang datingan ng bagong professor ni Charles. Talagang tutulo ang laway mo dito at magigising ang pagkalalake mo sa ganda ni Atty.

Halos ganito ang nangyari kay Charles, talagang tulala siya at nabighani sa ganda ng babae. Kakaibang kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan at hindi niya maibaling ang mga mata sa hubog ng dalaga.

“Good Afternoon class,” bati ng bagong prof. “I expect na susunod kayo sa mga ipapagawa ko at ayokong ayoko ang mga pasaway dito, hindi tayo maglolokohan dito kaya huwag niyong asahan na magiging madali ang buhay niyo sa Law School.” nakakaalarmang babala ng babae.

Tumahimik ang lahat at sabay sabay na sumagot ng, “Yes Ma’am”.

Advertisement (Photo for illustration purposes only)

Hindi makakalimutan ni Marla ang nakaraan niya, bakas pa rin sa isipan niya ang malagim na sinapit ng kanyang pamilya noong siya’y pitong taong gulang pa lang. Inambangan ang sasakyan nila ng mga hindi pa rin nahuhuling kriminal at pinaputukan ito ng walang habas. Sa isang di maipaliwanag na himala tanging siya lamang ang nakaligtas dito.

Dahil dito nag desisyon si Marla na hanapin ang hustisya para sa pamilya, kaya pinili niya na pasukin ang mundo ng pag-aabugasya at lunasan ang sugat na dinulot ng trahedya.

(Photo for illustration purposes only)

Gabi-gabi matapos ang klase niya sa eskwela ay tinututukan ni Marla ang kaso ng kanyang magulang, hindi talaga siya aayaw hanggang matunton niya mismo ang utak sa pagpapatay sa pamilya niya. “Nararamdaman ko malapit ko na matuklusan kung sino may pakana ng lahat na ito, magbabayad silang lahat!” sabay pukpok ng kamao sa lamesa.

Isang araw pagkatapos ng klase ay hinabol ng binata ang kanyang prof na babae. “Hi Ma’am”, habang tinatangka niyang makipagkamay, tinignan siya ni Marla mula ulo hanggang paa at tinanong siya, “Yes?”, mataray na sagot nito.

“Tapang niyo naman, gusto ko lang sana imbitahan ka kumain may alam akong masarap na kainan, Tara!.” malambing na hirit ng lalake. “Sorry but I don’t go out with my students, and please hindi maganda ang iisipin ng iba kapag nakita tayong magkasama, nakakahiya.”

Sabay sakay sa kotse nito at iniwang nagkakamot ng ulo ang binatang supalpal sa kanyang balak sa babae. “Gusto ko talaga siya, gusto ko yung ganyan may challenge.” habang naka ngisi at mukhang may binabalak ang hitsura niya.

Naging masigasig si Charles sa panunuyo, hindi niya sinukuan araw araw ang dalaga. Nagpabibo siya sa klase, madalas niya itong yayain bago umuwi, minsan pa nga ay ipinagluluto niya ito at inaalok na sabayan siya kumain pero matigas talaga si Atty at hindi niya talaga pinapansin ang effort ng binata.

Pero isang pangyayari ang babago sa tadhana nila.

Advertisement

Kinailangan mag commute ni Atty dahil coding ang kanyang sasakyan kaya dumirecho na ito sa sakayan ng taxi. Habang naglalakad si Marla palabas ng gate ng eskwela. Pabulong na sinabi nito, “Aba mukhang sumuko na rin yun, buti naman nakaka imbyerna na siya.”

“Sana may dumating ng taxi, anu ba naman kasi mga poste dito walang kwenta halos lahat pundido.” Hindi napansin ng babae na meron palang dalawang lalake ang nakatago sa may poste ng gusali sa likuran niya.

(Photo for illustration purposes only)

“Hi misss, magkano ka?” sabay tapik sa bandang pwitan ng dalaga. Gulat na gulat si Marla, “BASTOS!!!”, sabay sampal ng napakalutong sa mukha ng lalake.

“Loko ka ah, pare tara hawakan mo titikman ko labi nito mukhang masarap eh.” Sabay sulpot ang kasama niya.. “Tulonggggg” sigaw ni Marla habang nilalabanan niya ang dalawang manyak. Sa kabutihang palad, may nakarinig sa babae at dali dali itong sumaklolo sa kanya.

“Hoyyyy”, sabay sipa at magkakasunod na sapak ang binitiwan ng lalake.” Mga gago”, wika niya. Kumaripas ng takbo ang dalawa habang tinutulungan ng binata makatayo ang babae. “Miss okay ka lang?” tanong niya.

Nang pagkita ni Atty kung sino ang tumulong sa kanya, “Charles”?, aniya. “Ma’am”, gulat din ang binata. “Buti na lang at napadaan ako at narinig ko yung saklolo mo”, “Haay, buti na lang dumating ka. Nagkatitigan ang dalawa na may halong ngiti sabay niyaya siya ng binata, “Tara Ma’am kain tayo tapos hatid na kita.”

Hindi na napigilan tumanggi ng babae at parang nag-iba ang kanyang pagtingin kay Charles simula noon. Madalas na silang kumakain nito, ipinapasyal din siya ng binata gamit ang motor nito sa mga magagadang lugar at lubos na gumaan ang loob ni Marla sa kanya.

(Photo for illustration purposes only)

“Sana ganito na lang ang buhay puro saya at walang sakit sa ulo”, wika ni Charles. “Oo nga, sana nga ganito na lang.” sagot ng babae. Dahan-dahang inabot ng binata ang kamay ni Marla, hinawakan niyang mahigpit, tapos tinignan niya ito sa mga mata, ngumiti at sabay tingin sa langit na puno ng tala.

Advertisement

Hindi nagtagal nagkatuluyan ang dalawa, inilihim nila ang relasyon para hindi mapatalsik si Atty sa Unibersidad. Pero pag silang dalawa na lang ang magkasama ay sinisiguro nila na punong puno ng pagmamahalan ang dala nila sa kanilang relasyon.

(Photo for illustration purposes only)

Pag-uwi ni Marla sa kanyang apartment, may nakita siyang puting sobre na nakaipit sa pintuan niya. “Oras na para malaman mo ang katotohanan” nakasulat sa sobre. Ang laman ng sobre ay ang matagal ng hinahanap na hustisya ng dalaga upang masingil na niya ang may kinalaman sa pagkamatay ng magulang niya.

Matapos ang isang mainit na pagtatalik ng dalawa, “Babe, sama ka sa akin bukas dalhin kita sa bahay namin, pakilala kita sa parents ko.” bulong ni Charles. “Talaga babe, naku sige gusto ko yan tingin ko ready na ko na makilala sila.” masayang sagot ng babae.

Kinabukasan sa loob ng apartment ni Marla, ito’y naliligo na at naghahanda habang si Charles ay bumili ng almusal nila. Pagbalik ng binata ay nasa banyo pa ang dalaga, “Babe andito na ko, kain na tayo pagkatapos mo diyan.”

(Photo for illustration purposes only)

Habang inaayos ng lalake ang kakainin nila, napansin niya na bukas ang bag ng nobya kaya pinuntahan niya ito para isara, pero laking gulat niya ng makita niya ang laman. Isang 45 caliber na baril at ang puting sobre na natagpuan ni Marla kamakailan.

“Babe san ka? tanong ni Atty habang papalabas ng banyo. Nagulat ang lalake at dali dali niyang sinara ang bag. “Dito sa lamesa tara kain na tayo”, hindi nagpahalata ang binata sa kanyang natagpuan sa bag ng nobya.

Umalis na ang dalawa at dumirecho na sa bahay ng nobyo. Pagdating nila dun ay sinalubong sila ng mga naka barong na lalake na bodyguard ng magulang ni Charles.

“Pa, Ma” sigaw ng binata ng matanaw ang mga magulang na sinasalubong siya sa pintuan ng bahay. Pinakilala niya ang nobya, “Let me introduce to you my girlfriend, Atty Marla Francisco”. Kinamayan ng dalaga ang mga magulang, “Wow mahusay ka talaga pumili anak, manang-mana ka sa akin” mayabang na sagot ng ama. “Halika iha, pasok ka at samahan mo kaming kumain sakto at nakahanda na ang pagkain.” mahinhin na hirit ng ina.

Advertisement

Habang kumakain, napansin ng binata na parang iba ang kinikilos ng nobya. Pinagpapawisan ito at parang hindi mapakali. “Babe okay ka lang”?, “Ayos lang ako, ikuha mo na lang kaya ako ng maiinom.” sabi nito. “Sige relaks ka lang diyan”

(Photo for illustration purposes only)

Pagka alis ng nobyo, dahan dahang tumayo si Atty at lumapit sa kinauupuan ng ama ni Charles. Binulungan niya ito, “Naalala niyo po ba si Raja at Claudia Francisco??”, gulat na napatingin ang lalake. “Huh sino ba yang sinasabi mo iha’?

“Nagmamaang-maangan ka pa, hayup ka ikaw ang nagpapatay sa mga magulang ko dahil hindi ka sinuportahan ng tatay ko sa mga plano mo noon.” galit na galit at umiiyak ang dalaga. “Alam ko na ang katotohanan, dahil diyan pagbabayaran mo ang ginawa mo”

(Photo for illustration purposes only)

Dali dali niyang dinukot ang baril sa bag at tinutok niya ito sa mukha ng lalake, “Masunog ka sa impyernooo..” “Huwagggggggg Marlaaa”,mabilis na gumitna si Charles sa pagitan ng ama at nobya.

“Huwag mong ituloy ito Marla”, makaawa ng binata. “Umalis ka diyan, demonyo yang ama mo pinapatay niya ang magulang ko hindi na siya naawa, hindi siya nababagay mabuhay pa.” habang tumutulo ang luha niya at nanginginig ang mga kamay sa gantilyo ng baril.

“Huwag kang maging katulad ng ama ko, hindi ito ang paraan para makamit mo ang hustisya. Kapag pinatay mo siya para ka na lang din katulad niya, alam ko na hindi ka ganun.” umiiyak na hiling ng binata sa nobya.

Natauhan bigla si Marla at bigla siyang napaluhod at humagulgol ng matindi habang bigla siyang niyapos ni Charles at sinabing, “Mahal na mahal kita, hindi kita hahayaang maging katulad ng ama kong mamatay tao.”

Ilang minuto lang ay dumating na ang mga pulis upang arestuhin ang tatay ni Charles, tinawagan na pala ito ng binata bago pa pumunta sa bahay nila upang ibunyag ang mga katiwaliang sangkot ang kanyang ama.